CHAPTER 5

869 31 0
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW❤

CHRISTILITA❤




__________________________________


SUMAKIT ang boung katawan ni Ren dahil sa hindi niya naranasan matulog sa sofa at puyat rin ito dahil hindi maayos ang kanyang tulog. Inaayusan siya ngayon ng kanyang stylist para sa last shoot dito sa resort ni Rence. Iniinda niya parin ang sakit ng likod niya nabadtrip pa siya dahil sa pagising niya si Sabrina agad ang nakita niya!
Bakit ba napakaayaw niyang makita sa lahat ay ang babae na yon?

" Bakit napuyat ka bigla? Mabuti at maganda tong make-up ko hindi ka mahahalata dito" wika ng stylist niya. Di na niya ito sinagot pa. Binalingan niya naman ng tingin ang pinsan niya na si Marky ito rin ang dahilan kung bakit nasa sofa siya whole night, umawa lang si Marky sa kanya.

Agad namang may sumigaw para ipaalam na last shoot na ito at matatapos na ang trabaho. Kaya naman pupwesto na siya at handa ng mag pose.




HAWAK ni Sabrina ang towel at water bottle at naghihintay kung kailan matatapos si Ren, di parin siya makapaniwala sa ginawa nito sa kanya kagabi! Gulat na gulat talaga siya sinong mag-aakala na masasapak siya ng malakas-lakas? Wala pang nakakagawa sa kanya ng ganon.

Aaminin niyang naiinis talaga siya pero iniintindi niya lang para walang gulo alam niya naman na pagod lang yon kaya laging masungit. Napapunas nalang siya sa pawis dahil sa init ng araw may tumabi naman sa kanya at pinayungan siya nilingon niya naman kung sino at di na siya nabigla dahil pasulpot-sulpot lang ito sa paligid niya pero hindi niya ito pinansin nakatingin parin siya ni Baby Ren niya na sobrang hot sa paningin niya.

" Bakit ka nagpapa-init?"
Tanong nito sa kanya kaya tinignan niya naman ito.

" Wala lang gusto ko lang. Ikaw bakit nasa tabi kita?" Mas napangiti naman ang binata sa kanya.

" Para payungan ka? Ikaw bakit nagpapa-init ka? Marami namang masisilungan na lugar dito?"

" Para bantayan ko ang amo ko" sagot niya sa binata.

" Alam mo? Mababantayan mo naman siya e kaya lang masyado ka ng hot dito" ngising wika ng binata sa kanya.

"Hot? Ako?" Namumulang sagot niya.

Agad namang napalakas ang tawa ni Rence sa kanya kaya mas lalo niya itong tinititigan.

"You know what you look cute the way you blushed" pinangigilan niya naman ito kinurot ang pisngi niya.
"Yes you look hot kasi nagpapainit ka at pinawisan" mas lumakas pa ang tawa nito.

Agad niya naman inalis ang kamay nito sa pisngi niya.

" Loko ka ah!" Sagot niya nalang at nawala ang pamumula nito at nag-iwas nalang siya nang tingin kay Rence. Nakita naman niyang palapit sa kanila si Ren agad namang bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa kanya ito nakatitig kinakabahan siya lalo na at palapit na ito sa kanila.

" Kanina lang ako tumatawag sayo pero nakikipag-usap ka lang, entertainer ka na pala?" Sarkastikong wika ni Ren sa kanya.

Agad naman itong inagaw ang tubig na hawak niya at ininom bumaling naman ang atensyon nito kay Rence

" Ikaw bakit siya ang pinapayungan mo? Dapat ako dahil pagod ako!" Napangisi naman si Rence sa kaniya pinayungan naman si Ren.

" Sorry Sir kasi po itong lalaking to kanina lang na--" hindi natuloy ni Sabrina ang sasabihin niya dahil may babaeng kumuha sa towel niya at agad pinunasan si Ren.

Nanlaki ang mata niya sa nakita niya ka loveteam ito ng baby Ren niya di siya makapaniwala na makikita niya na naman ang isa sa mga idol niya! Napatulala nalang siya at napangiti sa kanila ni Ren na sobrang sweet hindi lang loveteam ito kundi nagliligawan narin ito.

Still Into You (COMPLETED)Where stories live. Discover now