CHAPTER 16

756 24 0
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW❤

CHRISTILITA❤

__________________________________

TINANGAL na ni Sabrina ang wig niya nang makarating na sila sa isang malaking studio dito gaganapin ang body perfume commercial na gagawin ni Ren, pag inuutusan siya ay gagawin niya kahit nasa isang bubong sila nakatira ay di niya parin nalilimutan ang maging isang P.A.

Tinitignan niya lang si Ren mula sa gilid na inaayusan ito ng stylist niya, hindi niya maitatanggi ang taglay na kagwapohan at ang maging hot tignan kahit nakapikit ito ay kitangkita niya ang makakapal na pilik mata nito.

You look beautiful

You look beautiful

You look beautiful

Naalala na naman niya ang sinabi sa kanya ng binata at lumakas na naman ang kabog ng puso niya bakit ba sa tuwing naalala niya ang mga magagandang gagawin ng binata ay naprapraning ang puso niya!?.

Lahat nalang binibigyan ng kahulagan ng magiting niyang puso
Pwede ba hearty! Wag kang titibok ng basta basta! Idol mo lang siya! Normal lang sa kanya yon!.

"Hoy Sabrina tinatawag kita!"napabalik ang ulirat niya sa pagsigaw ni Ren sa kanya.

"A-ano yon?"

"Sabi ko kunin mo ang cellphone ko nasa sasakyan naiwan ko."usal nito

"Ahh..sige kukunin na."pumunta naman siya sa parking lot para kunin ang cellphone nito na naiwan.

Nang makarating siya ay hinanap niya ang driver ni Ren na si Oscar sakto namang nakaupo lang ito at kausap ang isang guard nilapitan niya na ito nang may humawak sa braso niya.

"Excuse me?"anas ng babae sa kanya kaya tinignan niya na ito.

"L-lexza?"kinakabahang tanong niya hindi niya alam kung ano ang gagawin sa kanya nito ngayon.

Sinalpak nalang siya nito sa sasakyan at mas hinigpitan pa ang kapit sa braso niya.

"Ang landi mo! Napakalandi.."pinalakihan pa siya ng mata nito, napalunok siya sa sariling laway niya

"A-anong pinagsasabi mo?..wala akong ginawang masama sayo?"pilit na paglalaban niya pero ibinaon nito ang kuko sa braso niya kaya napadaing siya sa sakit.
"L-lexza a-ano ba! Nasasaktan ako!"inis na wika niya pero nginisihan lang siya nito.

"Sabrina right?..napakalanding pangalan..malanding malandi."diin na anas nito sa kanya.

"Ano bang pinagsasabi mo Lexza.."naiiyak na usal niya.

"Iiyak ka?..natatakot ka sakin? Pwes layuan mo si Ren! Para di kit--"

"Ano Lexza?"

Napatingin siya sa nagsasalita mula sa likuran ni Lexza, napatigil naman ito at binitawan siya at hinarap ang nasa likuran niya.

"Ang P.A na ito ay nilalandi ang amo niya..anong sa tingin mo ang gagawin ko ha!? Rence?"inis na bulyaw ni Lexza kay Rence.

Napatingin nalang siya kay Rence na ngayon ay nakatingin parin kay Lexza.

"Bakit ano bang meron sa inyo ni Ren? Kayo naba?"tanong ni Rence hindi naman ito nakapagsalita sa binata. "Wala diba? Bakit ka nagkakaganyan?"sinulyapan naman siya ni Rence.

Hinarap naman siya ni Lexza at tinignan ng masama.
"Babalikan pa kita kaya wag kang magtatangka lumandi sa taong may mahal na."inirapan lang siya nito at umalis.

Napayuko nalang siya at hinagod ang braso niya na ngayon ay humahapdi sa sakit.

"Ayos ka lang?"walang ganang wika ni Rence sa kanya tango lang ang isinagot niya rito magsasalita pa sana siya ng bigla itong umalis, napabuntong hininga nalang siya at nilapitan ang driver na si Oscar para hanapin nila ang cellphone ni Ren.

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon