16

1.8K 81 3
                                    

4 years later... New York City

Parang panaginip lang na nagdaan ang apat na taon. Sariwang sariwa pa rin sa akin ang ala ala ng nakaraan. Ayoko siyang kalimutan ngunit ayoko rin namang maistock sa mga panahong iyon.

Nakakatakot. Sa sobrang dami ng hiwaga sa mga nangyari, sana naging panaginip na lang iyon. Pero kahit anong isipin ko, alam kong totoong nangyari ang lahat.

"Ate!" Lumingon ako kung saan nanggaling ang boses. Si Van. Dala niya ang mga plastic bags ng ipinabili ko. Malaki ang ngiti niya nang nakita ang ginagawa ko. "Tapos mo na?"

Tumango ako't pinunasan ang pawis sa aking noo. Ibinaba niya ang mga plastic bag sa table bago ako lapitan ulit.

Nanlaki ang kanyang mga mata at lalong lumaki ang ngiti. Pinagbalik balik niya ako ng tingin at sa gawa ko.

"Ang ganda! I'm sure Amanda will like this." Hahawakan niya sana nang pigilan ko siya.

"Hindi pa tuyo." Tumawa ako at niligyan siya ng pintura sa mukha. Sumimangot siya at kumuha rin ng pintura sa color palette ko. Sinubukan kong umiwas pero nalagyan niya pa rin ako sa mukha. Ilang sandali pa kaming ganoon ng may nagdoorbell. Tumaas ang kilay ni Van.

Wala rin siyang ineexpect na bisita.

"Ako na." Umalis siya at nagtungo sa may pintuan. Pagkabukas niya ay sinalubong kami ng malakas na tili.

"Vannnnnnnnnnn!" Sumilip ako't nakita ko si Amanda'ng nakayakap kay Van. Pilit naman ang iwas ni Van sa kanya." I miss you so much!" Hinalikan niya pa sa pisngi ang kapatid ko.

Nang nakita niya ako ay tumakbo siya papunta sa akin at ako naman ang niyakap niya. "Sis! Long time no see!" Fluent na fluent ang kanyang American accent. Hinalikan niya ako sa magkabilang pisngi.

"Mandy, I thought, bukas pa dating mo?" Nakangiwing saad ni Van.

"Well, surprise!" Tatawa tawang sabi ni Amanda. Inayos niya ang blond niyang buhok at inilibot ang tingin sa unit namin ni Van. "O.M.G!" Nagsimula na naman siyang tumili at magtatalon. "Ang ganda ng painting!"

Nilapitan niya ang painting ko. "Huwag mo munang hahawakan! Katatapos pa lang niyan."

"Its so beautiful!" Nanlalaki ang mata niya habang tinititigan iyon.

"Damn." Bulong ni Van pagkalapit sa akin. Humagikgik ako ng bahagya. Surprise niya dapat iyon kay Amanda. Ang alam kasi naming dalawa ay bukas pa dating niya, kinalabasan kami pa pala ang masusurpresa.

"Para kanino 'to Sis? Sa gallery mo uli?" Umiling ako. Siniko naman ako ni Van.

"Akin na lang? Please? Uuwi ko sa Philippines?" Nagpuppy eyes pa siya at hinawakan ang mga kamay ko.

"Sa'yo naman talaga iyan." Saad ko. "Pinagawa sa akin ni Van." Bago pa ako mabatukan ni Van ay umalis na ako doon at nagkulong sa kwarto ko.

Agad ko iyong pinagsisihan dahil nalaglag ang panga ko sa sumalubong sa kwarto ko. Punong puno ng pulang rosas ang kwarto ko!

"Van!" Sigaw ko. Ni hindi ko maigalaw ang katawan ko. Huli itong nangyari nang...nakawala si Eduardo. Sumikip ang paghinga ko.

Pumasok si Van at Amanda. Parehas din silang nagulat.

"May nakapasok?" Tanong ni Van. Lumabas siya. Ichecheck.siguro ang unit namin kung may ibang tao. Pero.imposibleng may taong makapasok sa kwarto ko.

Hinawakan ko ang isa sa mga petal. Nabitawan ko din iyon ng humawa ang kulay nito sa mga daliri ko.

"Babalik ako sa Pilipinas."

Mainit na panahon ang sumalubong sa akin sa labas ng airport. Malayong malayo sa klima ng bansang tinirhan ko ng apat na taon. Hinawakan ko ang susi na nakasabit sa aking leeg.

Ang Stalker kong Bampira (Rebooting)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt