13

16 8 12
                                    

Tuwang-tuwa ang amo ni Beng dahil sa kanyang nabalitaan. Totoo ngang buntis ang kanyang alaga.

"Sino ang ama niyan ha?" tanong ni Delanie sa kanyang alaga pero wala siyang nakuhang sagot.

"Kailangang panindigan ka niya, aba. Kailangan kong makilala 'yan."

Pumasok ang kapatid ni Delanie na si Agane.

"Ate, anong balita?" tanong ni Agane.

Ngumiti sa kanya ang kanyang ate.

"Positive. Magkakaapo na ako. Yes!" parang bata na turan ni Delanie.

Kinuha niya si Beng at yinakap. Tuwang-tuwa siya dahil madadagdagan na naman ang kanyang magiging alaga. Bonus pa no'n ay parang mga apo niya na.

"Nai-inggit ako kay Beng ate. Parang gusto ko tuloy ulit magpabuntis kay Ken."

Opps!

"Gaga ka! Bahala ka sa buhay mo." sagot ni Delanie.

"Kilala mo ba ang ama niyan ate? Matino kaya?" tanong ulit ni Agane.

Kumunot ang noo ni Delanie. "Hindi ko alam kung sino. O baka naman si Dodong."

"'Di ba nga naglayas na si Dodong kaya paanong siya?"

"Malay natin na baka parte lang pala iyon ng kanyang plano na balak landiin at buntisin itong alaga ko." Delanie.

"Sabagay."

Konting himas at pakikipaglaro kay Beng, napagpasyahan ng dalawa na lumabas na muna.

"Iwanan muna natin siya."

"Sige ate."

"Samahan mo na rin akong ayusin 'yung mga gamit na kakailanganin sa pagbubuntis ng pusa ko." yaya ni Delanie sa kapatid bago tuluyang lumabas.

~~~

"Hoy Dodong, sabihin mo nga sa akin, nagdo-droga ka ba?" parang baliw na tanong ni Bred sa pusang si Dodong.

Tiningnan lang siya ni Dodong. Sa isip ni Dodong, 'Poohtangjuice! Anong droga ang pinagsasabi nito?'

Pabalik-balik ang lakad ni Bred habang iniisip ang mga nangyari kanina. Tila naguguluhan pa rin siya.

"Nag-uusap talaga sila e.." bulong niya, "Hindi!" sigaw niya bigla.

Sinasabunutan niya na ang kanyang sarili buhok. Nababaliw na yata itong kaibigan ko. Tawagan ko na kaya?

---

~Teneneneng pumasok na ulit ako.~

*toot* *toot* *toot*

Mabilis niya naman itong sinagot. "Pre,
kumusta?" tanong ko.

"Gaga Ken, natatakot ako sa pusa na 'to."

Kumunot ang noo ko. Ha?

"Bakit naman?" naguguluhang tanong ko.

"Ikwento ko sa 'yo. Teka." sagot niya.

Ikinuwento niya saakin 'yung mga nangyari kanina na kung saan napaaway daw sila ni Dodong, hindi sa tao kundi sa mga pusa. Basta lahat ng nangyari kanina maliban sa nakatapak siya ng tae. Eww!

"Baka naman naguguluhan ka lang?" ako.

"Totoo preee! I'm sure aym beergin." pasigaw na sagot niya.

Ano namang kinalaman kung virgin pa siya? Porket ba ako hindi na, kaya ipinagyayabang niya sa 'kin?

"Gag*! Uso kasi matulog. Puro ka late night talks pero sa huli gho-ghost ka rin niyan."

"Hindi pre. Sabi niya sa 'kin ako pa rin daw sa 2021, 2022 and so many more!" proud na sagot niya.

Basta mga ganyang banat, scam 'yan. Naging biktima na rin ako niyan.

"Sige na, babye na. Basta alagaan mo si Dodong ah? 'Wag mong pababayaan." bilin ko bago ko ibaba ang linya.

~Lumabas na ako.~

~~~

Someone

May grupo ng mga kalalakihan ang nais na pumasok sa loob ng abandonadong bahay. Sa tingin ko isa silang maimpluwensiyang tao dahil halata naman sa mga pananamit nito.

Kapansin-pansin din ang isang lalaking nasa unahan. Nakasalamin at may hinihipak na yosi. Sa tingin ko ito ang boss nila.

Pagpasok sa loob, sumalubong na agad sa kanila ang maraming pusa.

"Meoow!"

"Meookw!"

"Meoow!"

Sumenyas ang boss sa isa sa mga tauhan niya.

"Yes boss?"

"Kunin mo ang mga pagkain sa kotse at ipakain sa mga pusang ito."

"Masusunod." sagot ng isang tauhan bago umalis.

Ngunit parang merong hinahanap ang boss nila. Hindi ko alam kung ano pero mukhang mahalaga ito sa kanya.

Sumenyas ulit siya.

"Hanapin mo ang mga alaga ko." wika niya.

"Masusunod."

Makalipas ang ilang minuto bumalik na ang inutusan nito at panay ang lunok.

"B-boss ang mga Mahalayans sugatan."

"Ano?!"

Dali-dali nilang pinuntahan ang kinaroroonan nang sinasabi nilang Mahalayans. Isa rin pala itong grupo ng mga pusa. Pero teka.. ito 'yung mga pusang nakaaway nina Bred and Dodong with friends.

"Tangna! Sinong gago ang gumawa nito?" sigaw ng boss.

"Hindi namin kilala boss." sagot ng isang lalaking nakayuko.

"Mga inutil alamin niyo! Tingnan niyo 'yung cctv!"

Galit na galit ang lalaki. Namumuo na ang mga butil ng pawis sa noo nito at umiigting na rin ang mga panga.

Girls, eto na ang hinahanap niyo oh.

Meron pa lang cctv ang lugar na 'to pero nakatago. Mabilis na tinanggal nang mga tauhan ang nakaharang na mga kahoy du'n banda sa likod ng bahay.

Tumambad sa kanila ang isang sikretong daanan pababa. Ito pala 'yung secret hideout nila. Kung titingnan isa lang itong abandonadong bahay na naging bahay kanlungan ng mga homeless na pusa ngunit meron pala itong itinatago sa ilalim.

Dahan-dahang kinuha ng boss ang isang pusa. Ito siguro 'yung pinakapinuno.

"Ama't ina, patawad kung hindi ko naprotektahan ang inyong pinakamamahal na mga alaga." maluha-luhang sambit nito.

"Meoowrawr!"

Hinihimas-himas nito ang mga balahibo ng pusa. Naaawa siya dahil nasasaktan ito dulot ng kanyang mga sugat.

Tumalim ang tingin ng boss. "Ipinapangako ko, hindi na kayo masasaktan ng kahit na sino. Malaman ko lang kung sino ang may gawa nito. Hindi ako magda-dalawang isip na dalhin siya sa impyerno.

Meow: The Cat's Mortal Enemy (Completed)Where stories live. Discover now