Tinaasan ko siya ng kilay, hinihintay ko ang sagot niya pero napabuntong hininga siyang umiling, tanda na pagtanggi niya.

"Hindi na, dito ka na lang. Nandun naman si Uno." diretso sagot ni Drake and he placed his gun on his waist, hiding some daggers beneath his pants on the lower part.

"Edi sana si Uno na lang kinuha mong caregiver." inis akong tumayo at padabog na lumapit sa may lamesa, kinuha ko yung cellphone ko at lumabas ng kwarto niya.

Nandiyan naman pala si Uno, bakit nag hanap pa siya ng personal assistant at caregiver? Edi sila na ni Uno, magsama sila o kahit pagbuhulin ko pa mga dila.

Asar! Ako na nga nagmagandang loob siya pa itong nag iinarte. Pumunta na lang ako ng kusina para uminom ng tubig.

Yung mga katulong naman ay abala sa paglilinis ng bahay at paglalaba, minsanan lang pala sila rito, at pinapatawag lang ni Drake sa oras na kailangan ng maglinis at mag asikaso sa bahay. May sarili rin silang mini house sa labas, kung sakaling mag stay sila katulad ng driver ni Drake na madalas ay stay out din.

Sabagay hindi naman niya madalas kailangan ng ibang tao dahil kaya niya protektahan ang sarili niya, mas concern lang ni Drake ay yung sarili niya tuwing nandiyan si Wyn, which is di naman kailangan lumabas ni Wyn ng bahay para sa sarili niyang kahihiyan.

Saktong tumunog ang phone ko, nakita kong nag flash ang mukha ng napaka-gwapo kong boyfriend kaya hindi na ako nag dalawang isip na sagutin ang tawag.

"Hello,"

"Good morning babe," shit! boses pa lang, tinatayuan na ako ng balahibo sa kilig, wala sa loob akong napangiti at kusa ko ring pinag laruan ang hawak kong baso.

"Good morning too, napatawag ka. Miss mo ko noh?" I giggled and chewed my lower lip. Tumawa rin siya sa kabilang linya and I could imagine him nodding at me.

"Oo, sobra. Do you have ahmmm... break? free time? Labas naman tayo. Day off ko ngayon." my eyes widened, and the glee started to boom in my heart.

Oh, dahil walang balak si Drake na isama ako, ibig sabihin magkaka free time ako which means, magkakaroon ako ng time para makipag date. OMG! OMG! I won't let it slide, sa sobrang busy naming dalawa sa work minsan na lang kami magkita.

"Yeah, sure. Wala akong trabaho ngayon. Saan tayo--- Ano ba!" reklamo ko ng bigla na lang may umagaw sa cellphone ko.

Inis kong sinalubong ang madilim na mata ni Drake pero mas na inis ako ng ibalibag niya ang cellphone ko sa pader.

Literal na lumuwa ang mata ko ng makita ko ang kawawang kalagayan ng cellphone ko.

"Palitan mo 'yan! Now na!" singhal ko sa kanya ng napagtanto na wala ng pag asa iyong cellphone kong gumana. Ikaw ba naman ang mahati sa apat, tingnan lang natin kung saan mo pa pupulutin ang katawan mo.

Napaka-brutal talaga niya, pati cellphone gusto niyang chop chopin. Kainis! Paano na ako ngayon makipagkita nito?

"No phone during work," he said with his casual tone, and instead of rolling my eyes, I slapped his chest.

"Off work ko ngayon at kahit anong sabihin mo, wala kang karapatan sirain ang bagay na hindi sa'yo!" naiinis ako, nag iinit ang mata ko sa sobrang gigil.

Ilang taon kong pinag ipunan iyon, nag benta ako ng ice candy at naglalako ng turon para lang makabili ng maayos na cellphone tapos ano? sisirain niya lang? Naiinis ako! Gusto kong umiyak sa sobrang sama ng loob. Palibhasa, mayaman siya kaya madali lang para sa kaniya ang palitan ang mga bagay bagay but he didn't know how it feels na iyong pinaghirapan mo ang nawala.

Bloody PleasureOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz