Kabanata Labing Anim

20 1 0
                                    

Joke





"Kawawa talaga si Master,"


Naningkit ang mga mata ko kasabay ang panlalaki ng aking tainga nang marinig ang apat na batang nag-uusap.

I was busy eating when I accidentally heard their conversation. Well, hindi ko na sana papansinin kung hindi lang nadawit ang korning pen name na iyon.


"Tama ka Darryl, siya na nga ang nasuntok siya pa ang masama," pailing-iling na saad ng isang lalaking payat.


Nakita kong lumingon sa'kin ang lalaking nagsalita na ang ngalan ay Froilan. At nang makita niya akong nakatitig sa kanila ay umiwas siya ng mata at nagkunwaring tumitingin sa paligid.


"D-di' ba? Anton?" anito sabay siko sa lalaking katabi na abala sa pagnguya.

"O-oo nga, kawawa talaga," ani ng batang pandak na may iilang buhok sabay silip sa akin.


Kumunot tuloy ang noo ko. Pinaparinggan ba nila ako?

Inaamin ko, I also felt guilty about what happened that day. Nagulat lang naman kasi ako sa bilis ng pangyayari at isa pa, hindi ko naman sinasadya. But for the passed two days, pansin ko ang laging pagseseryoso ni Haven sa klase. Ni hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin na madalas niyang ginagawa sa tuwing nang-aasar. Walang kung anong pangungulit, bagay na nakakapanibago.


"Hay naku! kung babae lang ako baka sinagot ko na siya."


Kamuntikan na tuloy akong masamid nang maulingan ang tugon ng lalaki na may highlights na brown sa buhok.


Agad siyang binatukan ng katabing lalaki na si Darryl. "Tang-ina?! Bakla ka ba?"

Samantalang ngumiwi naman ang mga kaibigan na kasama nila sa mesa. "Gago! Pag nga lang diba?" depensa ng kausap.


Bumuntong hininga na lang ako at umalis na sa cafeteria para pumunta sa susunod na klase.

Magsosorry naman talaga ako kaya lang naghihintay pa ako ng tyempo. Isa pa, madalas kong kasama si Jason, ngayon lamang hindi dahil nag-eensayo siya para sa house cup. Nakuha kasi siya ng basketball team at nagpapraktis sila tuwing breaktime para makapunta pa rin si Jason sa Cafe at makapagtrabaho.

I was relieved when he said na magtatrabaho pa rin siya sa shop, through, ayos lang naman sa akin kung hindi dahil alam kong mahihirapan siya, but he insisted kaya wala na akong nagawa pa. Sa tuwing iniisip ko tuloy iyon pakiramdam ko ako ang dahilan kung bakit ayaw niya umalis sa shop. Assumera na kung assumera pero hindi talaga maalis sa isip ang bagay na iyon. Minsan na nga lang mangarap e, bakit hindi pa sulitin diba?!

Since, matagal pa naman ang oras ng klase, napagpasyahan kong magtungo sa gymnasium para bisitahin si Jason. Hawak ko ang isang sliced sandwich at bottled water nang magtungo roon.

Ngunit, nagulantang ako nang tumambad sa akin ang pawisan na si Haven. His muscles contracts everytime he shoots the ball in three point lane. Nang matapos niyang mag-shoot nakita ko naman ang nakakunot na noo ni Jason.

Napalunok na lang ako habang pinipilit ang sariling humakbang para makalapit.

Tama ba ang nakikita ko? OMG! Hindi ko alam na sumali si Haven sa team at isa pa wala siya noong try-outs! Paano nangyari iyon? Tinakot na naman ba niya ang mga ito?

Bakit Ba IkawWhere stories live. Discover now