11

15 8 13
                                    

Mahigit na isang linggong hindi nagpakita si Dodong sa bahay ng amo niya. Lagi siyang hinahanap nito ngunit hindi siya makita. Parang 'yung ka-chat mo. Kanina ka-chat mo pa pero ngayon gino-ghost ka na pala.

Kung titingnan naman ang masamang pusa na si Beng ay wala siyang pake. Psh!

"Nasaan na kaya 'yung isang baby ko." wika ni Delanie habang yakap-yakap ang kanyang pusa na si Beng. Duh!

"Meoow!"

"Miss mo rin ba siya Baby Beng?" tanong ni Delanie.

Hindi sumagot si Beng bagkus dinila-dilaan lang nito ang kamay ng kanyang amo. Pakitang hayop!

"Dito ka muna ah. May gagawin lang ako. 'Wag ka rin lalayas Baby Beng, kundi iiyak ako to the moon and back." paalala ni Delanie bago ilapag si Beng sa sahig.

~~~

Bred's House

"Ano parekoy? Okay na ba mga sugat mo?" tanong ni Bred kay Dodong.

"Meoow!"

~Author's joined the scene~

*tengneng*

"Dito ka lang muna. Puntahan ko lang 'yung tao sa labas." paalam ni Bred bago umalis.

----

*kirk*

"Oy, Ken, ikaw pala. Tara pasok!" masayang salubong ni Bred.

"Kumusta pre?" tanong ko.

"Okay naman. Kapag bored ako, lagi kong nilalaro 'yung pusa."

"Nice man! Btw, nasaan siya?" tanong ko.

"Tara!" yaya niya saakin.

Pagpasok namin sa kwarto niya, nakita ko kaagad si Dodong na dila-dila na naman niya ang kanyang mga paa. Hobby niya talaga 'yon.

Kinuha ko ito at kinarga. "Musta na? Ayos ka lang ba rito?"

"Meoow!"

"Hayaan mo, isang araw magiging mabuti rin ang lahat." ako.

Kahit na first time pa lang akong makita nitong si Dodong ay para bang amo na rin niya ako. Nilalambing ako e.

Tapos 'yung nagbabasa nito, nai-inggit na siguro. Wala kasing naglalambing sa kanya e.

Kailangan ko nang umalis. May meeting pa pala akong pupuntahan. Ibinaba ko na si Dodong at agad na humarap kay Bred.

"Pre, alis na 'ko. May meeting pa ako e." paalam ko kay Bred.

"Sige pre. Ingat!"

"Basta pre 'yung mga bilin ko ah?"

"Oo, akong bahala."

Aalis na sana ako ngunit may naalala akong isang bagay.

"Pre, gawin mo ang lahat ng gusto mo kay Dodong. Mahalin mo, pag-aaralin, asawahin, kahit ano. Basta 'wag mo lang sasaktan.. Kasi balang araw 'mawawala' rin siya." tapik ko sa likod niya bago tuluyang umalis.

~Author's left the scene~

~~~

Gabi.

Nasa bubong si Beng tila hindi mapakali sa kanyang pwesto. Minsan nakatuwad, nilalabas ang kanyang ano. Nang magsawa,
nagpagulong-gulong naman siya.

Naglalandi na yata 'tong si Beng. Sayang wala si Dodong, edi happy family na sana sila.

"Meowugh mowugh mough meoraw meowugh!"

Nagtatawag na si Beng ng lalaking pusa. Confirm! Naglalandi na nga 'to.

"Meowughh urghhr meowugh mowugh mouwhh nouwhj meow rarwmeiw!"

"Meoowuh moeuwh mouh mowuh mwough meowuh rarw mrowuh mouwh mouehmn!"

Isa sa mga symptoms na ang pusa ay nasa heat cycle nila ay ang pag-iingay gaya nang ginagawa ni Beng. 'Mate Calling'

"Meoooowugh meowuhh rawr mowugh mowuhh mouhhwougj meow mouwhh moeuhj!" tanging angil lamang ni Beng ang maririnig mo sa gabing iyon.

Ngunit merong isang paparating na pusa. Dahan-dahan siyang naglalakad patungo sa bubong. Hindi ko masyadong maaninag kung anong klaseng pusa ito dahil medyo madilim ang paligid.

"Meowugj mowuhh mowuhj mough mwougj mowugh!"

Tuluyan nang nakaakyat ng bubong ang pusang gustong sumalisi kay Beng. Konting lapit pa ay makikita ko na ito. Ang pwesto niya kasi ay natatakpan ng bahay kaya hindi nasisinagan ng buwan.

Nakita na ni Beng ang pusang papalapit sa kanya.

"Meoooow meough meowugh rarw mowugh meouh!" angil ulit ni Beng. Inaakit niya ang pusang papalapit sa kanya.

Dyusq! Si Dodong pala ang pusang iyon. Ngunit paano siya nakapunta rito. Pero hindi na 'yon mahalaga. Ang importante ay merong mangyayari sa kanilang dalawa.

Tatakas pa sana si Beng pero naging alisto si Dodong. Sinugod niya ito at kinagat sa leeg.

"Meoow meowugh mowuhh mowugh mowugh mowugh!" angil ni Dodong bago patungan si Beng sa likod. Walang nagawa si Beng kundi ang tumuwad.

How to unsee this? My virgin eyes huhuhu!

Meow: The Cat's Mortal Enemy (Completed)Where stories live. Discover now