4

32 9 20
                                    

Mabilis na nakatakbo pabalik sa butas si Dodong. Akala niya hindi na siya mahahabol ng aso kaya binalik niya ang kanyang tingin sa butas.

Sa konting paghihintay niya. Hindi niya nakita ang aso na sumunod sa kanya. Papasok na sana siya sa bahay ng bagong amo niya pero laking gulat niya na makita niya ang asong tumalon mula sa bakod.

Hindi siya natakot kaya buong tapang niyang hinarap ang aso. Nakita niya rin ang pusang si Bebeng na kalalabas lang mula sa butas. Galit niya itong tiningnan.

"Meooow!" angil ni Dodong.

Naging mahinahon ang aso dahil siguro inutos ni Beng. Naglakad-lakad nalang ang aso paikot kay Dodong habang kinakampay nito ang kanyang buntot.

"Meooow!!" galit na angil ni Dodong na nakaangat ang kanyang bandang tiyan. Handa na siyang lumaban.

Hindi na nakapagpigil si Dodong kaya inambahan niya ang aso. Pumalag naman ang aso na handa na ring lumaban.

"Aw aw aw!" tahol ng aso.

Konting paangasan pa, sumugod na rin ang dalawa.

"Meoow!"

"Aw aw aw aw aw!"

Kahit na mas malaki ang aso, nagawa pa ring kalmut-kalmutin ni Dodong ito. Kakagatin na sana nang aso ang ulo ni Dodong, ngunit nagpagulong-gulong ito para makailag. Magaling! Napamangha ang pusang si Beng.

Nagpahinga ang dalawa pero nakahanda kung sakaling may sumukod na isa sa kanila.

Nagsu-super saiyan na si Dodong. Itotodo niya na ang lahat ng lakas niya. Sumugod siya sa aso na agad ding sumugod sa kanya.

Gaya nila ni Beng, pagulong-gulong din sila nang dalawang aso, ginaya ni Dodong ang teknik na ginagawa sa kanya ni Beng. Lundag sabay buka ng dalawang paa.

"Meoooowww!" angil ni Dodong.

Nang makakapit si Dodong sa likod ng aso ay idiniin niya ang kanyang mga kuko. Hindi mankadaumayaw ang aso sa paggalaw. Ginawa niya ang lahat para lang maalis sa likod niya ang pusa. Nang mahulog ito ay sakmal ang inibot ng pusa. Ngunit sadyang mabilis ang mga galaw ni Dodong. Nakalayo siya nang konti sa aso para makapaghanda sa susunod niyang gagawin.

Sumugod ulit siya upang gawin ulit ang kanyang ginawa ngunit nu'ng tumalon siya ay tumakbo papalayo ang aso. Hinabol ito ni Dodong kahit saan makarating. Gustong-gusto niyang makaganti rito.

"Pichy, stop that!" tawag ng isang babae sa asong hinahabol ni Dodong.

Mabilis na pumunta ang aso sa babae. Kahit na gano'n ay mabilis pa ring sinugod ni Dodong ang aso kahit na buhat-buhat na ito ng babae. Ang ending dalawang silang nakalmot ni Dodong.

"Ay! Sobrang bad naman ng pussycat na 'to." maarteng wika ng babae.

Sa sobrang gigil ng pusang si Dodong, kinagat niya ang palda ng babae kaya napunit ito.

"Shooo! Shooo!" sipa niya kay Dodong. Hindi nagpatinag ang pusa kaya mas lalo niyang hinatak ang palda nito.

Unti-unting bumaba ang palda ng babae hanggang sa...

"Aahhhhh!" sigaw niya nang mahulog ang palda niya.

Mabilis niyang hinatak ito pabalik. "Hayop ka talaga!" sabay sipa niya kay Dodong. Tinamaan ang pusa sa bandang tiyan kaya lumipad ito palayo.

Nasaktan ang pusa, "Meooowooh!" naiiyak ang pusa.

Mabilis siyang umalis sa lugar na 'yon para umuwi sa bahay ng amo niya. Mabuti na lamang ay hindi niya nakita ang pusang si Beng, kundi matitikman din nito ang galit niya.

"Meoow" angil niya.

Taimtim siyang naglalakad malapit sa hagdan nang may nahulog sa ulo niya na isang flower vase.

*wrickfnfiedvgditiningnighwalakangjowa* basta tunog ng nabasag.

"Meow!" reklamo niya.

Patakbo siyang lumayo sa pwesto niya. Nang tingnan niya ang taas ng hagdan ay nakita niya si Beng na nakangiti sa kanya. Hinayaan niya nalang iyon ay at tuluyan nang lumabas ng bahay.

"Meowooooh meow meow meow!" angil ng pusang nagbabanta.

Meow: The Cat's Mortal Enemy (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin