Marahas kong napahid ang luha sa pisngi, oo, pumatak na sila pero hindi dahil sa kung ano pa man, naiinis lang talaga ako sa inasal ni Drake. Napaka nonsense, childish at gago ng kilos niya.

He can simply turn off the phone or snatched it pero di niya kailangan ibalibag para sirain.

Sinadya kong bungguin si Drake at padabog na nilapitan ang cellphone kong sira na. Pilit ko pa yung binubuo pero kahit anong gawin ko, hindi na ito mababalik.

"Bwisit! Bakit ba nandito ka pa? Umalis ka na nga!" sigaw ko sa kaniya, masama ang tingin at loob ko kay Drake pero mukhang hindi siya apektado sa sinasabi ko. Seryoso pa rin at madilim ang mga tingin niya sa akin.

"I changed my mind, sasama ka na sa'kin." he said decisively, and I shook my head.

"AYOKO!" I shot back and turned my back to him, but he abruptly and ruthlessly grabbed my wrist before I could take a step. He pinned me on the wall and tightly clutching my shoulders.

Nag tama ang mga mata namin at bakas ang kakaibang inis sa mata ni Drake, he looks more serious, decisive, and dominant than usual.

"Pag sinabi ko susunod ka at wala kang karapatan na kontrahin ako." He said ,and he's powerful than I thought or, should I say that I could smell and feel Luther in him, nagloloko ang alter ni Drake at ngayong nakatingin ako sa kaniya, bakas na nag aagaw iyong katauhan ni Drake at Luther sa mga oras na ito.

"Naintindihan mo!?" dumagundong sa buong kusina ang boses niya at unti unting nagdidilim ang mga mata niya, it's turning into that jerk, and because of fear, I just nod at him.

Binitawan niya ako at doon ko lang naramdaman iyong hapdi sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa balikat ko. Hinimas ko pa iyon at napansin kong mariing nakakapit si Drake sa bangko, nakapikit din siya at malalim ang paghinga.

He's not ok, I knew it. Hinilamos ko ang palad sa mukha ko bago ako nag desisyon na kumuha ng tubig at iabot iyon sa kanya.

"Here, have some water." I took his hand and wrapped his fingers on the glass. Ininom niya iyon at mukhang mas maganda nga na sumama na lang ako sa kaniya, mas masisigurado kong hindi magkakaroon ng problema.

I don't know what frightens me so much or what makes me worried about him. Kung iisipin, kaya niya naman ang sarili, malakas si Drake at matapang si Luther, there's nothing to worried about but seeing him like this... makes me uncomfortable, and I want to wrap him around my arms and let him rest on my shoulder.

Hindi ko maintindihan pero gusto kong alagaan siya kahit pa alam kong iyon naman talaga ang trabaho ko. We didn't talk as we headed inside the car until we reach an isolated seaport.

Naabutan namin doon si Uno at isang batalyon ng armadong lalaki. They are all wearing blacks, full armed, and Uno, who wear his famous smile whenever he saw me, us, Drake.

"Oh! As expected. Hi, Rian." Uno was about to drape his arms around my shoulder when Drake instantly stepped between us, mas lumapad ang ngisi ni Uno sa akin at humagikgik pa siyang tinaas ang dalawang kamay.

"I didn't touch her, Dude." he said and stepped back, and even I want to see Drake's reaction; I can't, I'm facing his back, and I missed it, dahil gusto ko pa naman makita iyong mukha niyang tinatawanan ni Uno.

"Nakahanda na ba ang lahat?" seryosong tanong ni Drake kay Uno at tumango siya pero iyong ngisi at mapang asar niyang tingin ay nanatiling nakadikit sa akin.

Inirapan ko si Uno, huwag niya ng dagdagan ang bwisit ko dahil hindi na ako natutuwa kay Drake at baka siya pa ang mapag buntungan ko ng inis.

"Yeah, everything is settled. Ikaw na lang ang hinihintay." Uno tossed a Jabbawockeez mask to Drake, and he threw one on me too.

Bloody PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon