20. SHE BROKE HIS HEART

439 28 2
                                    

Alam niya naman ang address at ospital kung saan nagtatrabaho si Penelope kaya doon na sila dumiretso. Habang sakay ng taxi, kinakabahan siya. Balewala ang jetlag at kung anu-anong pressure o pagod na nararamdaman niya. Ang tanging emosyong umiikot sa sistema niya at pananabik at antisipasyon. Gustong-gusto na talaga niyang makita si Penelope. Kahit sa malayo lang, kahit saglit lang, makukuntento na siya. Ganoon siguro katindi ang pagmamahal niya rito. Makukuntento siya sa kakapiranggot na pagkakataong ibibigay sa kanya ng diyos.

            Pagdating sa Vancouer Medical Hospital ay pinaupo na lang siya ni Riu sa waiting area ng ospital at ito ang naghanap kay Penelope. Hinayaan naman niya ito. Nawala ito ng ilang minuto hanggang sa dumating ito.

            “Where is she?” pigil hiningang tanong niya.

            Napakunot ang noo niya ng magiwas ito ng tingin. First time, ang poker face na mukha ni Riu ay nakitaan niya ng pagkaalangan. Bigla siyang kinutuban.

            “What happened?” nagtitimping tanong niya.

            Napabuntong hininga ito. “Nasa canteen siya. M-May kasama siya na mukhang—”

            “Shit.” nanggigigil na putol niya saka iniwanan si Riu. Hindi na niya ito pinatapos. Gusto niyang siya mismo ang makakita ng lahat!

At lumubog ang puso niya ng makita si Penelope. May ka-holding hands ito. Nasa labas siya ng canteen at kita niya ito mula sa labas ng bintana. Mukhang doktor ang kausap nito base sa stethoscope na nasa leeg nito at lab gown na suot.

Iyon ang ibinyahe niya sa loob ng maraming oras: ang makita ang masaklap na katotohanang ang babaeng ipinaglalaban niya ay mukhang nakikipagmabutihan na sa iba. Sabihin man hindi pa nito nobyo iyon, pero ang katotohanang sumusubok na itong makipagmabutihan ay katunayan lang na wala na talaga siyang lugar dito.

            At nagalit siya. Masisisi ba siya? Sa tingin niya ay hindi dahil sa dami ng pinagdaanan niya para kay Penelope ay iyon lang ang mapapala niya. Nakakagalit din na sa loob ng ilang araw na nababaliw siya kakaisip dito, hindi naman pala siya nito inaalala. Nagmukha siyang tanga.

            Durog ang pusong nilisan niya ang lugar. Hindi na rin siya nagtangkang kausapin ito. Para saan pa? Para lang mapahiya? Tama na ang lahat ng iyon!

            Sa huli, tumigas ang puso niya. Sinalubong siya ni Riu at hindi niya ito kumibo. Salamat naman ay hindi ito nagsalita. Maging dito ay pahiyang-pahiya siya. Bumalik sila ng Pilipinas na ganoon ang kalagayan at umaasang darating ang araw ay lilipas din ang lahat. Sana, makalimutan niya ito para mawala na ang lahat ng sakit na dulot nito…

HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now