12

19 8 7
                                    

[A/N]

Pabibilisin ko ng konti sa part na 'to. I love you!

~~~

2 and a half weeks later

Simula nang may mangyari sa pagitan nina Beng at Dodong ay kapansin-pansin ang pag-iiba ng ugali ni Beng.

Kung dati panay ang labas nito, ngayon naman ay nakapirmi na lang sa loob ng bahay.

Lumapit ang kanyang amo. "Anong nangyayari sa 'yo, Baby Beng?"

"Meow!"

Kinuha siya nang kanyang amo at binuhat. Napansin ni Delanie na parang nag-iba ang kulay ng utong ng kanyang alaga.

"Bakit parang namamaga at naging kulay pula ito?" kumunot ang kanyang noo.

Bigla siyang napatakip sa kanyang bibig.

"Buntis ka, Beng?" tanong niya sa pusa. "Kaya pala parang nag-iba ka nitong nakaraang araw."

Ibinaba ni Delanie ang kanyang alaga at mabilis na umalis.

After 5 minutes bumalik si Delanie. Bihis na bihis.

"Tara Baby, pupunta tayo sa vet." binuhat niya ulit si Beng. "Medyo bumigat ka rin ah."

Nagpaalam muna si Delanie kay Agane bago tuluyang umalis.

~~~

Nag-aalala na si Bred dahil mahigit isang linggong hindi umuwi si Dodong sa bahay nila. Bigla na lamang itong umalis at hindi n bumalik hanggang ngayon.

Araw-araw niya itong hinahanap ngunit lagi siyang bigo. Kung saan-saan na rin siya nakarating pero hindi niya pa rin makita si Dodong. Tila siya'y tinataguan nito.

"Lagot ako kay Ken nito." kamot ulo at hindi mapakaling sambit ni Bred.

Naghanda na ulit siya dahil mag-uumpisa na naman siyang hanapin si Dodong.

"Sana sa pagkakataong ito, makita ko na siya."

Kanina pa siya naghahanap pero bigo pa rin niyang makita ang kanyang hinahanap

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Kanina pa siya naghahanap pero bigo pa rin niyang makita ang kanyang hinahanap. Papauwi na sana siya sa kanilang bahay nang may matamaan siyang grupo ng mga pusa na nasa abandonadong bahay.

Nilapitan niya ito. Sadyang napakaraming pusa ang naririto.

Nagtiyaga si Bred na isa-isahin ang mga pusa. "Sana naman nandito si Dodong."

May palatandaan si Dodong sa bandang puwetan kaya merong basehan si Bred kung paano siya hahanapin.

"Meoowww!"

"Meoow!"

"Meoow!"

Kung saan pumunta si Bred ay kanya-kanya namang sunod ang iilang pusa. "Nakakaawa naman kayo."

Meow: The Cat's Mortal Enemy (Completed)Where stories live. Discover now