15

2K 78 0
                                    

Nagising ako na nakadapa sa isang malambot na kama. Masakit pa rin ang likod ko. May suwero na naman sa aking kamay ngunit hindi na tubig ang sinasalin non kundi dugo.

"Gising ka na." Saad ni Van na nasa gilid ng kama. Magulo ang kanyang buhok at mukha siyang may iniisip na malalim. Maitim din ang ilalim ng kanyang mga mata na parang hindi nakatulog magdamag.

"Nasan tayo?" Tanong ko. Medyo nanlalabo pa ang paningin ko pero agad hinanap ng mga mata ko si Eduardo. Wala siya sa silid. 

"Nandito tayo kila Abigail. Huwag mo na ulit gagawin iyon Ate." Sinubukan kong tumagilid ng higa ngunit nakaramdam lamang ako ng sakit mula sa aking likuran. Nilapitan ako ni Van at tinulungang ayusin ang aking higa.

"Nasaan si Eduardo?" Lumikot ang kanyang mga mata at hindi ko ito mahuli. Alam na alam kong may itinatago siya sa akin. "Nasaan siya?! Ahh!" Napahawak ako sa aking balikat at namalipit sa sakit. Sinubukan kong tumayo pero pinigilan ako ni Van.

"Papunta siya sa museum." Ano ang gagawin niya sa museum? Masyadong delikado. Baka mapahamak siya. Bigla akong napahawak sa aking leeg. Hindi ko suot ang kwintas. Hindi kaya..

"Kailangan ko siyang sundan. Ihatid mo ako doon. Baka kung ano ang mangyari sa kanya." Maluha luha na ako. Naiisip ko palang ang maaaring gawin niya ay nawawalan na ako ng lakas. Huwag naman sana... Hindi ko kakayanin.

Umiling ang aking kapatid at kinumutan ako. "Nag-aalala ka sa kanya pero sa sarili mo hindi? Hayaan mo na siya. Mas mabuti na rin sigurong bumalik siya sa pinanggalingan niya para matigil na lahat ng kababalaghan na ito!" 

Tumitig lang siya sa akin. Pinahid niya ang luhang tumakas sa aking mga mata. "Mahal ko siya." Iyon lang ang naging sagot ko sa kanya. Ngumisi siya at ngumiwi pagkatapos.

"Ano ang magagawa ng pagmamahal na yan Ate?! Papatayin mo lang ang sarili mo! Ang mga magulang nga natin hindi nailigtas ng sinasabi nilang pagmamahal, ikaw pa kaya? Kalimutan mo na siya! Lalayo tayo dito. "

Umiling ako." Saan mo nakukuha lahat ng pinagsasabi mo Alexx Van? Hindi mo pa ba nararanasang magmahal? Ako, bilang kapatid mo, minahal mo ba ako o kaya ka lang nandito dahil kailangan mo ako? At wag mong idadamay ang magulang natin dito dahil kung wala sila, hindi ka mabubuhay. Hayaan mo na akong umalis at kung sakaling mapahamak ako.. Malaki ka naman na, kaya mo na ang sarili mo." 

Pagkasabi na pagkasabi ko ng huling salita ay pumasok si Abigail sa kwarto at nilapitan niya ako. 

Hinawakan ko ang kamay niya at nakiusap."Abigail, pakiusap, ihatid mo ako sa museum." Agad agad siyang tumango. Inalalayan niya akong makabangon. 

"Sasama ako." Saad ni Van ng nasa loob na kami ng kotse. Binuksan niya ang pinto at umupo sa passenger seat.

Mabilis lang ang naging biyahe dahil walang masyadong sasakyan sa daan. Pagkarating namin ay agad akong bumaba. Hindi ko ininda ang pagsakit ng likod ko. 

Walang katao tao sa museum. Rinig na rinig ko ang aking mga yabag. 

"Nagkita ulit tayo." May humawak sa aking leeg at ramdam na ramdam ko ang dulo ng kutsilyo na nakatutok dito."Ngayon sisiguraduhin kong hindi mo na masisilayan ang pinakamamahal mo."

"Ano ba talaga ang kailangan mo Sienna?" 

"Ang librong ibinigay sa iyo ni Dolores. Napakahalaga ng librong iyon sa aming angkan upang magpatuloy ang lahi ng mga bampira." Napapikit ako ng idiin niya ng bahagya ang kutsilyo sa aking leeg.

"W-ala sa akin ang libro." Pagsisinungaling ko. Tumawa siya at lalong hinigpitan ang hawak sa leeg ko.

"Sinungaling! Hindi naman lingid sa iyong kaalaman na nababasa ko ang naiisip mo, hindi ba? "

"Ano ba kasi ang laman ng libro na iyon?"Umiling siya at tumawa ulit.

"Mangmang! Hindi mo pa rin pala binabasa. Hindi mo na kailangang alamin dahil mamatay ka na rin naman!" Inamba niya ang kutsilyo at humugot ng pwersa.

