3

42 11 18
                                    

Kasalukuyang nasa bakuran ang pusang si Beng. Nag-iisa, nagmumuni-muni at abala sa pagdila sa kanyang mga paa.

Hindi niya lang siguro lubos maisip na hindi pa nakuntento ang kanyang amo kaya nag-ampon pa ng isang pusa. Parang 'yung ex mo. Hindi nakuntento sa 'yo kaya iniwan ka at niloko. Kawawa!

[OFTT]

Grabe rito ang lakas ng ulan, tapos ikaw pinangakuan pero iniwan.

--

Nakita siya ng kanyang amo at agad na nilapitan. Nakita ito ni Beng. Mas lalo siyang nagtampo dahil akay-akay nang kanyang amo ang pusang kaaway niya imbes na siya dapat ang karga nito.

Hinayaan lang ni Beng na lumapit ang kanyang amo.

"Baby, bakit ka nandito?" tanong ng amo ni Beng.

Hindi ito pinansin ni Beng. Nakatuon lang siya sa ginagawa niyang pagdila sa kanyang paa.

Hinimas siya nang kanyang amo, "Nagtatampo ka ba baby ko?"

"Meow!" sagot ni Beng. Patuloy pa rin siya sa ginagawa niya.

"Nagtatampo ka nga." wika ng kanyang amo.

"Meow!" sagot ulit ni Beng.

Akmang hahawakan ulit siya ng amo niya pero agad siyang umalis. Ma-attitude talaga ang pusang si Beng, 'no?

"Nagtatampo nga ang baby ko." nalulungkot na sinabi ng kanyang amo.

Tumalon ang pusang si Dodong mula sa braso ng amo ni Beng. Kung tutuusin, amo niya na rin ito.

Mabilis na sinundan ni Dodong si Beng. Nakita niya itong umakyat sa hagdan. Mag-eemote yata si Beng sa kwarto ng kanyang amo.

Dahan-dahang naglakad papaakyat ang pusang si Dodong ngunit nasa kalahitnaan pa lang siya ay bigla siyang ginulat ni Beng.

"Meoowww!" angil ni Beng. Galit na galit.

"Meoooow!" angil din ni Dodong.

Mukhang may magaganap na cat fighting ah.

"Meoooow, meoow!"

"Meoww, meoooowww!"

"Meooww, meoow!"

"Meoooooooooow!"

Nakakaboring! Puro nalang meow ang maririnig mo. Parang mga bata, puro bungguan wala namang nangyari.

Wait...

Tumayo ang pusang si Beng. Pinapakita niya ang kanyang tapang. Gano'n din ang ginawa ni Dodong. Eto na.. tagisan sila ng lakas.

Kapwa sila sumugod sa isa't-isa. Kalmutan, yakapan hahaha!

Sa kanilang pag-aaway ay dalawa silang nahulog sa hagdan. Pagulong-gulong sila.

"Meowww!" angil ni Beng.

Pinagpatuloy nila ang kanilang pag-aaway. Parehas silang nagsakmalan. "Ngiiiyaaaaw!" galit na galit si Beng.

Marunong yata mag-acrobatics si Beng. Tinalunan niya kasi ang likod ni Dodong sabay sakmal. Pero kahit na gano'n, hindi nagpatalo si Dodong. Nilabanan niya si Beng. Kalmot sa kalmot. Ngipin sa ngipin.

Natigil ang kanilang pag-aaway dahil nakita sila ng kanilang amo at inawat. Galit na nagtinginan ang dalawang pusa.

"Bakit ba kayo nag-aaway?" tanong ng amo nila.

"Meoooow!"

"Meooow!"

Kinarga ulit sila ng kanilang amo at agad na pumunta sa kusina. Inihanda ng kanilang amo ang kanilang kakainin. Eto 'yung mga pinamigay ng kapit-bahay nila na tirang-tirang mga pagkain. Hindi naman maarte ang pusang si Beng, ewan ko nalang kay Dodong.

Tahimik na kumakain ang tatlo at busy sa pagnguya. Mabilis na naubos ni Beng ang kanyang pagkain ngunit gutom pa rin siya. Nakaisip na naman siya ng paraan para maasar ulit si Dodong.

Lumapit siya rito at humarap. Tiningnan lang siya ni Dodong at bumalik agad sa kinakain.

Biglang binatukan ni Beng si Dodong habang kumakain. Dahil sa pagkakataong iyon ay mabilis na kinain ni Beng ang mga natirang pagkain ni Dodong. Nang maubos na ni Beng ay mabilis siyang tumakbo patungo sa bakuran. Hinabol siya ni Dodong na galit na galit.

Nang makarating na sila sa bakuran, sumiksik si Beng sa isang butas upang makapagtago. Nakita iyon ni Dodong kaya agad niyang sinundan ang patay gutom na pusang si Beng. Nang makalusot siya ay bigla nalang siyang napahinto.

Kung kanina ay galit ang kanyang nararamdaman, ngayon hindi na. Nakita niya kasi si Beng na nakatitig sa kanya at may kasamang asong mataba.

"Aw our aawr!" tahol ng aso bago sumugod kay Dodong.

Meow: The Cat's Mortal Enemy (Completed)Where stories live. Discover now