6

22 10 11
                                    

"Miyaw!"

Nilingon nila ang pinaggalingan ng boses na iyon. Nakita nila si Beng na naka-fierce. Umalis ang walong pusa kay Dodong para humilera sa tapat ni Beng.

"Miyaw!" angil ulit ni Beng.

Umabante nang kaunti ang boss ng walong pusa. At sabay-sabay na, "Meoooow!"

"Meow!" angil ng isang pusa. Wala siguro sa tamang pag-iisip kaya nahuli. Lumapit sa kanya ang kanyang boss upang hampasin.

Bawal pala sa rules nila ang ma-late hahaha nakakatawa.

Lumapit si Beng du'n sa boss ng walong pusa.

"Meow meow meow wooh!" si Beng

"Meow myo wo meowowww!" sagot ng boss.

"Meooww wooh meow!"

"Meow meow!"

"Meow mowoeowooh!"

Patuloy na nag-usap ang dalawang pusa. Hanggang sa tumingin ang dalawa kay Dodong. Nakatingin lang din naman si Dodong sa kanila.

"Meoow meiw meow?" angil ng boss. Alam kong patanong ang angil na iyon kaya nilagyan ko ng question mark. Basta naintindihan ko 'yon.

"Meoow meow meow meow meow!" mahabang sagot ni Beng sabay tingin sa bahay.

Nanatiling nakatingin si Dodong sa dalawang pusa nag-uusap hanggang sa dumating ang asong si Pichy. Dumiretso ito kina Beng at kay Boss.

"Aw aw aw aw!" tahol ni Pichy.

"Meooow meow!" angil ni Boss.

Mabilis na pumunta ang aso sa pitong pusa. Akala ko sasakmalin niya ang mga ito ngunit bigla siyang nagligalig. Parang gusto niyang makipaglaro sa mga pusa.

Isa-isang tumakbo ang mga pusa papalayo kaya hinabol sila ni Pichy. Kapag may inaabutan si Pichy na isang pusa ay tinatahulan niya ito sabay alis para habulin naman ang iba. Sa tingin ko ang nilalaro ng mga hayop na ito ay habul-habulan ngunit ang tanging taya lamang ay si Pichy wala ng iba.

Nanatili lang na nanonood ang tatlo. Sina Beng, Boss at Dodong. Gusto sanang sumali ni Dodong ngunit baka awayin lamang siya dahil hindi pa naman siya kilala ng lubusan ng mga ito.

"Meooow!" angil ni Beng kaya napatigil sa paglalaro ang aso't mga pusa. Lumapit sila kay Beng ay umupo sa harap nito.

"Meow meow meow meowoooh!" angil ni Beng bago hampasin ang boss ng mga pusa.

Wow attitude! Si Beng pala talaga ang tunay na boss.

Walang nagawa ang boss ng pitong pusa kaya gumaya nalang din ito sa pag-upo at nakinig kay Beng.

"Meoow meow meow meowooh meow mwoh meow meow meow meowooooooooooo!" mahabang angil ni Beng at sabay-sabay na tumayo ang hayop na nakikinig sa kanya.

"Aw arw aw!" tahol ni Pichy.

"Meow meow!" sabay-sabay na angil ng walong pusa.

Pumasok na si Beng sa bahay ng kanyang amo. Aalis na rin sana ang ibang mga pusa ngunit nakita nila si Dodong na nandoon pa rin sa kanyang pwesto at pinapanood sila. Lumapit sila rito.

"Meow meow!" angil ng boss ng pitong pusa.

Hindi sumagot ni Dodong bagkus nakatingin lang ito sa kanila.

"Aw aw aw aw!" tahol ni Pichy bago umamba.

"Meowooooh!" sagot ni Dodong.

"Meooow!" Boss

"Meow meow meowooh!" Dodong

"Aw aw aw!" Pichy.

"Meow...Meow...Meow...Meow...Meow...Meow...Meow!" sagot ng pitong pusa.

Mukhang nagkakasunduan ang mga hayop na ito ah. Bago tuluyang umalis ng walong pusa at si Pichy ay isa-isa nilang hinampas sa ulo si Dodong. Ayon siguro ang tanda ng pakikianib ni Dodong.

Papasok na sana si Dodong sa bahay nang may nakita siyang isang bagay na hugis talong at kulay pink.

"Meoowooooh!" angil niya bago kagatin at dalhin sa loob ang bagay na nakita niya.

Meow: The Cat's Mortal Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon