5

34 11 20
                                    


May bagong dating na bisita ang amo nina Beng at Dodong. May kasama itong isang baby.

Ang dalawang pusa naman ay kapwa nasa tabi ng kanilang amo. Tahimik at hindi kumikibo.

"Hi, ate Delanie." anas ng isang babae na may hawak na baby.

"Eto na ba ang pamangkin ko, Agane?" tanong ng kanilang amo.

"Meow!" angil ni Beng. Tila gustong niyang makalaro ang baby. Sa tingin ko ito ay nasa 1 o 2 taong gulang.

Binaba sila ng kanilang amo upang kunin ang baby.

"Ang cute cute mo talaga. Manang-mana ka kay tita." wika ng kanilang amo.

Kapwa nagtinginan ang dalawang pusa. Akala siguro nila sila 'yung sinasabihang cute.

Pumunta sila sa sala upang makapagkwentuhan. May naisip na bagay ang kanilang amo upang maaliw ang baby na gumagapang sa sahig.

Kumuha siya ng isang buong karton at inilagay doon ang pusang si Beng.

"Kapag hinampas ko 'to Baby Beng, kailangan lumabas ka ah?" wika niya sa pusa.

Alam na ni Beng ang mga gawaing ito dahil tine-training siya ng kanyang amo.

*tok*

Hampas sa karton tapos biglang lumitaw si Beng.

"Ahehehahahi!" tawa ng baby.

Paulit-ulit nila itong ginawa hanggang sa mainggit ang pusang si Dodong. Kaya sa pagkakataong iyon ay sumampa na rin siya sa karton para samahan si Beng na aliwin ang baby.

Habang tumatagal tila'y hindi nagkakaintindihan ang dalawa. Nag-uunahan sila sa paglabas kaya nag-iinit na naman ang ulo ng ating mga bida. At eto na nga.

Nag-away ang dalawa sa loob ng karton hanggang sa mawasak ito.

"Dyusq ang baby ko." wika ng isang babae sabay kuha sa kanyang anak.

"Lagi nalang kayong nag-aaway." sabi ng kanilang amo sabay awat sa kanila.

Nakalmot nila ito kaya pinagbabatukan silang dalawa. Mabuti na lamang ay tumigil na sila.

Iniwan muna ng dalawang babae ang mga pusa. Nainis siguro dahil sa inasal nila. Sabagay sino nga naman ba ang hindi maiinis kung malaman mong hindi ka naman talaga niya mahal.

Lumapit ang pusang si Dodong kay Beng. Hihingi siguro siya ng tawad kay Beng.

"Meo---"

Natigil ang pag-angil niya nang batukan/hampasin siya ni Beng. Sadyang mabigat talaga ang paa ni Beng. Pigilan niyo 'ko, gagawin kong siomai 'to.

Lumabas nalang nang bahay ang pusang si Dodong. Si Beng naman ay nanatili lang sa sala, tamang dila lang sa mga paa niya. Kadiri hahaha!

Pagkalabas ni Dodong ay may nakita siyang isang grupo ng mga pusa. Ngayon niya lang nakita ang mga ito.

"Meooow!"

"Meow!"

"Meowooh!" angil sa kanya ng ilang nga pusa.

Lumapit siya sa mga ito. At nakipag-usap gamit ang kanilang mga lenggwahe.

"Meoow meow meow meow." wika ng isang pusang nasa unahan. Ito yata ang boss nila.

"Meow!" simpleng sagot ni Dodong.

"Raaawmeoowwwo!" tila nanggigil ang boss ng mga pusa sa tinuran ni Dodong.

Nag-iisa lang siya laban sa anim na pusa. Lugi siya, kailangan niyang humingi ng tulong, ngunit kanino? Tatakbo na sana siya papasok sa bahay ngunit may dalawang pusa palang nakaabang sa kanya.

Hindi lang anim kundi 8 pusa ang kalaban niya. Hindi maaari. Kailangan niyang makatakas sa mga ito.

"Meooooowwww!!!!" sabay sugod kay Dodong. Hindi niya alam kung sino ang dapat unahin dahil nakapalibot ito sa kanya.

Gulpi at puno ng kalmot ang katawan ni Dodong. Hindi niya na kaya, kayanin man niya pero wala talag siyang laban. Naawa ako para sa pusang kay Dodong.

Kakagatin na sana nang walong pusa si Dodong ngunit may isang pusa ang biglang sumulpot.

"Miyaw!"

Meow: The Cat's Mortal Enemy (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن