53. THE SIGN

393 23 1
                                    

"MAY NAGHAHANAP daw sa'yo sa information. Puntahan mo na lang," ani Rhea, ang kasamahang nurse ni Penelope sa Baguio General Hospital. Kagagaling lang niya sa isang pasyente. Sakto namang kababa lang nito ang intercom.

Kapapasok lang niya doon tatlong linggo ng nakararaan at naging maganda naman ang trabaho niya. Sa loob ng isang buwan na hindi nila pagkikita ni Atong ay masasabi niyang humupa na ang takot niya sa mga nangyari. Maging ang pamilya niya ay nakausad na. Nagagawa na nilang mamasyal sa mga kaanak. Si Peter naman ay naghahanap na rin ng trabaho at ipinagdarasal niyang makahanap na rin ito.

Sa trabaho niya itinuon ang matinding lumbay kay Atong. Habang tumatagal, lalo iyong tumitindi at doon niya napagtanto na hindi na ito matatanggal pa sa sistema niya. Maraming beses siyang natukso na tawagan ito para kumustahin pero sa huli, hindi niya ginagawa. Nagaalangan din siya dahil baka hindi nito sagutin ang tawag niya.

Nakakalungkot na hindi na rin kasi siya nito tinawagan para kumustahin. Minsan, nakakapagtampo dahil pakiramdam niya ay kinalimutan na siya nito. Pero sa tuwing naiisip niya ang pinagdaanan nito, sa huli ay naiintindihan niya. Ipinagdarasal na lang niya na sana ay maging maayos ito at makausad sa mga nangyari.

"Sino daw?" takang tanong niya saka inilagay sa mesa ang dala-dalang chart. Hindi pa kasi visiting hours kaya hindi pa nagpapasok ang guwardya at hindi siya mapuntahan ng personal ng taong gustong kumausap sa kanya.

"Nagato Yagami daw,"

Tumalon ang puso niya sa narinig! Saglit iyong hindi nai-process ng utak niya. Pangalan pa lang ni Atong ang narinig niya, nagkakadaletse na ang lahat ng cells niya sa katawan! Hindi tuloy niya alam ang gagawin at iisipin. Kinakabahan din siya. Kinikilig. Naloloka talaga ang buong sistema niya sa biglaan nitong pagpunta doon.

"Penelope?" takang untag ni Rhea sa kanya at namamanghang napailing sa kanya. "Anong nangyari sa'yo? Namutla ka na,"

Agad niyang ipinilig ang ulo. Kinalma niya ang sarili at napabuga ng hangin. "Okay. Puntahan ko na. Okay naman na ang mga pasyente ko. Nai-log ko na ang status nila sa chart at nakapag-rounds na ako. Sandali lang ako," paalam niya saka tuluyang bumaba.

Naghagdan na siya dahil puno ang elevator. Habang pababa ng hagdan, ang lakas-lakas pa rin ng kabog ng dibdib niya. Halos hindi siya humihinga! Gusto na niyang mapaungol sa inis dahil pakiramdam niya, lalo siyang tumagal.

Pagdating niya sa lobby ay natigil siya sa paglapit sa information ng makitang nakatayo si Atong sa harap noon. Naka-side view ito sa kanya at hindi siya agad kita. Nagkaroon siya ng pagkakataong matitigan ito at maobserbahan.

Nagiisa ito. Simple lang ang suot nitong gray shirt at itim na pantalon parehong hapit dito. Malinis ang gupit nakaahit. Bahagya itong pumayat pero maganda pa rin ang tindig. Natutuwa siyang makitang sa kabila noon ay mukhang okay naman itong tulad niya. At dahil doon, hindi nakatakas sa paningin niya ang ilang babaeng nagso-swoon habang tinitingna ito.

Pero hindi siya nakaramdam ng inis sa mga babaeng kinikilig sa kapogian ni Atong. But instead, she felt proud of him. Ang guwapong lalaking ito ay siya ang pinuntahan! Ah, sapat na sa kanyang makita ito sa malayo. Doon niya naramdamang bawing-bawi ang maraming gabing nangulila siya rito. Hindi niya akalaing ganoon na pala katindi ang epekto ni Atong sa kanya. Kahit nasa malayo lang ay kuntento na siya sa presensya nito.

Bumilis lalo ang tibok ng puso niya ng makitang hawak nito ang isang bungkos ng bulaklak. Hindi pa nagsasalita si Atong, ramdam na niya. Kinikilig na siya. Naluluha. Sumasaya na siya. Ah, halo-halo na ang nararamdaman niya!

"Atong," anas niya ng tuluyang makalapit dito.

