2

3.3K 129 0
                                    

Lumapit siya sa akin. Mas lalo kong naaninag ang kanyang mukha. Malalim at nanlilisik na pulang mga mata.

Sinubukan kong umatras ngunit naparalisa ang aking katawan. Nais kong sumigaw pero walang boses na lumalabas.

Anong klaseng nilalang ba ang lalaking ito?

 

"Bampira."Buo,malat at nang-aangkin ang kanyang boses. Nabasa niya ang nasa isip ko. Paano? Lumapit pa siya. Isang dangkal na lang ang pagitan namin.

"Dahil bampira ako. Hindi ko akalaing hindi mo na alam ang tungkol sa akin,"Napalunok ako sa sinabi niya. Itinapat niya ang mukha niya sa akin. Kitang kita ko ang panlilisik ng mga mata niya. Lumulutang sa kadiliman ang kanyang balat ,"Matagal din tayong hindi nagkita." Ngumiti siya dahilan upang lumabas ang kanyang mga ngipin. Perpektong linya ng ngipin na may mahahabang pangil.


Gusto kong magwala at magsalita.BAMPIRA! Bampira nga siya. Hindi ako nakakasiguro kung peke lang ba ang ngipin na iyon. At ano ang mga pinagsasabi ng lalaking ito? 

Hindi ko alam ang pinagsasabi niya. Ngayon lang kami nagkita. Ngayon lang ako nakakita ng bampira sa tanan ng buhay ko. Akala ko sa Europa at Amerika lang meron nito. Pati ba sa Pilipinas. Di ba aswang lang ang meron dito? At kahit aswang na nakacostume hindi pa ako nakakakita ng personal. Tapos makakakita ako ng bampira! TOTOONG BAMPIRA NA MAY MAHAHABANG PANGIL!

Basang basa na sa pawis ang aking damit at ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko mula pa kanina. Ang daming sumasagi sa isip ko. Kung papatayin niya  ba ako. Kung napakawalan ko ba siya mula sa pinto. Kung bakit hindi ako makagalaw at makapagsalita.


Sa gitna ng katahimikan naming dalawa ay tumawa siya. Malaki at buong buo. Nakakapanindig balahibo. Paano niyang nagagawang tumawa sa ganitong sitwasyon? Hindi nga siya tao.


Sana biro lang ito. Sana nanaginip lang ako. Sana hindi siya totoo.


Napapikit ako sa kaba at pagdilat ko ,sa isang iglap ay sinasakal na niya ako.  Ang higpit ng pagkakasakal niya at nakita kong nag-iigting ang kanyang braso.

"Si-Sino ka ba?"Hindi ko inaasahan may lalabas na salita mula sa akin.Tumawa ulit siya.

"Hindi mo ako kilala? Ako ang iyong prinsipe. Si Eduardo Cervantes."


Nanlaki ang aking mata. Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa aking leeg. Itinaas pa niya ako. 


"Edua-rdo Cer-vantes?"Tama nga ang aking hinala. Napakawalan ko ang isang Eduardo Cervantes dahil sa aking kagagahan. Bakit ba kasi ako pinanganak na may kuryosidad? 


Hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng hawak niya. Nanlisik at nag-apoy lalo ang mga mata niya. Lalong nagseryoso ang titig niya na kanina'y seryoso na.Galit na galit siya sa akin. Wala pa akong ginagawang masama galit na galit na siya. Hindi pa ako nagbubuhos ng holy water ay galit na galit na ang mga mata niya. Inis,galit at puot lang ang nababasa ko sa kanyang mukha.


"OO! Nagbalik na ako at pagbabayaran niyo ng inyong  ama ang inyong ginawa sa akin." Pahigpit ng pahigpit ang pagkakasakal niya sa akin.


Hinahabol ko na ang aking hininga. Hindi ganito ang gawain ng bampira kapag pumapatay.Kung totoong bampira siya dapat sinisipsip niya ang aking dugo at hindi ako sinasakal.


"Nica! Nica!" nagising ako sa isang malakas na yugyog. Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata. Napadapo ang aking tingin sa malaking bintana. Sikat na ang araw.

"S-Sab?"

Tinulungan niya akong tumayo. Anu ang nangyari? 

Inalalayan niya akong umupo sa upuan ng waiting area.

Napatingin ako sa paligid. Marami nang tao. Sumikip ang aking paghinga nang maalala ko ang nangyari kagabi.

Panaginip lang ba iyon? Buhay na buhay sa isip ko ang mukha ng lalaki-si Eduardo Cervantes. At pati ang pagkakasakal niya sa akin. Ramdam na ramdam ko pa rin ang galit sa kanyang mga mata hanggang ngayon.

"Bakit ka natulog sa sahig?" Nag-aalalang tanong ni Sab.

Umiling ako. Malayo na ako sa Cervantes's Door.Ang huli ko lang natatandaan ay yung pagkakasakal sa akin. Wala na akong ibang maalala. 

"Hindi ko alam." tinapik niya ng mahina ang aking likuran at inabutan ng isang boteng tubig.Tuyong tuyo ang lalamunan ko.  Buti at kaibigan ko itong  si Sab. Lagi niya akong inaalagaan.

"Dapat pala hindi ka na nag-overnight." ininom ko na lang ang tubig.Kung hindi siguro ako nag-overnight ay hindi mangyayari ang nangyari kagabi. Iniisip ko kung panaginip lang ba iyon.

"OO! Nagbalik na ako at pagbabayaran niyo ng inyong  ama ang inyong ginawa sa akin." 

Kung totoo ang nangyari,bakit wala siya ngayon dito. At ano ang ibig sabihin niya sa mga pinagsasabi niya? Yung 'Matagal din tayong hindi nagkita.' Ang hindi pagkakaalala na isa siyang bampira. 

Napadako ang paningin ko sa pinto. Maraming nagkukumpulang tao. 

"Anong oras na ba?"tanong ko kay Sab na kasalukuyang kumakain ng sandwich. Teka,bakit hindi sandwich ang binigay niya sa akin kanina. Pambihira,akala ko pa naman..

"8 pa lang."

"Bakit marami nang tao?" Tumayo na ako at pumunta malapit sa Cervantes's Door. 

"May nangyari kasi." natulala ako sa sinabi niya. Nakalabas kaya ng museum si Eduardo. At bakit nakaupo na ako sa sahig kinaumagahan. Wala na akong maalala.

Lumapit kami sa pinto. Medyo hinawi namin ang mga taong may hawak na malalaking camera at DSLR. Sa sobrang bigla nalaglag ang boteng hawak ko.

"Di makapaniwala ang mga empleyado ng National Museum  sa nakita nilang kalagayan ng  Cervantes's Door kaninang umaga." sabi ng isang babae na may malaking ID na may nakalagay na MEDIA sa harap ng camera.

Nabulabog ang sistema ko. Pati ang kalamnan at isip ko. 

Ano itong nagawa ko? Napakawalan ko ang isang bampirang ikinulong sa mahabang panahon.

"..dahil ang paabstract na disensyo ng pinto sa loob ng humigit kumulang 200 daang taon ay naging isang magarang palasyo." huminto ng kaunti ng reporter at inilapit ang camera sa pinto."Hindi pa rin maipaliwanag ng mga eksperto ang nangyaring ito."

Hindi panaginip ang kagabi. Natitiyak ko na nandito lang siya sa paligid. Alam kong nagmamasid lang siya at naghihintay ng tamang panahon para balikan ako. Bakit hindi niya pa ginawa kagabi? Sa kilos pa lang niya, akala ko hindi na ako makakaabot ng kinabukasan.

Ang karakter na dati'y na sa libro lang ay lumilibot na dito sa kaMaynilaan.  At kagagawan ko iyon. Marami siyang pwedeng gawin na hindi ko na masikmurang isipin.

Nasaan ka  ba.. Eduardo Cervantes?

Ang Stalker kong Bampira (Rebooting)Where stories live. Discover now