Kabanata Dalawa

92 3 0
                                    


Tour Guide


Hindi pa lumalabas ang araw noong magising ako. Aki is still sleeping. Kaya naman nag-ayos na ako para bumili ng ulam at manghingi ng pagkain sa kapitbahay para sa tuta.

"Salamat Aling Mercy," I said.

Ningitian ko rin ang chihuahua sa paanan niya ngunit nawala agad iyon nang makita ko ang paglabas ng ngipin nito sa akin. Ngumiwi ako.


"Marami pa naman dito, anong klaseng tuta ba 'yan?" aniya hawak pa rin ang pagkain.

"Hindi ko po alam e, nakita ko lang po kasi sa daan pauwi."

Tumaas ang isang kilay niya. "Askal pala iyan, hindi naman niya kailangan ng dog food. Akala ko may breed, e."


Binuhat niya ang alaga niya at tinapunan ako ng tingin. Nakita ko ring tinago niya muli ang plastic sa likuran niya.


"Nakalimutan ko, wala na palang dog food dito. Sa makalawa pa ako bibili, ito na lang pala ang natitira," anito sabay sara ng pinto.


Napakurap ako sa biglang pagbabago ng isip niya at unti-unting nangunot ang noo. Inirapan ko ang pinto at padabog na umalis.

Ano naman kung askal siya? Mas panget pa nga ang aso niya sa aso ko amp!

Sa huli, bumili na lang ako ng gatas at iyon ang binigay sa tuta. Pagkatapos naming kumain ni Aki, binigyan ko rin ang tuta ng ulam at kanin.



"Aki, mamaya bigyan mo ulit ng pagkain ang tuta a," bilin ko sa kapatid.


Mas maaga kasi siyang umuwi dahil nagtatrabaho pa ako sa shop simula alas dos hanggang ala-sais. Pagkatapos kasi ng klase ay agad akong didiretso sa shop para hindi ma-late. Kahit na mabait ang may-ari, ayaw ko naman abusuhin ang kabaitan niya.


"Bye auntie," ani namin kay Tita na naninigarilyo lamang sa labas.

Nakapaligid na agad ang mga kumare niya at nag-uusap na naman tungkol sa babae ni Pedro. Tumango lang si Tita sa amin at hindi na kami pinansin.

Sumakay kami sa tricycle at nagtungo na sa school. Pagbaba, ay nagpaalam agad si Aki na pupunta na sa klase.

I kissed his cheeks but he only hissed.


"Ate! Kadiri naman!" aniya.
Pinanlakihan ko naman siya ng mata. "Arte neto! Lumayas ka na nga!" saad ko.



He just make face and went to his gate. Napailing na lang ako sa ugali ni Aki. Nagbibinata na ata kaya ganun.

Naalala ko na naman tuloy yung lalaki kahapon. Kamusta na kaya siya? Sana hindi na kami magkita. Mukhang gangster ang isang iyon at laging hanap ay gulo.

Nang mawala sa paningin ko si Aki ay naglakad naman ako pasalungat kung saan ang Senior High School Building. Sa private school ako nag-aaral kaya naman kumpleto sa facilities. May library, chapel, laboratory at iba pa. Malaki ito dahil may college department ang school at may pre-school din. Magkakaiba lang ng gates para hindi mahalo ang mga estudyante at the same time, malito.

Sinilip ko ang cellphone at napansing wala pa rin akong natanggap na text mula kay Jason. Napabuga ako ng hangin. Inisip ko na lang na marahil ay busy siya o kaya maraming katext kaya natabunan na ang message ko.

Hindi na bale, makakausap ko naman siya mamaya dahil same kami ng room.


"Good morning pres!"

Bakit Ba IkawWhere stories live. Discover now