Kabanata Apat

78 2 0
                                    

Haven Jace Corpus



"Do you think it is true? Kasi ako hindi naniniwala,"

Nililinis ko ang lamesa habang si Grettel ay nakaupo at nakahalumbaba lang sa harapan ko.

"Bakit naman? Uso kaya ang arrange marriage," sabi ko.

Muli kong sinilip si Jason na seryosong seryoso sa paglilinis ng tiles. Minsan tutulala pero madalas, kumukunot ang noo niya sa hindi ko malaman na dahilan.

"Ay sus, syempre hindi niya aaminin na cheater siya noh!" sabi niya sabay irap.

Tumayo siya at nagsimula na ring mag-mop. Umiling ako at nilagay ang spray sa belt buckle ko. I don't think Charmaine can do it. Kahit pa siya ang karibal ko sa love life ko, alam kong hindi niya kayang mag-cheat. She is a woman with principles kaya nga na-inlove si Jason sa kanya.


"Pero paano kung totoo?"

"Kung totoo, ang malas niya!" she shrugged her shoulders off.


Dalawang araw na ang lumipas simula nang sabihin sa amin iyon ni Charmaine. After that, hindi na siya nagpakita pa sa labas ng bahay nila Jason. Sa kaso naman ni Jason, hindi na rin niya kami kinikibo. At pagkinakausap, limitado lang ang sinasabi.

Ganito siguro kapag broken, wala kang gana na makipag-usap kahit kanino. At sa totoo lang, nasasaktan ako roon.

Jason is my best friend and my first love. Sa tuwing nalulungkot siya pakiramdam ko pasan ko na rin ang mundo. Kaya nga nagawa kong magparaya dati. Kaya nga hindi ko na sinabi ang nararamdaman ko para sa kanya, pero sa huli, pinaasa lang din siya ng tadhana.

"Ano? Sasabihin ba natin sa kanya?" asked Grettel. Parehas kaming lumingon sa direksyon ni Jason.

Bumuntong hininga ako. Naisip ko na rin iyon nang nakaraan pero sa tingin ko hindi dapat sa amin manggaling ang impormasyon.

"Hindi pwede Grettel, kilala mo si Jason, natatakot ako na masaktan siya,"

Nagkibit na lang siya ng balikat at hindi na sumagot. Naiintindihan niya ang sinasabi ko.

Charmaine Sandoval came from a wealthy political family. Alam ko iyon dahil naging speaker ng school namin ang daddy niya. Kaya ang banggain ang pamilya niya ay isang malaking kahibangan and I know Jason will do everything just for her. At natatakot ako sa mga mangyayari pag ginawa niya iyon.

He will not hesitate.

Ang kaisipang iyon ay nakadagdag lang sa bigat na nararamdaman ko. He will not hesitate because he loves her so much. And that alone broke my heart even more.

Hindi na kami nag-usap ni Grettel at nagfocus na lang sa trabaho. Gayundin si Jason na wala na ata kaming balak kausapin. Hinayaan na lang namin dahil baka parte rin iyon ng moving on.

I was busy cleaning another table after the customer left when something caught my eyes. Napakurap at nagawa ko pang ikusot ang mga mata kung totoo ba ang nakikita ko.

At totoo nga. Sa ngisi pa lang niyang nakakairita, alam kong hindi ako nananaginip. Isa siyang bangungot na nasa harapan ko na ngayon. Teka? Bakit nga ba siya nandito?

He was wearing a casual gray colored shirt na hulma sa mature niyang katawan. May benda pa rin ito pero nawala na paunti-unti ang mga pasa. He has muscles na bakat na bakat ang uka sa suot unlike kay Jason na-lean at pang-K pop ang datingan. Wait! Bakit ko nga ba sila pinagkukumpara?! Jason is way better than him duh!

Bakit Ba IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon