7. NOT THIS TIME...

531 28 0
                                    

“Nalulungkot ka na naman.” ani Atong. Napaigtad si Penelope dahil sa pagsasalita nito mula sa kanyang likuran. Nagmo-moment siya sa labas ng chapel. Nakaupo siya sa isang bench at tahimik lang na nakatitig sa dilim. Katatapos lang niyang makausap ang mga magulang sa cellphone at doon siya pumwesto kanina. Papasok na rin sana siya sa chapel kaso ay nakarinig siya ng iyakan ng mga kaanak ni Bonsai.

            Nagpasya siyang huwag munang pumasok. Naiyak din siya dahil muli niyang naalala ang pagkawala ng kaibigan. Mabait kasi ang kaibigan niya at nasisiguro niyang marami ang nalungkot dahil sa biglaan nitong pagkamatay.

            Bukod doon ay iniiwasan din niya ito. Alam niyang kapag nakita siya nitong nalulungkot ay tatabihan siya nito at lilibangin. Aaminin niya, nakakatulong iyon sa pagdadalamhati niya. Dahil sa presensya nito, gumagaan ang pakiramdam niya. Sa kabilang banda, nakakatakot din. Nabubuhay kasi ang damdamin niya rito kaya hangga’t maaari, iniiwasan niya ito.

            “Naalala ko lang si Bonsai,” amin niya saka napahinga ng malalim at napatingin sa orasan. Ala una na rin ng madaling araw. Kadalasan ay inaabot siya ng ganoong oras sa burol bago umuwi. Dumadating na lang siya doon kinabukasan. Minsan ay before lunch or after lunch ang dating niya doon at aabutin na lang siya ng ala una ng madaling araw. “I have to go now.” paalam niya saka tumayo para matakasan ito.

            “Ihahatid na kita.” boluntaryo nito saka siya agad na inalalayan.

            Nagkadailing siya at pasimpleng hinila ang siko. Agad niyang kinalma ang sarili dahil sa naramdamang goosebumps sa pagkakadaiti ng balat nila. “Ako na lang. I will just take a cab.” tanggi niya at sana, huwag na itong makulit!

Honestly, nahihirapan na siya. Hindi nito alam ang paghihirap ng damdamin niya. Sa tuwing ganoon ito, hindi tuloy niya mapigilang mangarap. Kahit anong pigil niya, nauuwi doon ang isip niya. Sa huli ay nakakaramdam din siya ng panghihinayang dahil alam niyang hindi na puwede at hindi magiging puwede kahit kailan…

            “Delikado sa daan. Ihahatid na kita. Dumaan na rin tayo sa Hades’ para mag-meryenda. Hindi ka man lang kumain ng dinner kanina. Ang sabi mo, wala ka na namang gana,” nanantyang saad nito na ikinamangha niya. Inoobserbahan siya nito!

            Kumabog na naman ang puso niya. Saglit siyang nalito, natuwa at… kinilig. Gusto niya itong tanungin kung bakit nito ginagawa iyon pero sa huli ay hindi niya ginawa. Alam niyang hindi iyon matalinong gawin dahil mauungkat lang ang mga nangyari noon. Napabuntong hininga na lang siya at napailing sa sarili.

            “Nabusog kasi ako sa kape,” pagdadahilan niya at napahinga ng malalim. Para matapos na ay naisip niyang pumayag. Alam niyang hindi rin siya nito titigilan. Marami ding pagkakataon para iwasan ito. Doon na lang siya babawi. “Okay then. Sa Hades’ Lair muna tayo. Pagkatapos ay ihatid mo na ako,” aniya.

Mukhang natuwa ito. “Good,” anito saka siya inalalayang magpunta sa sasasakyan nito. Ilang minuto lang ay nasa Hades’ Lair na sila. Carbonara with garlic bread ang meryenda niya. Binilisan niyang kumain hanggang sa maubos iyon.

Hinatid na siya nito. Bago siya lumabas ng sasakyan ay pinigilan siya nito. “Magpahinga ka lang. Susunduin kita ng alas tres ng hapon. You have to rest, okay?”

Dahil inaantok na rin siya at walang lakas na tumanggi, tumango na siya. Hinatid muna siya nito hanggang pinto ng hotel bago ito tuluyang umalis. Siya naman ay tuluyan ng pumasok saka nagpahinga.

Kinabukasan, nagising siya ng alas dose ng tanghali. Minabuti niyang magkape para magising ang diwa niya. Nanood siya ng TV hanggang sa mainip. Nagpasya siyang maaga na lang magpunta sa burol para hindi na sunduin ni Atong.

Pagdating doon ay nagulat ito ng makita siyang dumating. Agad siya nitong sinalubong.

            “Are you okay? Bakit ang aga mo? Alas dos pa lang. Kumain ka na ba?” sunud-sunod na tanong ni Atong. Namangha tuloy siya sa genuine nitong concern hanggang sa minabuti niya itong paliwanagan. Sa huli, napailing-iling ito.

            “Let’s head out. Kumain muna tayo bago natin bantayan si Bonsai,” suhestyon nito.

            “Pero—”

            “Please, huwag ka ng tumanggi. Hindi mo na nga ako hinintay. This time, ako naman ang masusunod. Okay?” agaw nito sa sasabihin niya.

            “What happened to you? Naging makulit ka na.” natatawang angal niya dahil hindi rin niya mapigilang mamangha sa ikinikilos nito. Parang nakikita tuloy niya ang sarili dito noon. Ang pinagkaiba nila ay mas malala siya. Gusto niyang mapangiwi sa naalala.

Bahagya na rin itong natawa at napailing. “It’s your fault. Lagi mo akong tinatanggihan kaya wala akong ibang magawa kundi kulitin ka. Let’s go?” anito saka siya inalalayang sumakay sa sasakyan nito. Dahil gutom na rin ay nagpatianod na siya.

Pagdating sa Hades’ Lair ay agad nitong sinabihan si Beth—ang supervisor nito na ipaghanda sila ng tanghalian. Agad naman itong tumalima at ilang sandali pa ay inihain iyon. Natawa siya ng tambakan siya nito ng pagkain sa pinggan.

            “Tama na. Ang dami nito. Hindi ko mauubos ‘to.” natatawang angal niya.

            “You should eat a lot. Magpupuyat tayo. Hindi puwedeng kape lang at biscuits ang laman ng tiyan mo. Manghihina ka noon,” anito saka sarili naman ang inasikaso.

            “Thank you, Atong,” aniya saka ito nginitian. Gusto niyang idagdag na nakakaya niyang harapin ang lahat ngayon ay dahil dito. Salamat sa presensya nito at pagaasikaso. Iyon nga lang, hindi na niya sinabi dahil ayaw niya itong magisip ng iba.

            “No problem. Sino ba naman ang magtutulungan kundi tayo-tayo? Bukas, susunduin kita ng alas sais ng gabi. Gabi ka na lang pumunta para makapagpahinga kang maigi,” bilin nito.

            “Ako na lang—”

            “I insist. Ayoko ng tinatanggihan,”

            Hindi niya napigilang mapangiti. “Hindi ka pa rin nagbabago. Kapag gusto mo, walang makakapigil sa’yo,”

            Bahagya itong natawa at napailing. “Ikaw rin. Makulit pa rin. Sige na. Kain ng kain para makabalik na tayo. Bukas, ganoon ang gagawin natin, okay?”

            Nakangiting tumango na siya. Suko na siya. Kumain na sila at ng matapos ay muli silang bumalik sa burol. Hindi siya nito iniwan. Lagi itong nasa tabi at inaalalayan siya sa tuwing nalulungkot. He was such a gentleman. Kaya hindi niya masisisi ang sarili kung bakit siya nahulog ng husto dito noon. Noon. Hindi dapat ngayon…

HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon