45. PAYMENT #5

366 25 9
                                    

“Tapos ka na ba? Inom muna tayo.” ani Gerald kay Atong matapos nitong isara ang isang makapal na folder na naglalaman ng mga reports. Katatapos lang nitong tingnan ang mga iyon para malaman ang ilang discrepancy sa mga resibo.

            Kahapon pa tahimik si Atong. Maging siya ay hindi kinakausap. Pagpasok nila matapos magpalamig ng ulo kahapon ay ganoon na ito. Umastang hindi sila nakikita o naririnig. Magsasalita lang ito kung tungkol sa ino-audit. Napapailing na lang tuloy si Ira dito. Si Gerald na lang ang matyagang nakikipagusap dito.

            “H-He’s under medication,” pigil hiningang singit niya. Siya na ang nagsalita dahil mukhang walang balak na magsalita si Atong. Pinaliwanag niyang umiinom pa rin si Atong ng gamot para sa tendonitis nito.

            “Ganoon ba?” ani Gerald saka napaisip. Mukhang hindi na lang pinatulan ang pagsusuplado ni Atong. “Then I guess lady’s drink na lang siya,” pabiro nitong saad. “Come on. Ngayon lang ‘to. Pagkatapos mong ma-compute ang exact amount ng loss natin, aalis ka na naman.”

            “Okay then,” malamig na saad ni Atong. Nakahinga tuloy siya ng maluwag dahil halatadong humupa ang init ng ulo nito. Si Ira naman ay nanahimik na rin. Pinisil ni Chelsea ang kamay nito. Tila kinalma ang asawa. Siya naman ay tahimik na tinulungan si Atong. Attentive siya sa kailangan nito.

            “Paki-encode na lang ito. Tuturuan kita,” ani Atong saka tumayo. Nagpalit sila ng puwesto at siya na ang humarap sa computer. Panay ang pindot niya sa keyboard at agad na ginagawa ang utos nito kung saan niya ilalagay ang mga sinulat nitong amount. Maging label, kulay at kung papaano gagamit ng formula sa MS Excel ay matyaga nitong itinuro.

            “Tapos na ba ito?” tanong niya habang nakatingin sa excel.

            “Hindi pa. Total amount pa lang ‘yan ng mga resibo noong si Mattet ang cashier. Itutuloy ko na lang bukas,” anito.

            Doon naman tumunog ang cellphone nito. Agad nitong sinagot iyon. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito dahil salitang hapon ang ginamit nito. Minabuti niyang linisin na lang ang mesa nito at itinago sa drawer ang mga ballpen at resibong ginamit nito.

            “Aya, don’t think too much. You can come over. Puwede ka ring matulog sa bahay mamaya,” ani Atong. Ang ganda-ganda na ng ngiti nito. Dahil doon ay nagtinginan tuloy ang mga magkakaibigan sa opisina.

            Pakiramdam niya ay lumubog na ang puso niya. Ibang babae na ang nagpapangiti dito! At ang ngiting iyon ay hindi na maalis-alis sa mukha nito hanggang sa lumabas sila sa opisina. Pagdating sa labas ay naka-set na ang isang area para sa kanila. Malungkot siyang napangiti. Parang kailan lang, masaya silang nagsasalo-salo doon. Kasal ang pinaguusapan maging ang mga plano nila sa hinaharap.    

            Pero hayun sila ni Atong. Para silang mga estranghero sa isa’t isa. Ang saklap.

            “Nagato!”

            Napalingon sila sa babaeng tumawag dito at nakita nila si Aya. Natahimik ang grupo nila ng makalapit ito at humalik kay Atong sa pisngi. Parang nanadya pa dahil tinagalan pa nitong halikan! Ah, nagdidilim na talaga ang paningin niya sa sobrang sama ng loob.

            Pinakilala naman ni Atong ito sa mga kasama at simpleng tango lang ang isinagot ng grupo dito. Hindi naman pinansin ni Atong ang reaksyon ng mga kaibigan at si Aya na ang hinarap. Nagpakuha ito ng upuan at pinalagay sa tabi nito. Ngayon ay nasa pagitan nila ni Aya si Atong. Nasa kanan naman niya si Anariz na panay ang buntong hininga sa nakikita.

            “Are you okay? You look terrible,” nagalalang saad ni Aya saka sinuri si Atong. Kung makangiti naman itong si Atong, parang wala ng bukas! Ni hindi na siya pinansin ng lalaki. Na kay Aya na lang ang atensyon! Nakaramdam siya ng ngitngit sa harapang pambabalewala nito.

            Nagkukot ang kalooban niya at doon niya napagtanto na sagad na sagad na siya! Ang sakit sa dibdib! Gusto na niyang magwala!

            “Hindi bale. I will take good care of you. Nagpa-book ako ng flight nang malaman kong umuwi ka dito. Sasamahan kita hanggang sa bumalik tayo sa Japan,” lambing nito saka hinaplos ang pisngi ni Atong gamit ang hintuturo! God! Nakakainit ng bumbunan! Gusto na niyang sabunutan ito!

            “I love that. Nasaan pala ang mga gamit mo? Ipapakuha ko,” ani Atong saka ngumiti kay Aya.

            Lalong natuwa si Aya at sinabi kung saang hotel iyon. Tinawagan ni Atong si Riu at inutusan. Nang matapos ay naglambingan na ang dalawa sa tabi niya habang siya naman ay sobra ng nasasaktan…

            “Okay ka lang?” mahinang untag sa kanya ni Anariz.

            Gusto niyang bumunghalit ng iyak dahil malapit na siyang mamatay sa sobrang sama ng loob!

            “O-Oo. Okay lang ako,” nanghihinang anas niya dahil kung lalakasan pa niya, siguradong mapapahagulgol na siya. Hindi na nagsalita si Anariz at doon naman inilapag ng waiter ang dalawang bucket ng beer. Kumuha siya sa bucket ng mga lalaki: red horse ang ininom niya! Kahit nalalasing na agad siya sa amoy, wala na siyang pakialam!

              Gusto niyang makalimot sa lahat ng sama ng loob na ibinibigay ni Atong. Gusto niyang magmanhid na dahil ang sakit-sakit na. Sana lang ay makatulong ang red horse. Siguradong ikababaliw na niya ang sobrang sakit ng dibdib kung magtatagal pa iyon sa puso niya…

HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now