CHAPTER 31

578 20 0
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW❤

CHRISTILITA❤

__________________________________

HALOS DALAWANG linggo na silang magkasama ni Caryl masaya itong makasama naipakilala niya rin ito kina Jade at Cheska, hindi nga siya nagkamali na magiging magkasundo si Caryl at Cheska basta C medyo kango -__-. Hindi rin mahirap kaibiganin si Caryl dahil pareho silang lahat at nagkakasundo rin sila.

Palagi na silang magkasama ni Caryl dahil pareho sila sa kurso, halos mag-iisang buwan narin sila ni Ren kaya kung may surprisa ito sa kanya ay susurprisahin niya rin. Sa ngayon ay nagtatawagan lang muna sila ni Ren dahil busy pa ito sa teleserye niya, hindi siya nakakalimutang tawagan nito sabi pa nito sa kanya na may Surprise ito sa kanya at excited siyang malaman kung ano man yon.

"Sabrina alam mo na ba ang tema ng Acquintance party natin?" Tanong bigla ni Caryl habang kumakain ng lollipop.

"Ano?"

"Floral..ang pangit!"reklamo nito sa kanya.

"Ha? Hindi kaya maganda kaya tignan?"sagot niya lalo na at mahilig siya sa floral.

"Saan ang ganda non? Masyadong girly?"nakangusong sabi nito.

"Maganda ka kaya kapag nakasuot ng floral? Dimo alam yon?"tanong niya.

"Sabrina matagal ko ng alam yan..kahit anong klaseng damit babagay talaga sakin!.."

-__-.

"Yan naman pala bakit napapangitan ka?"nahuguluhang tanong niya.

"K-kasi parang yung crush ko nakasout ng ganon baka matuluyan ng maging bakla!"

0__0?

"Ano?"

"Diko alam kung bakla ang crush ko pero pagsinout niya pa yon ..gosh! Baka magustuhan pa ang floral!"

"Hindi lang kaya pangbabae ang floral.."sagot niya.

"Pero Sabrina..ramdam kong bakla siya baka pagsinout niya na floral ay matuluyan pa!.. nakakabakla-__-."

-__-.

Pumasok naman ang isang student na President sa boung campus nila kasama ang iba sa silid nila.

"Guys e-inform ko lang sa inyo na sa susunod na araw na ang acquintance party natin!"masayang usal sa kanilang lahat narinig naman nila ang naghihiyawan dahil sa tuwa."and kailangan niyong maging handa doon lalo na at may mga iba't ibang students natin na gustong makipagkilala satin by showing their talents! Maraming mga pasabog rin kaya be ready! "

"Pasabog ba? Baka patay tayong lahat jan?"sigaw ng isa nilang classmate nagsitawanan naman ang ilan sa kanila.

"Basta be ready guys! Siguradong matutuwa kayo! Thanks!"

At umalis naman ito sa silid nila.

"Waah!! Narinig mo yon Sabrina? Pasabog! As in Pasabog!! Maganda yon!"gigil na sabi ni Caryl sa kanya at siya rin ay hindi na makakapaghintay sa paparating na acquintance bilang college, ngayon niya lang ito mararanasan dahil hindi na higpit ang mga magulang niya.

"Ako rin excited ako!"masiglang sagot niya.

"Sabay tayo mamaya?"tanong ni Caryl sa kanya.

"Huh? Saan naman?"

"Bibili ng Floral Dress!."nakangiting sagot nito "sisiguraduhin kong maganda tayong dalawa! At sisiguraduhin kong hindi matuluyang maging bakla si crushypie!"curious naman siya kung sino ang crush nito.

Still Into You (COMPLETED)Where stories live. Discover now