Kabanata Pito

42 2 0
                                    

Classroom



"Ate! Matagal ka pa ba dyan? Late na ko!"


Nagising ako sa reyalidad nang marinig ang malalakas na katok mula sa labas ng banyo. Taranta tuloy akong umalis sa bathtub at nagbanlaw. Darn! Ano ba ginagawa ko? Nakatulog ba ako?


"Wait! Ito na!" ani ko at mabilis na inayos ang sarili.


Paglabas ay nakita kong umirap si Aki sa'kin sabay pasok sa banyo. Napailing na lang ako habang binabagtas ang kusina.

I yawned when I opened the pack of sliced breads. Inaantok tuloy ako. Paano ba naman kasi, napuyat ako sa kakaisip kung ano ang kinain ni Haven! At isa pa, malaking rebelasyon na malaman kong mahilig pala sa aso ang gunggong na iyon. Leandro pa ang pangalan. Halos kapareho ni Laika, parehas na letter 'L'.

Totoo naman kasi. Hindi ko inaasahan na ang badboy at gangster na katulad niya ay mahilig sa mga kyut na hayop. Lalo pa nang ibigay niya sa akin ang dog tag. Pero gayunpaman, hindi pa rin mababago nun ang tingin ko sa kanya. Kaunti lang siguro pero duh! Imposible.

Isa pa, baka may balak siyang gawin kaya niya binigay iyon. Pwes, kung ano man yun, hindi ako papalinlang!

Pagkatapos kong maghanda para sa babaunin namin ng magaling kong kapatid, sunod ko namang nilagyan ng kaunting dog food si Laika. Gegewang-gewang pa ang buntot niya habang kumakain. Kumikislap din tuloy ang suot niyang dog tag dahil doon.

I squatted and pat her head. Nag-angat siya ng tingin sa akin. Napangiti naman ako, pero nang dumako ang mga mata ko sa dog tag, agad akong ngumiwi.

Dumiretso si Aki sa gate niya kaya umalis na rin ako at binaybay na ang hallway ng Senior High School building. Mabuti na lang at hindi kami late. Kunsabagay, maaga namin kasi kami gumigising. Body clock na namin yun dahil hindi naman kami madalas magpuyat, pwera na lang syempre pag mayroong activities na dapat tapusin. Katulad ng research lalo pa't nasa  huling baitang na ako ng Senior High School.

Mula sa mga naglalakad na estudyante, nakita ko roon si Vincent na kumakaway sa akin. Akala ko pa noong una na iba ang kinakawayan niya kaya hindi ko siya pinansin. Pero nang lumapit siya sa akin napagtanto ko na ako pala talaga iyon. Oh well, uso kasi sa school ang ganoong prank. Nabiktima na ako ng kaklase ko kaya naman naging maingat na ako lagi. Nakakahiya kasi! Lalo na pag-crowded!


"Ang snob mo naman pres," aniya at sinabayan muli ako sa paglalakad papunta sa room.

"Nag-iingat lang noh! Bwisit kasi si Berdugo lakas maka-trauma," saad ko nang maalala iyon.

Vincent chuckled. "Iba naman ako sa kanila at isa pa, nabiktima rin ako ng ganoon, kaya makakaasa ka na hindi ko gagawin yun sa'yo,"

I rolled my eyes, "Iyon na nga e, minsan kung sino pa nakaranas yun pa yung mananakit para makaganti!"

His lips pursued by my remark, "Grabe president, bakit may hugot?" nguso niya. Pero imbes na maging kyut, nagmukha tuloy syang tuod dahil sa pagpipigil na matawa.


Natawa na lang tuloy ako sa pinag-uusapan namin. At ganoon din siya.


"Nga pala, may general cleaning tayo mamaya, lahat ng officers maglilinis," sabi ko nang maalala yung announcement ng teacher namin.


Tumango naman siya at hindi na nagsalita.

