CHAPTER 14

705 19 0
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW❤

CHRISTILITA❤



__________________________________


'THANK you for saving me.'

'Thank you for saving me.'

'Thank you for saving me.'

Umalingaw-ngaw sa isipan ni Sabrina ang sinabi sa kanya ni Ren, nagpapasalamat ba ito sa kanya dahil naiiwasan nito si Lexza?.

Dalawang araw  na ang nakalilipas at nakauwi na sila galing sa Palawan natapos na nila ang MV ni Ren, halos isang linggo narin sila doon.

Nagligpit-ligpit nalang siya sa mga gamit at kalat sa opisina ni Mark at inihatid ang mga papel na kailangan ni Yna.

"Sabrina naka-usap mo na ba ang kuya mo?"tanong sa kanya ni Mark

"Hindi pa? Bakit daw?"

"Kasi---"di napatuloy ni Mark ang sasabihin niya nang biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa kanila si Ren na halatang puyat.

Puyat?

Sinalpak naman nito ang sarili sa sofa at ipinikit ang mga mata.

"O? Anong nangyari sayo? Akala ko ba magpapalamig kalang sa bahay mo?"usal ni Mark kay Ren

"Pinuntahan ako ni Laurence sa bahay..naglasing diko naman alam kung bakit...."

"Napapadalas na siya...problema  na naman ba sa babae?"tanong ni Mark

"Oo."

Ayaw niyang makinig sa usapan ng iba akala niya naman may masamang nangyari kay kuya Nathan niya, kaya naglakad siya paalis sa opisina pinihit niya ang doorknob ng bigla itong bumukas at bumungad sa kanya ang lasing na lasing na tao.

"R-rence?"tawag pangalan niya sa binata nakatitig lang ito sa kanya at hinatak naman ang braso niya papunta sa may sofa, kinabahan naman siya parang ngayon niya lang nakitang galit si Rence sa kanya.

Nakatayo lang ito sa tapat ni Ren at napaupo naman siya sa lakas ba naman humatak.

"Rence?"tanong ni Mark hindi naman sumagot si Rence, nakatitig lang ito sa kanya kinakabahan siya bakit galit ito sa kanya.

"Sabrina bakit di mo sinabi sakin noon na anak ka ni Manuel Montano at Eliza Montano! Bakit nagpanggap ka sakin dati na kabitbahay mo lang sila..namay boyfriend ka na katulong nila? Bakit?"naiinis na tanong ni Rence sa kanya kinakabahan naman siyang sumagot, natatakot siya nagsimula na namang nanginig ang kamay niya napatingin naman sa kanya si Ren.

"Rence..tinatakot mo si Sabrina"anas ni Mark

"Tinatanong kita Sabri--"inis na si Rence sa kanya.

"Kailangan ko bang ipaalam lahat ng pagkatao ko sa inyo? Para saan? Ano naman?"diretsong usal niya di naman kailangan malaman pa nila ang totoo.

"Kung ganon kapatid mo si Nathan?"tanong ni Ren sa kanya.

Malamang anak rin siya ni Manuel at Eliza..baka kapatid nga kami?
Kahit alam tinatanong pa? Ano ako ampon?

"Oo."tipid na sagot niya.

"Lumayas kaba dahil ayaw mong makasal kagaya sa kuya mo?"tango lang ang isinagot niya kay Rence, natahimik naman ng ilang segundo at umupo siya ito sa tabi ni Ren na kaharap niya lang.

"Nung nakita sa bakod namin kapatid mo ba talaga ang sinundan mo?"tanong niya kau Rence.

"Wala siyang kapatid."tipid na sagot ni Ren sa kanya.

Still Into You (COMPLETED)Where stories live. Discover now