15

24 9 26
                                    

*bang* *bang* *bang* *bang*

Napatigil at nabigla sa paglalakad sina Delanie at Agane.

"Ayy! Ano 'yon?" natatarang tanong ni Delanie.

Agad siyang lumapit sa kapatid para yakapin.

"Putok ng baril." sagot ni Agane.

"Buti may dala akong deodorant. Eto.. Ay!!" napasigaw siya nang mapagtanto na hindi putok sa kili-kili ang tinutukoy ng kanyang kapatid.

Hindi siya pinansin ni Agane. Nakatingin lang ito sa isang direksyon. Sinundan naman ito ni Delanie.

Nakita nila ang isang lalaking may hawak na baril na nakatayo malapit sa magandang sasakyan. Hindi nila masyadong makita ang titingnan nito dahil nakaharang ang isang kotse.

Namataan din nila ang papalapit na isang pulis habang nakatutok ang baril nito sa lalaking nakatayo.

*bang* *bang* *bang*

"Dyusq! Ano bang nangyayari?" naiiyak na sambit ni Delanie.

Natataranta na si Delanie. Gusto na niyang umalis sa lugar na 'yon ngunit hindi sumusunod sa kanya si Agane. Bagkus lumapit pa ito nang husto sa lugar ng insidente.

Sumunod si Delanie. Nanginginig at kinakabahan. Mabuti na lamang hindi umiyak ang bata at mahimbing pa rin itong natutulog.

Habang naglalakad, hindi namalayan ni Delanie na tumalon pala si Beng mula sa kanyang munting higaan. Mabilis itong pumunta sa pinangyarihan ng krimen.

----

[A/N]

Guys, paghiwalayin ko na lang 'yung scene nang pagda-dalamhati ni Elaine and Beng ah?Naguguluhan kasi ako. Pasensiya na rin dahil hindi ako magaling magsulat ng nakakaiyak. Thanks!

----

Elaine

Dahan-dahang lumapit si Elaine kay Bred na nakahiga. Nag-aagaw buhay. Yakap-yakap pa rin nito ang kanyang alaga na si Dodong. Duguan at wala ng buhay.

"B-bred..." naluluhang si Elaine.

Pilit na inabot nang kamay ni Bred ang mukha ni Elaine.

"S-shh.. T-tahan na. A-ang p-panget mo umiyak." pang-aasar ni Bred sa magandang pulis.

Kahit na nag-aagaw buhay na ito ay nakuha niya pang magbiro. Siguro sa mga sandaling iyon, gusto niyang ipahiwatig na, 'Huwag kang mag-alala dahil magiging okay din ang lahat.'

Lalong naiyak si Elaine nang sabihin ni Bred iyon.

"'Di ba s-sabi mo, kapag naging pulis ako liligawan mo ako?" naiiyak na sambit ni Elaine. Hindi na mapigil ang daloy nang kanyang mga luha.

Medyo marami-rami na rin ang mga taong nakiki-usyoso. Ang ilan sa kanila ay mga bata.

"H-hindi na y-yata matutuloy 'yon.. E-elaine.."

Gusto nang ipikit ni Bred ang kanyang mga mata ngunit patuloy pa rin siyang lumalaban para manlang sa huling sandali ay makapag-usap at makapagpaalam siya sa taong mahal niya.

"Pero nangako ka sa 'kin, Bred. Panindigan m-mo 'yon!" medyo pasigaw na sinabi ni Elaine.

"P-pasensiya na k-kung hindi ko m-matutupad ang p-pangako ko s-sa 'yo.'D-Di bale, m-mumultuhin ko n-nalang ang l-lalaking manliligaw sa 'yo at sasabihin na i-ingatan at m-mahalin ka niya nang totoo.." sagot ni Bred.

"Bred, 'wag ka namang ganyan oh!"

Isinenyas ni Bred ang kanyang mga daliri na 'wag mag-ingay at itinutok niya iyon sa mga labi ni Elaine.

Meow: The Cat's Mortal Enemy (Completed)Where stories live. Discover now