Maya-maya ay natanaw na namin ang room. Kakaunti pa lang ang mga kaklase ko. Halos lahat ay nasa labas pa. Routine na nila iyon. Every morning, lalabas sila at walang gagawin kundi tumambay o kaya magpahangin. Nasa second floor kasi kami at medyo may kataasan ang building. Kaya naman presko dito, idagdag pa ang mga puno sa paligid.


"Magandang umaga, pres,"

"Good morning din, Abby," ganti kong bati sa mga kaklase ko na nag-good morning.


Ngunit, nang malapit na kami sa pinto ay talagang nawala lahat ng good vibes na nararamdaman ko.

Awtomatiko ang pagtaas ng aking kilay nang makita roon si Haven sa pintuan na may kausap na babae. Hindi ko nga alam kung usap lang na maituturing iyon dahil nakahawak pa siya sa baba ng babae na halos mangisay na.

Dito pa talaga sa labas ng room naglandian? Ang aga-aga bwisit na ang araw ko.


"Pres anong gagawin mo?" takang tanong ni Vincent nang makitang tinaas ko ng bahagya ang manggas ng uniform ko.


Hindi ko siya pinansin. Imbes, nameywang ako sa corridor ng classrooms at sumigaw ng pagkalakas lakas.


"Magsipasok na kayo! Anong ginagawa niyo sa labas huh? Magta-time na!"


At syempre dahil masunurin ang mga kaklase ko nagsipasok naman sila sa rooms. Kahit yung kabilang section nataranta rin nang marinig ang boses ko. Akala siguro nila member ako ng CAT. Well, whatever.

Pero syempre kung may mga masunurin, mayroon namang hindi. Aroganteng ngisi lang ang binigay ni Haven nang makita ako. The girl he's with almost wanted to run but Haven stopped her. Nangatog tuloy ang babae. Kawawa.

I glared at them. Mas lalo tuloy nagpumiglas ang babae sa hawak ni Haven. Kumunot naman ang noo ng lalaki at hindi makapaniwalang tumingin sa kalandian.


"I-I have t-to go, B-bye!" natatarantang sabi ng babae na halos magmakaawa na. Nakawala naman siya at agad na pumasok sa dulong classroom.


Wow! Iba talaga si Haven. Lakas. Nakakainis. Kahit iyong nasa pinakadulo ng room nagawa pa siyang puntahan! Siya na lalaki! He is supposed to be the one chasing girls not the other way around. Tsk. Iba na talaga ng panahon ngayon. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ayos lang iyon sa kanila!


"Ikaw? Ano pang tinutunganga mo dyan? Pumasok ka na sa loob!" sigaw ko sa kanya.


But as always, the typical jock just crossed his both arms while raising his brows. Ngumisi pa siya sa akin ng nanunuya. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang pagsabayin ang ganoong emosyon pero iyon ang nakikita ko.


"Nasa loob na ako ng classroom, you see?"


Pinadyak nito ang paa sa sahig ng room. Nakatambay kasi siya sa pintuan.


"Bakit hindi ikaw ang pumasok, Ms. President?" aniya, naghahamon. He even mocked the word, 'Ms. President' na halatang nang-aasar lang.


Pinikit ko na lamang ang mga mata upang maibsan ang inis na nararamdaman. Patience, Setti. Wala talagang modo ang lalaki na iyan! Grr..


Inirapan ko siya at binalingan si Vincent. "Let's go Vin," I said at lumapit na para makapasok.

"Umalis ka nga dyan, harang ka e," ani ko dahil hindi pa rin umaalis si Haven sa tapat ng pintuan. At mukhang hindi niya pinansin ang sinasabi ko dahil nakatuon ang tingin niya kay Vincent na nasa likuran ko. Masama ang tingin nito na siyang nagpanginig ng matindi sa lalaki na nasa likod ko.

Bakit Ba IkawWhere stories live. Discover now