1

4.3K 149 5
                                    

"The most famous vampire is, of course, Bram Stoker's Dracula but Sir Alessandro Rosso's Eduardo Cervantes was the most controversial. Pinaniniwalaan kasi na binuhay ni Sir Alessandro ang karakter niya na ito."

Napuno ng bulungan ang paligid. May mga naririnig pa akong tumatawa.

"Eh Ma'am. Di ba vampires are immortal. Kung nabuhay ni Sir Alessandro Rosso si Eduardo,bakit walang bampira ngayon?" tanong ng isang babaeng naka-big eyeglasses at may hawak ng tatlong makakapal na libro.

Tumingin ako sa instructor. Medyo napangiti ito at itinuro ang gintong pinto na may nakaukit na iba't ibang hugis sa kanyang likod. Natahimik ang lahat.

"Dito nakakulong ang bampirang iyon for very long years. And the studies shown na magbubukas ulit ang pinto na ito - in the right time."

Napa-ooooh ang mga estyudante. Ngayon ko lang narinig ang ganung kwento tungkol sa pinto. Nagseryoso ang instructor at laking gulat ko ng lumingon siya sa pwesto ko at dumiretsong tumitig sa aking mga mata. Seryosong seryoso at nag-aapoy ang mga ito. Kulang na lang ang pangil at mapagkakamalan ko na siyang bampira. Samahan pa ng kanyang pulang uniporme.

Bumitiw agad ako sa pagkakatitig niya. Nagtindigan ang mga balahibo ko. Pakiramdam ko kilala niya ako. Pero imposible naman 'yon. Natitiyak kong ngayon lang kami nagkita. 

Nagsalita ulit ang instructor at lumipat sa ibang antiques sa katabi ng pinto. Nakahinga ako ng maluwag.

Itinuloy ko na lang ang paglilinis. Napatingin ako sa malaking orasan na nakasabit sa kahoy na dingding ng museum. Mag-aalas singko na ng hapon.

Iniligpit ko ang mga panlinis at itinabi na. Kung magtatagal pa ako dito baka magkatitigan na naman kami ng wirdong instructor na iyon.

Totoo kaya ang sinabi niya na magbubukas ang pintuan? Tatlong taon na ako dito,bakit hindi pa rin nagbubukas?

"Sab,una na ko. Tapos na shift ko."Kumunot ang noo ni Sab sa sinabi ko.

"Nica, hindi ba nasabi sayo ni Manager na kailangan mong mag-overnight ngayon?"

Napasimangot ako sa sinabi niya.

"Hindi. Bakit daw?"

"Nakaleave yung magbabantay mamayang gabi. Manganganak na yata bukas. Kaya ikaw muna daw. 'Wag kang mag-alala may bonus ka, tiyak!" Ngiting ngiting tugon niya.

Kung wala lang ang wirdong instructor dito, kaya ko namang mag-overnight. Tumingin ako sa may pintuan kung saan papalabas na ang mga viewer.

"Sige na nga. Magbibihis lang ulit ako. Teka hanggang anong oras pa ba ang viewing?"

"Hanggang 6 na lang. "

Tumango ako sa kanya at bumalik na ulit sa locker room. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang titig ng wirdong instructor. Ang mga seryoso at nag-aapoy na mata. Parang may kinikimkim na inis at galit.

Wala namang akong naalalang nagkaatraso ako sa kanya. Hindi naman siya nadulas kanina sa mina-mop ko.

Tsaka ngayon lang siya dito nagawi. Ano kaya problema non?

Pinatay ko na ang mga ilaw pwera na lang sa mga corridors. Ngayon lang ako mag-oovernight dito sa museum. Nakakatakot pala. Naalala ko tuloy ang pelikula na Night at the Museum.

Hinugot ko ang flashlight sa aking bulsa. Naglibot-libot ako sa mga kwarto. Nagpapasalamat ako at hindi nabuhay ang mga pigurin.

Isa na lang ang hindi ko pa nachecheck. Ang main lobby kung saan nakalagay ang Cervantes's Door. Pumasok na naman sa isip ko ang kwento nung instructor. Dapat talaga hindi na ako nakinig sa kanila kanina. Kinakabahan tuloy ako. Paano kung ito pala ang right time na sinasabi niya.

Kailangan ko lang naman itong silipin at icheck. Yun lang. Di naman siguro ito nakamamatay.

Pagkatapat ko dito ay nabighani ako sa kulay at mga ukit nito. Iba't ibang hugis. Para akong nakatitig ako sa isang abstract painting. Kung magpapagawa ako ng bahay, ganitong pinto siguro ang ipapagawa ko.

Wala itong doorknob. Isang malaking susian lang sa gitna. Na pinalilibutan ng kurba kurbang gintong linya.

Naalala ko tuloy ang susing pinamana sa aking ng aking Lola. Ganito din iyon. May pakurba kurbang gintong linyang disensyo.

Inilabas ko ang aking kwintas kung saan nakasabit ang susing tinutukoy ko. Hinubad at itinapat ko sa pinto. Parehas nga!

Parehas nga ng disenyo.

Ilang taon ko na rin iniisip kung saan isususi ang susing ito. Halos sampung taon na rin itong nasa akin.

Isusuot ko na dapat ulit ang kwintas ng may naisip ako.

Kung subukan ko kaya? Pintuan lang naman ito. Hindi naman siguro totoo yug sinabi nung instructor.

Napalunok ako sa aking iniisip. Eh paano kung totoo? Lagot ako.

Kinagat ko na lang ang aking labi sa sobrang niyerbyos. Kaya ko 'to!

Unti-unti kong itinapat ang susi sa pinto. Ewan ko ba. May enerhiyang humihigop sa akin para maipasok ko ang susi.

Nang maipasok ko na. Isang baldeng pawis na ang lumalabas sa akin. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Tama ba itong ginagawa ko?

Iniikot ko ang susi. Naghintay ako kung may mangyayari. Mga ilang sandali na rin siguro.

"Hahahaha. Grabe. Sabi ko na nga ba hindi totoo 'yon!"Hinugot ko ang susi sa nakasaradong pinto. May pakaba kaba pa akong nalalaman. Hindi naman pala totoo.

Tumalikod na ako at aalis na sana ng makaramdam ako ng malakas na ihip ng hangin sa aking likuran.

Naubos na ang laway ko sa kakalunok. Anu yun? Multo?

Lumingon ako at nadatnan ko ang pinto na nakabukas na unti unting sumasara.

Nalaglag ang panga ko sa aking nasaksihan. Kumurap kurap at nagkusot ako ng mata.

Nakasarado ang pinto. Namalik mata lang siguro ako.

Tumalikod ulit ako pero laking gulat ko ng may lalaking nakatayo sa harap ko.

Isang napaka-puting lalaki. Titig na titig siya sa akin. Katulad ng titig ng instructor. Pero ito ay mas nag-aapoy. Mas nakakatakot. Mas seryoso. Mas nakakpanindig balahibo.

---

Ang Stalker kong Bampira (Rebooting)Where stories live. Discover now