4. THE GIRL WHO LOVED YOU

660 40 3
                                    

“OKAY KA lang ba?” tanong ni Atong kay Penelope. Isang simpleng tango at simpleng ngiti lang ang iginawad niya dito. Lihim na lamang siyang napahinga ng malalim ng hindi pa rin ito umalis. Naupo pa ito sa tabi niya. Kadarating lang nito buhat Hades’ Lair. Iyon ang dinig niya kaninang usapan sa chapel. Isa kasi ito sa mga tumutulong sa burol. Sinisiguro nitong hindi nauubusan ng kape at kung anu-anong pagkain doon.

Sa totoo lang ay nalilito siya sa ipinakikita nito. Sa loob ng tatlong araw ay ganoon ito. Lagi siyang sinasamahan at tinatabihan.  Maliwanag ang usapan nila noon pero bakit ngayon, kung makaasta ito ay sobrang concern sa kanya? Dikit din ito ng dikit—bagay na nagpapayanig tuloy ng damdamin niya…

            Napahinga siya ng malalim. Kinse anyos pa lang siya ay ‘nanliligaw’ na siya dito. Nakakahiya mang sabihin, lahat ng alam niyang panunuyo, ginawa na niya. Pinadalhan niya ito ng bulaklak, chocolates at paboritong Japanese food. Bumili din siya ng cassette tape ng paborito nitong banda at iniregalo noong 16th birthday nito. Taon-taon, binibigyan niya ito ng regalo.

            Kung tutuusin, ayaw nitong tanggapin ang lahat ng bigay niya—nagbibigay impression na hindi ito nagsasamantala. Iyon nga lang, napipilitan ito sa huli. Kapag nakikita nitong nalulungkot siya o naiiyak, sa huli ay tinatanggap na at pagsasabihan siyang iyon na ang huli. Pero dahil gusto talaga niya itong maging nobyo, hindi pa rin siya tumigil.

            Masisisi ba siya? Sa tingin niya ay hindi. Para sa kanya, ideal man si Atong. Guwapo, mayaman at masasabi niyang may utak. Hindi pahuhuli sa itsura ang dalawang kaibigan nito pero ito ang masasabi niyang pinaka-hot.

Kahawig ni Atong si Hideo Muraoka. Isang half-Japanese, half-Brazilian commercial at hunk model ng Cosmopolitan at GBoyzone. Palibhasa, pure Japanese ang ama nito at half-Filipina, half-Brazilian ang ina kaya nahahawig nito ang modelo. Kaya hindi niya masisisi ang mga kababaihang nagso-swoon sa burol sa tuwing dumadaan ito.

            Kilala din ang angkan ng mga Yagami sa Japan. Imperyo na ang pag-aari ng pamilya nito. Sa pagkakaalam niya ay pag-aari ng Yagami ang pinakamalaking auditing firm sa buong Japan. Ama nito ang nagpapatakbo doon.

            At hindi lingid sa iba na involved din ang Yagami sa mga underground activities. Hindi nga lang mahuli-huli ang ama ni Atong dahil na rin sa mga koneksyon. Narinig niya ang lahat ng kwentong iyon kay Bonsai. Naging malapit ito kay Ira at nakwento nito ang ilang detalye sa kaibigan.

            Laki si Atong sa lola nito na nakatira sa San Jose na sa ngayon ay limang taon ng patay. Doon daw dinala si Atong noong isang taong gulang ito para itago sa mga kaaway ng ama nito. Na-kidnap kasi ito noon at nailigtas ng mga tauhan ng tatay niya. Matapos iyon ay agad itong dinala sa Pilipinas para itago.

Sa kabila ng background, nanatiling mataas ang tingin niya rito. Ganoon siguro katindi ang pagmamahal niya rito. Hindi niya nakita iyon bilang kapintasan. Para sa kanya, pagkatao ni Atong iyon na dapat niyang igalang. Mas lalo niyang ginustong mapalapit para makitang bukod sa mga kaibigan ay nandoon din siyang gusto itong makasama.

            Hinahangaan din niya si Atong dahil alam niyang matalino ito. Kaklase niya ito kaya alam niyang mahusay ito sa Math at pag-analyze ng problem. Kaya hindi na siya nagtaka noong makapasa ito sa CPA board exam. Bukod sa talino, alam niyang kahit may pagkasuplado, mabuti rin itong tao.

            Sa kabila ng paghahabol niya, never siya nitong hiniya. Sumuko lang siya dahil nakita niyang wala na siyang pagasa. Nakaya naman niya. Ang lahat ng sama ng loob, tampo at bitterness ay idinaan niya sa pagaaral hanggang sa maging nurse. Nag-volunteer siya sa isang pampublikong ospital hanggang sa ma-hire. Three years siyang nagtrabaho doon. Nang makakuha ng sapat na experience, kinuha siya ng tiyahin na nasa Vancouver at ipinasok sa pinagtatrabahuhang ospital. Naging possible ang lahat dahil ito ang Chief Nurse sa Vancouver Medical Hospital at naipasok siya.

            Naging maayos naman ang lahat. Naipaayos niya ang bahay at napagaral ang nagiisang kapatid na si Peter. Sa ngayon ay civil engineer na ito sa isang architectural firm sa Makati. Ang mga magulang naman niya ay kapwa retirado na sa pagiging guro at sa ngayon ay nagbabakasyon sa Bacolod sa isang malayong tiyahin niya. Nangako ang mga itong darating sa libing ni Bonsai.

HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now