Kabanata 74

38.5K 1.9K 628
                                    

Flashback lang muna <3

RIVAS

"WALA KANG KWENTA! Isa kang malaking kahihiyan!" agad akong napasadsad at naisalag ang sarili ng makita ko ang nagliliyab na mga tingin ni Chancellor at nagngingit niyang mga bagang sa matinding galit.

Itinutok niya rin ang baril sa nakahandusay na si Draco, duguan ang nguso pero matibay ang loob na ngumiti sa ama.

"Dad!"

"Huwag, maawa kayo Chancellor. Anak niyo pa rin si Draco." halos sabay naming pakiusap ni Damon kay Chancellor at lumuhod ako sa harapan nito para protektahan si Draco.

"Ano man ang pagkakamali ni Draco ay handa akong saluhin ang lahat ng 'yun. Nakikiusap ako, huwag niyo siyang sasaktan." at tuluyan kong inilatag ang mga palad at tuhod sa harapan ni Chancellor.

He is our headmaster, the father of all chameleons but no one ever know him personally, maliban sa iilan na chameleon na siya mismo ang nag aruga, at isa ako sa mapalad na si Chancellor mismo ang tumulong at humubog sa akin para maging isang tunay na espiya.

"Umalis ka diyan, Rivas! Ang katapatan mo ay dapat na sa akin!"

"Ang katapatan ko ay hindi naalis sa buong chameleon at kasama ng sinumpaan kong tungkulin ang protektahan ang aking master, si Draco. Kaya bago siya mapatay ng kahit sino ay buhay ko muna ang magiging kabayaran." buong tapang akong nag angat ng tingin kay Chancellor at humigpit ang kapit niya sa baril.

Napangiti sa akin si Damon at dinig ko ang mahinang pag angil ni Draco sa likod ko na halatang hindi sang ayon sa gusto kong mangyari.

Pero walang sino man ang makakapigil sa akin, may isang salita at paninindigan akong tutuparin ayon sa kung ano ang sinumpaan kong tungkulin.

"Malaki ang utang na loob ko sa inyo, Chancellor kaya tinaggap ko ang tungkulin na maging kanang kamay ng anak niyo at hindi ko babaliin iyon sa kahit na anong paraan." napahigit ng hangin si Chancellor at padabog niyang binawi ang kamay mula sa pagkakahawak ni Damon.

Kundi dahil sa kaniya ay isa lang akong batang palaboy sa kalsada, kaya ganun na lang ako nagpapasalamat kay Chancellor na binihisan, pinakain at binigyan niya ako ng bagong buhay. Utang na loob ko sa kaniya ang lahat ng meron ako--- kaya anuman ang mangyari ay wala akong lalabagin sa mga utos niya at kasama roon ang protektahan ko ang mga anak niya.

"You lucky bastard! Itinatakwil na kita bilang parte ng pamilyang ito! Simula ngayon, wala ka ng karapatan sa lahat ng meron ang pamilya natin! Lumayas ka na bago pa kita mapatay!" at gigil niyang ini-angat ang paa para tadyakan si Draco ng mabilis kong sinalag iyon at tumama ang paa niya sa may tagiliran ko.

"Aaarrrrghhh!" galit na sigaw ni Chancellor at tinabig niya ang lahat ng madaanan bago kami tuluyang iniwan.

Agad kong nilapitan si Draco at bakas ang mga pasa sa mukha niya, ang ilang sugat na mukhang nakuha niya mula sa pambubugbog ng ama.

"Uy, thank you---- aray! Teka para saan ang sampal?" nanlaki ang mata niyang hinimas ang pisngi ng agad na lumipad ang palad ko sa mukha ni Draco.

Akala niya ba tutulungan ko siyang tumayo, kulang pa 'yung sampal na 'yun sa sakit ng sipa ni Chancellor kaya para makaganti ay binigyan ko pa siya ulit ng isang sampal sa kabilang pisngi.

"H-Hoy, Rivas tinuan mo utak mo!" kinakaladkad na hinila ni Draco ang sarili palayo at nanlilisik ang mata ko sa inis.

"Ikaw! Puro kasi bulog ang alam mong gago ka!" inis kong sumbat at mas lumakas ang tawa ni Damon na siyang nakalapit na sa amin.

Bloody PleasureWhere stories live. Discover now