Kabanata Labing Lima

36 1 0
                                    

Master



Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ang nakangising si Haven. Mabuti na lang talaga ay nagsalita ang mga kumag, kung hindi, baka kanina pa ako natulala sa kanya.


"Master!" sabay sabay nilang sabi na siyang nagpakunot sa noo ko.


Master?! Saan naman nila nakuha ang korning pangalan na iyon? At sino si Master?!

Nasagot ang tanong ko nang lumapit ang apat at palibutan si Haven. Napa-O ang bibig ko ngunit tinikom ka rin nang may mapagtanto. Bigla ko naalala ang ginawa niya noong nakaraan kaya naman mabilis akong lumapit para pagsabihan siya.

Marahil ay sinabihan niya ang apat kaya pinagtakpan siya! Baka tinakot niya pa ang mga ito kaya hindi nagsusumbong noon sa akin! Hay nako! Ang sama talaga ng ugali niya!


"Hoy!" sigaw ko at dinuro siya.


Nanliit ang mga mata ko at pinasadahan ng tingin ang napakapresko niyang get-up maging ang apat na bata na ngayon ay nakakapit sa kanya ng parang tuko. I can't believe he can intimidate this four kids para sa sarili niyang kapakanan!


"Kung inaakala mong exempted ka noong nakaraan nagkakamali ka! I will tell Ma'am Darlene about this!" ani ko at pinanlakihan siya ng mata.


Magsasalita pa sana ulit ako nang makita kong nagseryoso siya bigla ng mukha. I gritted my teeth in mere annoyance.

Nakakainis! Siya na nga itong may kasalanan siya pa ang galit!


"Ano?! Ikaw pa galit?! Hindi—"


Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang akong hilain at yakapin. Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap nang tumama ang mukha ko sa matigas at mainit niyang dibdib. Ang sakit ng ilong ko sa ginawa niya pero mas masakit ang puso ko dahil sa lakas ng tibok. May nagpa-party ata doon.


"I miss you," he said sullenly and hug me tight.


Asdghjkl! Ano daw?! Tama ba narinig ko?


Nag-init ang mukha ko. Hindi ko na makapa ang sasabihin. Parang kandila na natunaw ang galit na nararamdaman ko. Wala na ko ibang naririnig kundi ang malakas na tibok ng puso niya at ng puso ko.


What's the meaning of this?!


Pero bago ko pa masagot ang bagay na iyon ay nagulat na lang ako nang may humila sa akin mula sa yakap niya. Napakurap ako nang makita ang nakakunot noo na si Jason. Ramdam ko ang higpit ng kamay niya na nakahawak sa braso ko. Sa isang iglap ay napatili ang mga estudyante nang bumulagta si Haven nang suntukin siya ni Jason. Napatakip ako ng bibig. When Jason turned to look at me saka lang ako natauhan.


"Binastos ka ba ng lalaking to?!" he asked.


Nagliliyab ang mga mata nito sa galit.

Ngayon ko lang siya nakita na ganito kagalit. Hindi ko tuloy alam kung ano ang mararamdaman ko.

Bakit Ba IkawWhere stories live. Discover now