Kabanata Labing Apat

50 2 0
                                    

Comeback


Nanlalaki ang mga mata ko habang nakadungaw kay Jason. Nakasuot siya ng Jersey at swabeng nagdi-dribble ng bola habang hinarangan ng isang Senior Student na galing sa ibang classroom.

Halos pigil ang aking hininga nang magawa niyang makalagpas doon. I almost jumped from my sit because of joy but stop mid-way when someone steal the ball that he was about to shoot from the ring.

Furstrated na ginulo niya ang buhok at pabagsak na umupo sa tabi ko.


"A-ang galing mo!" ani ko at sinadyang pataasin ang boses para ipakita na masaya ako.


I want to cheer him up. Magaling naman talaga siya dahil hindi biro ang mga nakalaban niya para sa audition. It's from the varsity team kaya talagang magagaling na sila.

Binigyan ko siya ng bottled water pero hindi niya tinanggap.

Umiling siya na agad na nakapagpatahimik sa'kin.


"Mukhang kinakalawang na ako,"  aniya sabay buntong hininga.

Napalunok naman ako. "Audition pa lang naman, Jason, saka kalaban mo yung mga varsity players," kinagat ko ang labi. "At saka nalagpasan mo kaya yung humaharang sayo! Achievement na yun a!"

Ngumuso siya. "Pero hindi ako maka-shoot,"


Buong araw ko siyang sinamahan sa audition. Sports- oriented kasi ang school kaya nagbibigay sila ng isang araw para sa mga gustong mag-audition sa iba't-ibang clubs. And basketball is one of most famous clubs na maraming gustong pumasok. Isa pa, required iyon para sa boys.


"Ikaw pa ba, for sure kukunin ka nila. Matangkad ka kaya saka malakas ang sex appeal!"


Tumaas ang kilay niya at nilingon ako. Saka ko lang napagtanto ang sinabi ko nang ngumisi siya ng nakakaloko.


"Really?"

Lumapit siya sa akin. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko kaya nilihis ko ang tingin sa court kung saan naglalaro ang ibang mag a-audition.


"L-lumayo ka nga! P-puno ka ng pawis noh!" singhal ko.


Pero hindi siya tumigil. Napapikit na lang ako nang maramdaman ang kamay niya sa likuran ko. Pagdilat ko ay nakuha na niya ang face towel. Mas lalo tuloy nangamatis ang mukha ko dala ng pagkapahiya.

Ayan kasi! Masyadong assuming!


"Huh? Kinuha ko lang naman 'to," aniya at ngumisi. Inirapan ko naman siya.

"Dapat pala hindi na ako umalis sa team,"


Nilingon ko siya muli na abala sa pagpupunas ng mukha. Napatitig tuloy ako sa biceps at triceps niya na medyo mabato ng kaunti nang pinunasan niya ang pawis doon.


"B-bakit naman?" tanong ko na napapalunok.


Nagsisisi siya marahil dahil umalis siya noong junior high school. Ibig sabihin ba noon hindi niya gusto na magtrabaho sa shop? Nalungkot tuloy ako sa naisip. Kung sakaling makapasok siya, marahil ay magre-resign na siya sa coffee shop. Panigurado.

Bakit Ba IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon