36. NIGHTMARE

333 22 1
                                    

“RACING BA ito? Bakit parang mauunahan mo pa si Ira sa pagpapakasal?” natatawang tanong ni Gerald kay Atong. Natawa tuloy si Penelope at napatingin sa kanya. Si Ira naman ay napaismid lang. Natawa tuloy sila sa reaksyon nito hanggang sa pati ito ay nahawa na.

            Linggo ng araw na iyon. Isang linggo na silang nakakabalik ni Penelope mula sa Japan at magmula noon ay mas naging masaya pa sila. Agad na silang naglakad ng papeles. Bukas sila magse-seminar para sa kasal at nasasabik na siya. Ang ama naman niya ay nagabisong darating kinabukasan para mamanhikan. Nasabihan din nila ang mga magulang ni Penelope at maging sila ay natutuwa.

            Sina Ira naman ay sinusuyo pa rin si Chelsea. Gayunman, sa nakikita niyang magandang disposisyon nito na mukhang tuluyan ng nakalimutan ang lahat ay mukhang malapit na rin itong maikasal. Nasisiguro niya, oras na sagutin ito ni Chelsea ay magaaya agad ito.

            Kasalukuyan silang nasa Hades’ Lair Malate. Doon naman sila nagkaroon ng bonding. Sunday Acoustic sa Hade’s Lair Malate at alam niyang gusto iyon ni Penelope kaya doon niya napiling magpunta. Sa ngayon ay si Beth ang tumao sa Hades’ Lair Katipunan. Nabilinan naman ito at maasahan kaya nasisiguro niyang walang problema.

            “Hindi ito racing. Gusto ko lang talaga na maikasal kami agad ni Penelope.” aniya saka ito kinindatan. God, he was so excited. He really wanted to start building life with her. Ang dami-dami niyang pangarap para sa kanila.

            “Oo nga naman. Hindi naman ito contest,” sakay ni Penelope saka siya niyakap sa bawyang. Napangiti siya sa kalambingan ng nobyo.

            “Hay naku. Obvious namang excited kang makasama si Penelope,” singit ni Anariz at napabungisngis.

            Natawa tuloy siya at gigil na halikan si Penelope sa sentido. Hindi talaga siya nahihiya na ipakita ang nararamdaman. Kung dati, panay sila asaran. Ngayon ay panay sila lambingan.

            “Cheers!” nakangiting saad ni Gerald. Tumalima naman sila at sabay-sabay na uminom ng wine. Matapos iyon ay nagsisabayan sila sa pagkanta sa acoustic band. Inubos nila ang oras sa inom at pagkanta hanggang sa dumating ang hating gabi.

            “Inaantok na ako. Let’s go?” aya ni Penelope. Namumungay na rin kasi ang mata nito at ayaw din naman niya itong puyatin ng husto.

            Tumango siya at nauna ng nagpaalam. Hindi naman sila pinigilan dahil uuwi na rin daw ang mga ito.

            “Puwedeng makitulog?” lambing niya habang nagmamaneho at papasok sila sa parking lot ng condo nito.

            Napabungisngis ito. “Nagpaalam ka pa talaga. Oo naman. You can stay here.” anito saka kumindat.           

            “Oh, that really turns me on,” anas niya at napabungisngis ito. Damn! She was clearly teasing him! Ah, she would really get what she deserved.

Pagkaparada ay agad niya itong siniil ng halik. Wala talaga siyang kasawaan dito. Kahit kailan ay hindi iyon mangyayari. Halos makalimot na naman sila kundi lang ito kumawala at pabirong tinapik ang pisngi niya.

“Tara na. Baka may makakita sa atin dito,” natatawang awat nito.

Napabuga siya ng hangin at natawa ito. Siya rin ay natawa sa sarili at naunang lumabas. Umikot siya para pagbuksan ito ng pinto ng magulat na lang ng mayroong sumuntok sa batok niya. Sa lakas noon ay napasadsad siya sa hood ng sasakyan!

Hindi pa siya nakakahuma, sinuntok ulit siya sa tagiliran. Napaungol siya sa sakit. Narinig niya ang tili ni Penelope at doon siya nagising. Nang makitang susuntukin siyang muli ng lalaking naka-jacket ng itim na mayroong hood sa ulo at face mask, agad niyang inilagan. Mabilis niyang inundayan ito ng suntok sa mukha. Sinigurado niyang hindi sila nito masusundan kaya pinaulanan niya pa ito ng suntok at sipa. Wala na siyang pakialam ng mabalatan ang kamao niya dahil sa pagsuntok. Nang bumagsak ito ay agad niyang pinuntahan si Penelope sa sasakyan.

“Oh shit…” anas niya ng biglang pumarada ang isang itim na van at iniluwa ang labing isang kalalakihan. Pawang naka-itim na jacket na naka-hood at mayroong face mask para hindi makilala. May hawak na kani-kaniyang baseball bat at dos por dos ang mga ito!

“Penelope, run!” sigaw niya ng bigla siyang hawakan ng mga ito at pinagtulungang bugbugin! Naluha siya sa sakit ng hatawin siya ng dos por dos sa sikmura. Napasigaw siya sa sakit ng sunud-sunod siyang tamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan hanggang sa duguang bumagsak.

“Penelope…” nanghihinang anas niya at sa nanlalabong paningin ay nakita niya itong kinakaladkad ng isang lalaki. Panay ang piglas at tili nito. Doon muling mayroong pumaradang isa pang van at ipinasok doon si Penelope!

“Shit! No—!” natatarantang sigaw niya. Parang nanlaki ang ulo niya sa sobrang takot. Nagalala siya baka kung ano ang gawin ng mga lalaking iyon kay Penelope. Dahil doon ay parang sinilaban siya. Nagbigay ng kakaibang lakas sa kanya ang isiping iyon.

Lumaban siya. Nang hahatawin siya ng dos por dos ay agad niya iyong inilagan saka inagaw. Ginamit niya iyon para makalaban. Panay ang palo niya ng dos por dos sa mga lalaking nagtatangkang tamaan din siya hanggang sa napasigaw siya sa sobrang sakit ng tamaan siya noon sa likuran.

Napaluhod siya at naiyak sa kawalang magawa. Hindi pa nagtagal ay muli siyang ginulpi. Natagpuan na lamang niya ang sariling nakahandusay doon. Ramdam niyang dislocated na ang kanang braso niya at may fracture na ang kaliwang hita. Duguan na siya at nagmamanhid na ang buong katawan. “Riu… w-where are you…” nanghihinang anas niya. Kailangan niya ito. Ito ang magsasalba sa kanya ng sandaling iyon…

            Pero walang Riu na dumating. Ang tanging lumapit sa kanya ay ang isa sa mga bumugbog sa kanya. Napahiyaw siya sa sakit ng tadyakan nito ang mukha niya at tuluyan siyang nawalan ng malay…

HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now