CHAPTER 17

698 27 0
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW❤

CHRISTILITA❤

Maghugas ng kamay para iwas!??? Covid19 ^_^.

__________________________________

NAKABALIK na si Sabrina at agad bumungad sa kanya si Ren sa sofa nakatutok lang sa kanya napakagat labi nalang siya sa kaba dahil bato sa kape? Ginantihan niya lang ng ngiti ito.

"Nakabalik na ako.."kinakabahang wika niya nilapag naman ni Ren ang magazine na binabasa nito.

"Oo..kitang kita kong nakatayo ka sa harapan ko."nakapamulsa naman itong tumayo papunta sa kanya

TUGDUG!-TUGDUG!-TUGDUG!

TUGDUG!-TUGDUG!-TUGDUG!

TUGDUG!-TUGDUG!-TUGDUG!

TUGDUG!-TUGDUG!-TUGDUG!

Bwesit na puso to! Wag kang titibok sabi!

Akala niya lalapitan siya nito pero nilampasan lang siya nito at tinalikuran, napasandal nalang siya sa pinto sa dulot ng puso niya.

"Masarap ang kape kanina..kasing sarap ng dagat"sarkastikong sabi nito sa kanya.

"Nagising kaba sa kape ko?"pang-iinis na tanong niya hinarap naman siya na halatang inis na inis na ito sa kanya.

"Bakit ang tagal mo?"

Galit ba to?

"Sa tabi-tabi lang may kinausap."sagot niya nito"Masarap ba ang luto ko?"nakangiting wika niya.

"Magluto kana."tipid na sagot nuto at umakyat na sa second floor.

Sumungit na naman sa kanya ang Baby Ren niya ayos narin to para wala ng problema.

Nagbihis muna siya at naligo sa kwarto niya bago mag-umpisang magluto ang unang niluto niya ay ang adobong manok na paborito niya hindi niya kasi alam kung anong gusto ni Ren kaya pabirito nalang niya since kakain rin naman siya.

Abala siya sa pagluluto nang tumunog ang doorbell iniwan niya muna ang ginawa niya at binuksan ang pinto.

"L-lexza?"kinakabahang usal niya.

"How dare you to stay here!"agad naman siyang sinampal ng malakas-lakas nito, napaluhod siya sa lakas nito hindi pa ito nakuntento at pinatayo siya at isinampa sa pader. "Nilalandi mo nga si Ren!? Ang boyfriend ko?"sinampal na naman siya nito at napaluhod na naman siya napahawak siya sa dibdib niya sa lakas ng pintig nito.

TUGDUG!-TUGDUG!-TUGDUG

TUGDUG!-TUGDUG!-TUGDUG

TUGDUG!-TUGDUG!-TUGDUG

TUGDUG!-TUGDUG!-TUGDUG!

"Inuubos mo talaga pasensya ko!napakalandi mo! Paano mo nagagawa to samin?"

"Wala akong ginawang masama!"sigaw niya naiinis na talaga siya sa Lexza na to. "Kung nauubos mo ang pasensya mo ganon rin ako sagad na sagad!"hinang-hinang sagot niya napahawak siya sa pisngi niya.

"Dahil ang landi mo! P.A. ka lang!"inis na sigaw nito at kinaladkad siya bago pa siya makapagsalita ay sinabunutan na siya nito, hindi na niya alam ang gagawin hinanghina na siya di na niya alam ang gagawin masyadong malakas si Lexza kesa sa kanya.

"Enough!!"sigaw ni Ren sa kanila na nag-e-echo sa loob ng condo.

Matagal pa bago itinigil ni Lexza ang pagkakasabunot sa kanya napasandal nalang siya sa pader at inayos ang buhok niya.

Nakatitig parin ng masama sa kanya si Lexza bago hinarap nito si Ren.

"Ren kaya ba ayaw mo na sa akin? Dahil dito!?"turo nito sa kanya hindi na niya ito pinansin napahawak siya sa buhok niya at dibdib.

Still Into You (COMPLETED)Where stories live. Discover now