2

36 10 17
                                    


Lumapit ang amo ni Beng sa kinaroroonan nila. Mabilis siyang kinarga nito at ang isa pang pusa na nakaaway niya kanina.

"Bakit ka nakikipag-away Beng?" tanong ng amo ni Beng sa kanya.

Walang nakuhang sagot ang amo ni Beng dahil hindi naman marunong magsalita ang isang pusa. Maliban nalang kung isa ring pusa ang amo niya baka sakaling magkaintindihan silang dalawa.

Dinila-dilaan nang pusang itim ang kamay ng amo niya. Nainggit si Beng kaya ginawa niya rin ito.

"Aww! Ang sweet niyo naman." wika ng amo ni Beng.

Patuloy sa pagdila ang dalawang pusa. Hindi nila batid na parang niroromansa na nila ang ang taong may hawak sa kanila.

"Saan ka nakatira, huh?" tanong ng amo ni Beng sa pusang itim.

Tinitigan ni Beng ang isang pusa na nasa kabilang braso ng kanyang amo. Oo ito nga. Ito nga ang pusang umagaw sa itim na dagang hinabol niya. Ang mortal na kaaway niya.

"Meooow!" sabay dila nang pusang itim sa amo ni Beng.

Halatang nagpapacute at nagmamakaawa ang pusang itim. Gusto yatang magpaampon. Paktay! Higit na kamumuhian ni Beng ang pusang ito kung sakaling aampunin man ito ng amo niya.

Hindi maaari. Kailangan gumawa ni Beng ng paraan.

Itinaas ni Beng ang kanyang isang kanang paa upang kunin ang atensyon ng amo niya. Aba! Kung pagpapacute lang ay hindi siya magpapatalo lalo na sa mortal na kaaway niya.

Lumingon naman ito sa kanya at, "Meooowoohhhh!" angil ni Beng kasabay nang paglaki ng kanyang mga mata.

"You're so cute, Baby Beng." sabay himas gamit ang isang kamay ng amo niya.

Sa wakas, gumana ang plano niya. Nahulog ang pusang itim dahil ginamit na panghimas sa ulo ni Beng ang kamay na nakaakay sa kanya. Mabuti na lamang ay mabilis na nakareact ang pusang itim at maayos siyang nahulog.

Makakalimutin yata ang amo ni Beng kaya hindi niya namalayan na may isa pa pala siyang pusa na akay-akay.

"Meoow!" angil ni Beng. Palatandaan na masaya siya.

Nakatingin lamang sa kanya ang pusang itim. Nag-iisip. Nagpaplano kung paano siya makagaganti sa pusang si Beng.

Agad namang kinarga ulit ng amo ni Beng ang pusang itim upang humingi ng tawad.

"Sorry, mwah!" halik ng amo ni Beng sa pusang itim.

Nanahimik dahil halatang nainggit si Beng sa ginawa ng kanyang amo. Kung dati siya lang hinahalikan nito pero ngayon may karibal na siya. Mortal na kaaway kaaway na talaga ang tingin niya sa pusang itim.

Mabuti na lamang ay hinalikan din si Beng ng kanyang amo kaya nabawasan ng konti ang kanyang pagtatampo. Ngunit hindi pa rin siya masaya. Dahil nu'ng hinalikan siya ng kanyang amo ay merong balahibo sa labi nito na napunta sa kanyang katawan.

Ma-attitude at maarte ang pusang si Beng. Ayaw nito na may nahahalong ibang balahibo sa katawan niya, gano'n siya ka-sensitive na pusa. Masarap talaga gawing palaman sa siopao o isang siomai ang pusang ito. Bukod sa maarte na, may magandang lahi pa.

Dinala silang dalawa ng amo ni Beng sa kanyang kwarto. Hindi maaari, magagalit ang pusang si Beng. Mukhang aampunin na ng kanyang amo ang pusang itim. Hindi pa siya ready magkaroon ng kapatid. Baka nga maging asawa niya pa ito. Hindi natin alam. Minsan pa naman nagiging malandi rin ang pusa. Favorite place pa naman nila sa bubong.

"From now on, alaga na rin kita." wika ng amo ni Beng. Lumaki ang mata at hindi gumalaw ang pusang si Beng. Kahit na hindi niya naintindihan ang sinabi ng kanyang amo ay batid niyang aampunin, which is true.

"At ang ipapangalan ko sa 'yo ay... Dodong. Ang pusang si Dodong."

Ano nalang kaya ang mangyayari sa kapalaran ng dalawa. Tambalang DongBeng na ba? O magiging isang masarap na palaman sa siopao? Alamin..

Meow: The Cat's Mortal Enemy (Completed)Where stories live. Discover now