CHAPTER 11

744 20 0
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW❤

CHRISTILITA❤

__________________________________

HINANAP naman nila ito pero naabutan na sila ng gabi kaya tumigil na sila sa paghahanap kay Ren silang tatlo lang ni Mark at Rence ang naghanap ayaw kasing malaman ng iba baka ma-issue pa, naghatihati naman sila ng area na mahahanapan si Rence ay sa mga loob ng resort tiyak matatagalan yon sa laki ba naman ng resort. Si Marky naman ay sa opposite side na hinahanapan niya samantalang siya ay samay liblib na lugar. Napag-alaman rin nila na yung napili nilang partner kay Ren ay napa-away sa ibang mga babae kanina na ingit kasi ang iba. Nagbibigay gulo pang lalo na at di pa nila nakita ang Ren. Nag-alala na siya dito baka ano na ang nanyari dito.

Kalalaking tao nagpapahanap sa babae!

Makalipas ng ilang oras na paghahanap ay napag-isipan nilang kumain ng dinner. Nag text naman si Ren kay Mark na okay lang ito nasa bar daw siya.

"Wag niyo nalang hanapin si Ren matanda na siya." Wika ni Mark habang kumakain.

"Tiyak bukas nandito na siya. Kung di mahanap malamang nagtatago."sabat naman ni Lexza.

Naki-join kasi sila Lexza, Manager J, Nica at ang P.A niya sa kanila ni Rence at Mark at ibang grupo nila. Napansin niya rin na panay tingin ni Rence kay Nica at panay yuko naman nito.

Matapos ang hapunan nila pumasok na sila sa kanya-kanyang kwarto nila. Di parin siya makatulog kahit na alas nuebe na ng gabi nababaguhan pa siya sa lugar naisipan niya nalang na lumabas ng resort at maglakad-lakad nalang.

Rinig niya naman ang mga taong nag-iingay sa may bar at sa may gilid naman ay nagbonfire mga ibat ibang tao sa paligid niya, may nagde-date may nag kakantahan at nagtatawanan. Nagpatuloy nalang siyang maglakad-lakad hanggang sa saan dalhin siya ng kanyang mga paa, napadpad nalang siya sa  napakadilim na bahagi ng resort malayo-layo ito.

Napansin niya ang isang puno na maraming mga alitaptap na kumikinang ito dahil narin sa napakadilim na lugar kaya dali-dali siyang tumakbo papunta roon, di naman siya mapapano may mahigpit na security ang resort nato kaya walang mangyayaring masama sa kanya. Pumunta siya sa puno at umupo siya sa isang malaking bato doon na nakita niya, pinagmamasdan niya lang ang maraming nagsisilipadan na alitaptap sa ganitong paraan nawawala ang lungkot niya sa lugar na tahimik at presko.

Kahit malayo na siya sa bar ay rinig parin niya ang malakas na tambol, sigaw ng mga tao at kanta ng banda. Ang isa sa paborito niyang kanta ang F****n Perfect by
Pink.

"Made a wrong turn, once or twice
Dug my way out, blood and fire
Bad decisions, that's alright
Welcome to my silly life
Mistreated, misplaced, misunderstood
Miss "No way, it's all good", it didn't slow me down"

Gustong-gusto niyang sabayan ang kanta pero naalala niya naman baka may makikinig sa kanya kagaya kanina.

"Mistaken, always second guessing, underestimated
Look, I'm still around
Pretty, pretty please, don't you ever ever feel
Like you're less than fuckin' perfect"

Tinitignan niya ang paligid malayo ito sa mga tao na nagpaparty siguradong siya na walang makakarinig sa kanya.

"May tao ba dyan? Kung may tao man umalis ka." Wika niya pero walang nagsasalita ibig sabihin walang tao. Nagsimula na siyang kumanta at sumabay sa ingay tumayo siya habang kumakanta para siyang lasing gusto niya ang kumanta sa oras na ito. Basta makakarinig siya sa mga paboeito niyang kanta mapapakanta nalang siya iwan ba gusto nila lang.

"Pretty pretty please, if you ever, ever feel like you're nothing
You're fuckin' perfect to me!
You're so mean, when you talk, about yourself you were wrong
Change the voices in your head, make them like you instead
So complicated, look how big, you'll make it
Filled with so much hatred, such a tired game
It's enough! I've done all I can think of
Chased down all my demons, I've seen you do the same---"

Still Into You (COMPLETED)Where stories live. Discover now