"Sige na at tumuloy na kayo sa loob at baka mahuli pa kayo sa susunod ninyong klase. May balak pa kayong bumalik sa eskuwela hindi ba?"

Sumangayon kami sa sinabi ni Aling Nenita at tumuloy na nga sa loob ng bahay.

Hindi kalakihan at hindi rin ganoon kamoderno ang bahay ni Professor Sylvia pero masasabi mong may kaya naman ang nakatira lalo na at nagiisa lang siya rito. Ang mga magulang ni Mam ay matagal nang pumanaw dahil na rin sa katandaan at ang mga kapatid naman ay mayroon na ring sariling mga pamilya. Ang isa niyang kapatid na babae ay dito lang rin malapit sa kanila nakatira at malimit din siyang binibisita samantalang ang lalaki naman ay sa Maynila na naninirahan. Iyan naman ay base lamang sa mga kwento na naririnig ko sa mga estudyante noon.

Tahimik sa loob nang pumasok kami at may iilang tao na hindi ako pamilyar, kamag-anak siguro ni Prof na minsan na nga lamang dumalaw, kung kailan pa wala na siya. Hindi ko alam kung tahimik ba dahil nagsisipag-iyakan o tahimik lang sila tanda ng pag-galang sa pumanaw nilang kamag-anak na hindi naman ngi minsan nagawang alalahanin noong nabubuhay pa.

"Jo, Rita?" napaangat ako ng tingin mula sa mga taong hindi gaano pamilyar sa akin patungo kay Aling Salvi, ang bunsong kapatid ni Prof na kailanman ay hindi siya nagawang iwanan.

"Halika pasok mga anak." aniya.

Sa kabila ng ngiti ni Aling Salvi sa amin ay nakikita ko pa rin ang kalungkutan mula sa pagpanaw ng kaniyang mahal na kapatid. Noon pa man ay taliwas na silang dalawa ng paguugali ngunit sa kabila ng pagiging masungit ni Prof Sylvia, kahit kailan hindi ko pa nabalitaan na nagaway sila dahil pinatulan o hindi na kinaya ni Aling Salvi ang kalupitan niya.

"Gusto niyo bang sumilip?" kaagad akong umiling sa tanong ni Aling Salvi.

"Hindi na po ako, kahit si Jojo na la--"

Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ay may narinig na akong nagsalita mula sa aking likuran at unti-unting lumapit sa kabaong na nasa harapan ko.

"Maganda yung sinisilip ang bangkay habang nakaburol pa para naman kahit papaano ay nasilayan mo ang ngiti sa labi niya bago man lang ihatid sa huling hantungan." anito.

Hindi ko alam kung sino ang lalaking ito, isa siguro sa mga kamag-anak ni Prof na ngayon lang din nagkalakas para dumalaw rito.

"Hindi bale na, nakita ko naman yan noong nabubuhay pa siya eh." tugon ko, may gustong iparating.

Gusto ko pa sanang idagdag na nakita ko naman ang mga ngiti ni Prof nung nabubuhay pa siya at hindi katulad niya na kailangan pa sumilip sa bangkay para lang masilayan iyon bago ihatid sa huling hantungan na sinasabi niya.

"Kahit na Miss, iba pa rin ngayon. Ang ganda pa naman ni Tita sa ayos niya, ikaw rin, sa isang araw ililibing na siya, hindi mo man lang makikita." at nagawa pa ng lalaking itong lumingon sa akin at ngitian ako!

Biro ba 'yon? Biro ba yung sinabi niya? Maganda ang ayos ng Tiya niya kaya dapat makita ko? Kahit magpustahan pa kami rito, sigurado ako na mas madalas ko pang makita na maganda ang ayos ng Tiya niya kaysa sa kanya!

Sino ba siya? Ngayon ko nga lang siya nakita rito eh. Tiyahin niya si Prof? Tama nga ako, isa lang siya sa mga kamag-anak na dadalaw lang kung kailan nalagutan na ng hininga ang minamahal! O tama bang sabihin kong minamahal? Matatawag bang pagmamahal 'yon kung wala naman silang pakealam dito noong nabubuhay pa?

At ang kapal pa ng mukha niya na magbiro sa harap ng pumanaw niyang Tiya ha. Buhayin ko kaya 'tong si Prof para siya na mismo ang mang-sermon dito sa pamangkin niyang walang respeto sa mga nagluluksa!

Tsaka sino ba siya para pakelaman ako kung ayaw kong sumilip? Hindi niya naman ako kakilala!

Pakealamero.

"Ah. Si Ephraim nga pala, anak ng bunso naming si Samuel." ani Aling Salvi.

Sa ibang pagkakataon ay ngingitian ko pa si Aling Salvi dahil ipinakilala niya kami sa pamangkin nila ni Prof, pero ngayon, parang mas gusto ko pang sabihin sa kaniya na wala akong pakealam!

"Ephraim." saad nung bastos na pamangkin at inilahad pa sa amin ang kamay niya.

Maswerte siya at tinanggap ni Jojo ang kamay niya, nagkaroon pa ako ng oras para pagisipan kung kakamayan ko nga siya o hindi. Pero syempre, bilang respeto kay Professor Sylvia dahil hindi naman ako katulad nitong pamangkin niyang bastos ay tinanggap ko rin ang kamay niya nang sa akin na ilahad.

"Pangalan?" may pagtaas pa siya ng kilay, akala mo naman artista siya at nagpapa-autograph ako kaya inaalam niya ang pangalan ko para maisulat sa album niyang puro tunog ipis ang laman!

"Rita." pekeng ngiti ko.

"Ah! Ikaw yung hindi naniniwala sa Diyos!"

The UnFAITHful Lady: Rita DalanginWhere stories live. Discover now