Doon ito agad na napalingon sa kanya at natunaw ang puso niya ng makitang parang kinabahan ito. Gusto niyang matawa ng mamutla ito. Mukhang nalito hanggang sa natawa ng alanganin. Napakamot ito sa sentindo hanggang sa ngumiti. "I-I came here to give this to you,"

Nang iabot nito ang bulaklak sa kanya, para siyang hindi makahinga! Dahil natulala na siya, hindi niya magawang abutin iyon. Nakatitig lang siya sa guwapo nitong mukha. Gusto na niyang sabunutan ang mga sarili nila. Siguradong pareho na silang putlang-putla sa kakulangan ng hangin! Gusto niyang mapailing sa sarili.

"Para saan ito?" pigil hiningang tanong niya.

Tiningnan siya nito ng mataman hanggang sa nahigit niya ang hininga ng makitaan ito ng determinasyon. "It's a sign that I will court you. Galing ako sa inyo. Nakausap ko na ang parents mo at humingi ako ng permiso. Sinabi din nila na dito ka na nagtatrabaho. Masaya ako para sa'yo, Pen,"

"A-Atong..." anas niya. Namasa ang mga mata niya. Natunaw ang puso niya sa nakikitang sinseridad nito at katapatan.

Napahinga ito ng malalim. "Alam kong hindi na maalis o mababago pa ang mga nagawa ng tatay ko at napagdaanan natin. Alam kong wala na akong mukhang maihaharap pa sa pamilya ninyo. Pero mahal kita, Pen. I want to do everything to make you mine." nagsusumamong anas nito.

Natunaw ang puso niya. Kilig na kilig sa idenedeklara nito. "Atong..."

"Please, let me prove myself this time. Sa pagkakataon ngayon, ako ang manliligaw sa'yo. Hayaan mo akong gawin ang mga bagay na ikaw ang gumagawa dati. Wala na tayong puwedeng ikatakot ngayon, Pen. Wala ng maninira sa atin o mananakit." pangako nito.

Naiyak na siya sa sobrang saya. Hindi niya mailarawan kung gaano siya kasaya ngayon. Natutupad ang isa sa mga pangarap niya: ang si Atong mismo ang lumapit at ligawan siya.

Pinakiramdaman niya ang sarili. Wala na siya nararamdaman tungkol sa mga nangyari. Ang tanging nararamdaman niya ngayon ay ang matinding pananabik na maranasan ang mga bagay na pinapangarap niya. At hindi siya tanga para tanggihan pa si Atong!

"Oras na kinuha mo ang bulaklak na ito, ibig lang sabihin, binibigyan mo ako ng chance na ligawan ka," ani Atong. Nasa mga mata ang matinding antisipasyon! Gusto tuloy niyang matawa sa pagaasang nakikita sa mga mata nito. Pati tuloy siya, nahahawa.

Huminga siya ng malalim at iniabot iyon. Muntik na siyang mapabungisngis ng mapatanga ito. Mukhang hindi inaasahan ang ginawa niya hanggang sa ngumiti ito. Bahagyang namula ang mukha at tainga. Parang gusto pang sumigaw sa saya pero nagpakapigil lang. Namangha tuloy siya sa nakikitanng excitement nito hanggang sa nagulat na lang siya ng hawakan nito ang magkabilang balikat niya at masayang tinitigan siya.

"Thank you! Hindi ka magsisisi," anito saka siya niyakap ng mahigpit. Nabigla siya pero natawa na lang sa huli. Ramdam niya sa higpit ng yakap ni Atong na gagawin nito ang lahat para mapasagot siya at hinding-hindi na siya nito pakakawalan.

"Maraming tao!" natatawang awat niya rito saka kumawala kahit pa ayaw pa niya itong pakawalan. Ang bango kaya nito? Ang sarap yakapin ng forever! Pero kailangan niya muna itong pakawalan para bigyan ng pagkakataon gumawa ng moves at ligawan siya. Kinilig siya sa naisip. Hindi pa rin makapaniwala na liligawan siya ni Atong!

"Okay, okay." natataratang saad nito saka nalilitong napahagod sa buhok. Natawa siya sa nakikita pagkalito nito hanggang sa natawa na rin. "Aalis na ako. Baka naka-istorbo na ako. Basta... hintayin mo ako. Susunduin kita mamaya, bukas at sa darating pang mga araw. Okay?" pigil hiningang bilin nito.

Ngumiti siya kahit pa gusto na niyang mapahalahak siya sa saya! "Okay," simpleng sagot niya.

Ang ganda-ganda na ng ngiti nito bago siya tuluyang iniwanan. Pagkaalis nito ay agad siyang nilapitan ng ilang kasamahang nurse na nakakakilala sa kanya at nanonood pala! Natawa na lang siyang sinabi kung sino si Atong at napangisi siya ng makitang kilig na kilig ang ilang kasamahan.

Sa huli ay napahinga siya ng malalim. Kinalma niya ang sariling excited dahil sa mga gagawin pa ni Atong para sa kanya. Kinikilig siyang bumalik sa post ng umagang iyon.

HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon