Kabanata Lima

83 2 0
                                    

Number


Naniniwala talaga ako na may gayumang dala si Haven. Paano ba naman kasi, dumami bigla ang mga customer namin sa shop. Almost all of them were girls. Panakaw pa ang pagkuha ng pictures pero halata naman. At mukhang gustong gusto niya ang nakukuha na atensyon!

Napailing na lang ako at muling pinagtuunan ng pansin ang nililinis. I was busy cleaning another table when I saw Ma'am Annelise at the corner of my eyes. Lumapit ito kay Haven at may binigay itong maliit na papel. Ang discount coupon!


"Are you waiting for someone else?" nakangiting tanong ni Ma'am Annelise sa kanya. Hindi ko na sana papansinin kaya lang biglang sumagot si Haven.

"No, I'm just visiting someone," he said half smiling.

"Ow, your girlfriend?" pag-iintriga nito sabay pasada ng tingin sa amin.


Nilihis ko ang tingin roon.


"Nope..."

"....not yet," ani Haven.


Tumaas ang kilay ko. Muli ko silang sinilip. I saw Ma'am Annelise looking at my direction. Bumalik ang tingin nito kay Haven na pataas-taas ang dalawang kilay. He gave Haven a malicious grin na siyang ikinakunot ng noo ko lalo.


"I hope you'll end up with each other! Enjoy eating," anito sabay lapit sa ibang customers.


Ano na naman kayang pakulo ng isang iyon?

Umalis ako sa table at kinuha ang towels sa tagiliran. Nagtungo ako sa wash area para basain iyon.

Nakita kong tumayo si Haven. Akala ko ay pupunta ito sa washroom ngunit nagtaka ako dahil hinarang niya ang daraanan ko.


"Mukhang lagi mo na akong makikita," nakangising sabi niya sa akin. His right hand was inside his pocket. Kumunot naman ang noo ko at mas lalo namang lumawak ang ngisi niya.


Ibang klase!



"So, bakit mo naman sinasabi sa akin? Pakielam ko naman?" mataray kong tanong.


Nakita ko ang pagkabigla sa mga mata niya ngunit napalitan din agad iyon ng nakakairitang ngisi. Tumawa ito. Pailing-iling pa na tila may sinabi akong nakakatawa. Muli niyang pinirmi ang mga mata sa akin at pinasada ang buhok. Ngunit saglit lang dahil yumuko ulit siya at umiling.


"Damn, amasona talaga," rinig kong bulong niya.


Sakto alas-sais nang pauwiin kami ni Ma'am. Mabuti na lang talaga at umalis na si Haven, kaya kumonti ang mga customers bago pa kami magsara kaya nakapaglinis kami ng maayos.

Pumunta ako sa locker room at nagbihis. Kasunod ko si Grettel naghahanda na rin pauwi.

I was about to wear my almost everyday get up- sweat shirt and jeans, when I feel Grettel's presence beside me. At tama nga ako. Nakatitig siya sa akin. Halos atakihin naman ako sa puso lalo na nang unti-unting sumilay sa labi niya ang ngisi na nakakaloko. Ang creepy!

Bakit Ba IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon