Kabanata Tatlo

81 3 0
                                    

The Reason



"Nakakainis ka talaga!" sigaw ko kay Haven pagkalabas namin ng room.


Hinanap ko si Jason sa hallways pero wala na siya roon. Even sa cafeteria na pinuntahan namin at sa iba pang buildings.

Dagdag pa sa inis ko ay ang pagpayag ng lahat ng teachers ko nai-tour siya. Mukhang may kapit siya dahil umu-oo agad ang mga ito ng walang hinihinging paliwanag. Wala tuloy akong magawa kundi sumunod! And I freaking hate it. Bakit noong nag-enroll ako wala naman tour? Tapos siya meron?!

Ngumisi si Haven na siyang ikinairap ko. His thick eyebrows raised na parang hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ko.


"Aba nagpasalamat ka pa nga na kasama mo ako,"


What?! Lakas talaga.


"Why would I?" tanong ko na natatawa na. Napakayabang pala ng isang 'to.

"Dahil. Sinabi. Ko," aniya. Diin ang bawat words at nauna na sa paglalakad papunta sa kasunod na building.


Nakakainis talaga siya! Hindi ko alam na posible ka pa lang mainis sa taong hindi mo pa kilala. Ngayon na kaharap ko siya napatunayan ko iyon!

Palibhasa kasi hindi niya alam! Sinayang ko na naman ang pagkakataon! I could even imagine what will happen with us. Iko-comfort ko si Jason tapos syempre makikita na niya na lagi akong nasa tabi niya. Na hindi ko siya iiwan. Then he will appreciate everything I do. At sa huli, magugustuhan niya ako! Pero hindi pa nga nabubuo ang mala-wattpad 'kong buhay, nakontra na niya!

Nakasimangot 'kong tinuturo sa kanya ang mga buildings habang siya naman ay tawa ng tawa sa reaksyon ko.


"You know what? Nagsisisi ako na niligtas kita! Nakakainis ka!" I blurted out.

"Sino ba kasi nagsabi na iligtas mo ko? I don't even need your help woman,"

"Fine! Ito na ang huling pagkakataon na kakausapin kita!"

"As if you can do that" he said. Siguradong sigurado sa sinasabi niya.

"You're ridiculous!" ani ko na pailing-iling.


Napakapresko! Nakakainis!


"Bakit ba inis na inis ka?..."

".....dahil ba sa kayakap mo? Sino ba iyon?" pang-uusisa niya. Ngumisi siya bigla na nagbigay sa'kin ng matinding kilabot.

"Boyfriend mo?" he chuckled. "Imposible ang panget panget mo e," dugtong niya pa at halos tumubo na ang sungay ko nang sabihin niya iyon.

"Bakit? Pogi ka ba? Saka bakit ko naman sasabihin sa'yo? Close ba tayo? Dyan ka na nga!" sunod-sunod kong sabi at iniwan siya sa laboratory building. At dahil makapal ang mukha niya sinundan niya pa rin ako.

"Galit ka na naman. Nagsasabi lang naman ako ng totoo!" aniya na tatawa tawa pa rin.

Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya. "Huwag mo nga akong sundan!"

"Susundan kita kung gusto ko, wala kang magagawa," sabi niya na nakapagpatayo ng balahibo ko sa batok.


Bakit Ba IkawOnde histórias criam vida. Descubra agora