22.1

1.6K 61 0
                                    

"Pero.." Lumambot ang ekspresyon ni Legion.Tumingala siya at piniga ang dulo ng kanyang ilong. Tumingin ulit siya sa akin. Namumula ang kanyang mga mata."Kahit gustong gusto kong maging akin ka,papakawalan at papakawalan pa rin kita para sa kanya."

"Anong ibig mong sabihin?" Hinawakan niya ang mga braso ko. Nanlalamig ang kanyang mga kamay.

"Alam mo? Si Sienna, si Ximena, at lahat ng bampirang nandito. Hindi nila gustong maging halimaw sila. Hindi nila gustong mabuhay sa ganitong paraan. Kasalanan ko ang lahat..." Lumunok siya at nagpatuloy."Kung hindi dahil sa akin, hindi sila mapapabilang sa eksperimento ni Rosso. Itatakas kita dito. Kayo ni Eduardo. Basta, iligtas mo sila. Huwag mong hahayaang tuluyang maging halimaw sila.Ipangako mo sa akin."

Nalilito man ako ay nagawa ko pa ring tumango."Pangako."Ibinigay niya sa akin ang isang gintong bag at tsaka umalis sa harapan ko. Maya maya naman ay dumating si Ximena at dinala ako sa isang silid.

"Mahal kita Veronica. Tuparin mo ang iyong pangako." Bulong sa akin ni Legion. Pinagpapawisan ang noo ko. Kung ano man ang balak niya, sana ay gumana iyon. Kinabig niya ako at tsaka hinalikan. Nasa baiwang ko ang dalawa niyang kamay. Ang dalawa ko namang kamay ay nasa dibdib niya. Kinagat niya ang labi ko upang maipasok niya ang dila niya doon.

Tumigil siya. "Kapag sinabi kong takbo, takbo." Hinawakan niya ulit ang kamay ko. Hindi pa ako nakakabawi sa halik niya ng sumigaw siya."Takbo!"

Napako ang paa ko sa kung saan man ako nakatayo. Inabot pa ng ilang segundo bago ako nakatakbo. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa nasa gate na ako. Naramdaman ko ang presensya ni Eduardo sa aking gilid. Hinapit niya ako sa aking baiwang at tsaka marahas na hinalikan. Para bang may binubura siya doon.

"Eduardo.." Bumitiw ako sa halik at nilipat ang tingin sa kanyang mga mata.

"Ayaw kong may ibang humahalik sa iyo, Nica." Hinawakan niya ang kamay ko at tsaka nagpatuloy sa paglayo sa lugar na iyon. Nilingon ko si Legion. Lahat ng halimaw ay may kwento... Sana ay malaman ko kung ano ang kwento ni Legion at lahat ng bampira sa lugar na ito.

Nakikipaglaban si Legion sa mga kapwa bampira niya. Ang mga nilalang na gusto niyang iligtas. Bumagal ang takbo ng lahat ng makita ko si Ximena. May dala siyang patalim. Papalapit siya sa akin.

"Ikaw babae ka! Dapat ay pinatay na talaga kita!" Inamba niya ang kanyang armas at itinutok sa akin. "Ximena!" Sigaw ng isang malaking boses.
Maya maya ay nakita ko si Legion. Nakahandusay. May patalim sa kanyang dibdib. Nakatulala si Ximena. May itim na likido sa kanyang kamay. Dugo ni Legion?

"L-Legion?" Saad ni Ximena. Huminto ang mga bampira sa paggalaw. Napaupo si Ximena at hinawakan ang kamay pisngi ni Legion.

"Umalis na tayo." Saad ni Eduardo. Yakap yakap niya ako. Pinoprotektahan. Dapat ako ang sasaksakin ni Ximena...Pero humarang si Eduardo at hinarang ni Legion ang katawan niya para protektahan si Eduardo. Isinakripisyo ni Legion ang sarili niya para sa akin at para kay Eduardo.

Tumakbo kami ni Eduardo paalis sa lugar na iyon. Wala na si Legion. Sa maikling panahon, napatunayan kong mahal niya talaga ako.

Himalang walang sumusunod sa amin. Napakatahimik ng daan. Magkahawak pa rin ang kamay namin ni Eduardo. Ang isang kamay niya ay hawak ang flash light na inilagay ni Legion sa bag ko.

"Naalala ko na kung saan ko nakita ang mga bampirang iyon." Simpleng wika ni Eduardo. "Sila ang mga tauhan ko dati sa hacienda." Tumigil ako kaya napatigil din siya. "Sa palagay ko ay pagkatapos akong pag-aralan ni Alessandro ay pinag-eksperimentuhan niya ang mga tao sa aking hacienda."

Mapupungay ang kanyang mga mata. "Wala kang kasalanan." Pinisil ko ang pisngi niya. Pumikit siya at bumuntong hininga." Nasa akin ang libro. Maililigtas natin sila."

"Kailangan nating bumalik." Umiling ako. Ayaw ko ng bumalik doon. Natatakot ako. "Para sa akin, Nica..." Nakalayo na kami. Malapit na at makikita namin ang sasakyan ni Legion. Inilagay niya ang susi sa bag.

" Tuparin mo ang iyong pangako."

Naririnig ko ang boses ni Legion sa utak ko. Pwede na kaming tumakbo ni Eduardo. Magpakalayo layo. Magtago. Mawalan ng pakialam sa mundo.

Sumagi sa isip ko ang mga larawan ng bangkay sa dyaryo, ang nakasalubong ko sa daan. Marami pang mamamatay kapag hindi ko naresolba ang mga bampirang iyon. Baka pati ang kapatid ko. Lahat ng taong mahalaga sa akin,nasa kamay ko ang mga buhay nila.

Inilabas ko ang libro sa bag ko. Tinanglawan iyon ng flashlight ni Eduardo.

Kinuha ko ang flashlight mula kay Eduardo. Tahimik lang siyang nagmamasid sa mga galaw ko. Itinutok ko ang flashlight sa paligid. Natigil ako sa isang babasaging bote. Pwede na 'to. Sana gumana.

"Anong gagawin mo?" Hindi ko pinansin si Eduardo. Binasag ko ang bote at kumuha ng isang malaking bubog. Itinapat ko ito sa aking kamay tsaka hiniwa. Nanunuot ang sakit.Pumikit muna ako bago magsalita.

"Eduardo,buksan mo ang libro." Sinunod naman niya ako. Ipinatak ko ang dugo sa pahina ng libro. Nagliwanag ito at ilang sandali lang ay lumitaw ang mga letra. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko akalaing gagana!

Kinuha ko ang libro kay Eduardo. At binasa ang tatlong salitang nakasulat. Pinto.Libro. Pagsamahin.

------
Post ko maya maya yung part 2.

Soon:Legion Of Ximena(One Shot)

Ang Stalker kong Bampira (Rebooting)Where stories live. Discover now