13. BLUE STAR

476 35 0
                                    

“What?” anas niya saka bahagyang lumayo kay Penelope.

            “Pasensya na sa istorbo pero nakausap ko ang isang tauhan ng tatay ninyo. Pinagiingat ka.” seryosong imporma nito.

            Napabangon siya at naglakad papuntang malapit sa bintana. Wala siyang pakialam sa kahubdan. Ang atensyon niya ay nasa sinasabi nito. Hindi na siya magtataka kung ito ang tinawagan. Ilang beses na rin iyong nangyari na kapag hindi siya ma-contact ng ama o tauhan ay kay Riu ipinapadaan ang bilin o mensahe. Kilala naman ito ng tatay niya dahil naipakilala niya ito noon.

            “What happened?” nagtitimping tanong niya.

            “Ino Kurochi is threatening your father. Nakuha kasi niya ang Blue Star at gustong bawiin ni Ino ang kumpanya,” anito, saka ipinaliwanag ang lahat. Napamura siya at natutop ang noo.

            Ang Blue Star ay kilalang malaking five-star hotel sa Japan na pagaari ng mga Kurochi. Pero sa likod noon ay nagtatago ang isang matandang nunukan ng lupit—si Ino Kurochi. Mayabang ang matandang iyon na nasa sixty four years old. Matigas at magulang dahil ni minsan ay hindi ito nagbayad ng tamang buwis. Idagdag pang hindi rin ito nagpapasahod ng tama. Walang nagtangkang mag-report dito dahil protektado ito ng ibang yakuza at maraming koneksyon.

            Honestly, wala siyang pakialam pero si Penelope inaalala niya. Baka madamay ito. Alam niya ang kalibre ni Ino. Oras na malaman nito ang tungkol kay Penelope ay siguradong gagamitin nito ang babae.

            “Okay. Thank you for the information,” aniya saka tinapos ang tawag.

            Napahinga siya ng malalim at muling tumabi kay Penelope. Naginit ang puso niya ng awtomatikong umunan ito sa dibdib. Napahinga siya ng malalim at niyakap ito. Hinalikan niya ang ulo nito ng matagal hanggang sa gumaan ang pakiramdam niya.

            “Parang bumalik tayo ulit sa dati, Pen. Walong taon ng nakaraan, magtatapat na rin sana ako. Gusto kong sabihin na hindi mo ako kailangang bigyan ng bulaklak para suyuin. Hindi mo kailangang mag-confess. Ako dapat ang umamin dahil ako ang maraming itinago sa’yo…” anas niya saka niyakap ng mahigpit ang tulog na si Penelope.

“Gusto ko sanang sabihin kung gaano kita kamahal pero hindi ko nagawa dahil kagaya ngayon, may banta ulit sa buhay ko. Ayokong isugal ang buhay mo noon at ayoko ring saktan ka. Pero kailangan kong mamili. Sinaktan kita para mailigtas ka. At ngayon, nauulit iyon. Mas natatakot ako ngayon. Alam kong kapag sinaktan kita para maging ligtas, baka tuluyan ka ng mawala…” mabigat ang dibdib na anas niya.

“Hmm…” ungol nito saka sumiksik pa sa dibdib niya. Namasa ang mga mata niya. He was struggling so bad to choose that time. Maisip pa lang na mawawala na naman ito, parang mamatay na siya.

And he didn’t want to do the same thing again. Dahil doon ay mayroong gahiblang pagasa ang sumibol sa puso niya. Baka naman sa pagkakataon ngayon ay maging maayos na ang lahat. Ipagtatapat na niya ang tungkol sa tunay na mundo niya at baka sakaling sa pagkakataon ngayon ay magtagpo na sila. Puwede silang magkaroon ng arrangements. Maraming paraan basta ang mahalaga ay magkaintindihan sila.

Napahinga siya ng malalim at nagdasal na sana ay maging maayos ang lahat.

HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now