Prologue

143 3 0
                                    


Prologue


As a child, it's easy to get rid of things you don't want. Madaling takasan at ayawan ang mga bagay na hindi mo kailangan. Pero pag gusto mo ang isang bagay, gagawin mo ang lahat para makuha lamang ito.

Maybe it's the reason why I always stop myself on reaching someone else dream. Hindi lang dahil sa hindi ko gusto, kundi dahil may isa akong bagay na gustong kunin.

Pero habang lumalaki ka pala, nagbabago na rin ang taste mo. Kung hindi naman, bigla ka na lang tatablan ng hiya dahil naisip mo na masyado ka ng malaki para pumili pa. Naisip mo bigla na hindi naman importante ang gusto mo. That's why you prioritize others that you thought is important rather than fighting for the things you love because you thought it's for the best.

Pero paano naman ang nararamdaman mo?


Tiningala ko ang makulimlim na kalangitan mula sa salaming pader, sunod ay sa mga tao na nagmamadali sa paglalakad at kasalukyang naghahanap ng masisilungan.

Ayon sa news kagabi, mababa ang tsansa ng pag-ulan dahil hindi pa tapos ang El Niño. Pero sa nakikita ko ngayon, mukhang fail na naman ang prediction ng mga weather forecasters.

Sumimangot ako at marahas na bumuntong hininga sa kaalamang hindi ko dinala ang payong dahil sa balita.


Nakakainis!


Bukod sa malayo ang apartment na tinutuluyan ko mula sa shop, bago pa naman ang payong na binili ko talaga para sa ganitong pagkakataon. I shouldn't have listen to the news! Dapat pala ay dinala ko ang payong katulad ng laging ginagawa ni Grettel.

At kasabay ng pag-iisip kong iyon ay ang biglang pagbuhos ang ulan kaya nagsipagtakbuhan ang mga taong pinagmamasdan ko. Mabilis na nabasa ang kalsada gayundin ang mga halamang nakatanim sa labas ng coffee shop.

I never like the rain. Para sa akin, malas ang ulan at walang ibang hatid kundi delubyo. Kaya naman sa tuwing umuulan pakiramdam ko may mangyayaring masama.

I gasped and looked at the dark sky again.

At hindi ko tuloy maiwasang sumimangot habang tinititigan ang mga patak ng ulan sa bagong linis na salamin.


"Uy!"


Nagitla ako nang maramdaman ang kamay ni Grettel sa likod ko na bahagya akong tinulak. Kunot noo ko siyang nilingon na kabaliktaran noong kanya. Bumungisngis siya at halos magmukhang constipated sa pagpipigil na tumawa.


"Anong mukha yan, Rosette?" asar niya, natatawa pa rin. "Dito ka pa talaga nag-senti?!" bulalas niya kaya kitang-kita ko ang nangingitim niyang gilagid.


Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko nang marinig iyon. Nag-iwas ako ng tingin at inabala ang sarili sa pagpupunas ng mesa.

Mukha siguro akong tanga na nakatulala kanina! Nakakahiya!

Humalakhak na siya ngunit pigil para hindi marinig ng mga customer na malapit sa amin. Pero ang totoo mukhang napansin na nila dahil nakatingin na sila sa banda namin ngayon. Yumuko ako at mas lalo siyang nilapitan para takpan ang kahihiyan.


"Bakit ba?!" bulong ko, naiinis pa rin sa tagpo.


Bakit Ba IkawWhere stories live. Discover now