Pumikit na lamang ako at hinintay ang kapalaran. Iba siya kay Eduardo. Kayang kaya niyang pumatay ng walang pag-aalinlangan.

"Tigilan mo iyan!" Narinig ko ang malaking boses ni Eduardo. Napadilat ako't nakitang papalapit siya sa amin at dala dala ang susi."Kundi mo siya bibitawan, sisiguraduhin kong , hindi ka na magiging bampira kailanman." Tumakbo siya patungong main lobby.

Binitawan ako si Sienna at hinabol si Eduardo. Sinundan ko sila. Huwag Eduardo!

Natagpuan ko silang nag-aagawan sa susi. Naglaglag ang susi papunta sa akin. Nangingig ko itong pinulot at pinagmasdan.

"Buksan mo ang pinto Nica!" Sigaw ni Eduardo. Hindi ko kaya. Umiling ako."Buksan mo!" Sigaw niya ulit habang pinipigilan ang nagwawalang si Sienna.

"Subukan mo lang! Hindi mo na makikita kailan man ang mahal mo! Kahit sa kabilang buhay! Magpakailanman!" Garalgal na sigaw ni Sienna.

Nakawala siya sa hawak ni Eduardo at palipad na pumunta sa aking harapan.

"Mas mabuti sigurong patayin na lamang kita gamit ang mga ngipin ko." Tumakbo ako patungo sa pinto. Bumagal ang lahat. Ang pagtakbo ko. Ang pagsigaw ni Eduardo.

Bakit kailangang mangyari lahat ng ito? Sa amin pa? Bakit ang hirap hirap magkaroon ng happy ending? Bakit?

Ang pagpasok ko ng susi sa pinto ay ang pinakamaling desisyong ginawa ko pero iyon din ang pinakatama kong ginawa. Bakit iyon lang ang tanging nagawa ko? Mula una hanggang huli. Tagabukas at sara lang ako ng pintuan.Pakiramdam ko wala akong silbi. Takot ako at walang nagawa ang takot ko sa sitwasyon namin. Nawala lang sa akin ang buhay ko. Nawala lang sa akin ang taong pinakamamahal ko. Mas malala pa ako kay Veronica Rosso. Mas malala pa ako sa lahat ng mga kontrabida.

Tinatanong ko ang sarili ko. Kung hindi ko kaya nabuksan ang pintuan, makakakilala pa kaya ako ng kagaya ni Eduardo Cervantes?

"Mahal na mahal kita , Nica at ng anak natin." Hinalikan niya muna ako bago tuluyang sumarado ang pintuan. Naiwan akong umiiyak. At pinipilit ulit buksan ang pinutan ngunit ayaw na! Bakit? Mas madami pa namang paraan. Bakit iyon lang ang paraan para matigil lahat ng ito?

Nawala ng parang bula si Sienna at ang kanyang mga kampon. Naging headline na naman ang pinto at natakpan nito ang nangyari sa ospital. Araw-araw, gabi-gabi, inuubos ko ang oras ko sa kakaiyak. Bakit? Bakit hindi na lang si Sienna ang ikulong sa pinto kaysa sa mahal ko? 

Maraming naglarong tanong sa aking isipan na alam kong kahit kailan ay hindi na mabibigyan ng kasagutan.

Sinunog ko ang itim na libro na hindi ito binubuklat. Mas mabuti na rin iyon dahil wala naman na iyong pag-gagamitan. Hindi ko kakayanin ang mga malalaman ko doon at hindi na rin naman non maibabalik sa akin si Eduardo.

Hinimas ko ang pinto sa huling pagkakataon. Ilang daang beses ko itong pinilit ulit buksan.. ngunit ayaw na talaga. Masakit isipin na, wala na siya sa buhay ko.

Hinimas ko ang aking tiyan at ngumiti. Sa ngayon, ang anak ko na lang ang nagbibigay ng inspirasyon sa akin. Sa kabila ng lahat ng nangyari, kailangan kong magpakatatag para sa magiging anak ko.

"Ate, aalis na tayo." Hila hila ni Van ang mga maleta namin. Aalis na kami sa lugar na ito upang makapagsimulang muli. May nahanap na kaming kapatid ng aming ama at nagbabakasakaling makahingi ng tulong.

Tumango ako at umalis na sa harap ng pinto. Ito ang umpisa ng bagong buhay naming magkapatid. Sa ibang lungsod. Malayo sa kababalaghan at katatakutan. Malayo sa pinto. Malayo sa kanya. Nananatili pa rin siya sa puso.. at alam kong mananatili kahit ano ang mangyari.

Hindi ko man lang nasabi sa kanyang mahal ko siya kahit sa huling pagkakataon.

------

**Edited:12/24/14

Ang Stalker kong Bampira (Rebooting)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن