13

2.1K 88 1
                                    

"Boo!" Napatalon ako ng bahagya ng may humawak na malalamig na kamay sa magkabilang braso ko.Mabilis ang tibok ng aking puso at ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng pawis mula sa aking noo.

Napalingon ako sa pangahas na si Van at umirap. 

"Oh Ate? Mukha kang nakakita ng multo?" Sinundan niya pa iyon ng tawa. Lumingon ulit ako doon ngunit wala na ang pigura. Hindi ko rin alam kung saan ko nahugot na si Veronica Rosso iyon. Basta na lang lumabas sa bibig ko. 

Napahawak ako sa aking puson ng makaramdam ng matinding sakit. Maya maya'y may tumulong pulang likido pababa sa aking hita.

"Van!" Napatingin agad sa akin si Van at nanlaki ang mga mata.

"Ate!" Iyon ang huling salitang narinig ko bago nagdilim ang lahat.

"Nica.." Idinilat ko ang aking mga mata at nakita ang isang nakangiting babae. Napatayo agad ako ng mapagtantong si Lola Dolores iyon.

"Patay na po ba ako?" Iyon agad ang naitanong ko. Napahawak ako sa aking puson. Wala nang umbok doon.

Ang anak ko! Hindi. Hindi!

"Wag kang mag-alala... Buhay ka. At kasalukuyang mahimbing na natutulog." Pinagmasdan ko ang paligid. Nasa ilalim kami ng isang malaking narra sa gitna ng isang malawak na bukirin. Tanging kaming dalawa lang ang tao at napakatahimik ng lugar kung wala ang mga humuhuning mga Maya.

"Ang an-ak ko?" Nanginginig kong saad.Hinawakan niya ang aking tiyan.

"May mga bagay kang dapat pakawalan upang matupad ang nakatakda." Umiling ako. Hindi ang anak ko! Hindi pa niya nasisilayan ang mundo. Ako na lang! Handa akong mamatay basta mabuhay lang ang aking anak. Ang anak namin ni Eduardo.

"H-indi lahat dapat ay mangyari!" Sigaw ko.

"Nabasa mo na ba ang itim na librong ibinigay ko sa iyo? Maraming nagsakripisyo ng buhay upang maibigay sa iyo yon. Wag kang matakot, dahil sa pagdating ng takdang panahon ... magkakabunga ang lahat ng higit pa sa iyong inaasahan." Nakatitig lang ako sa kanya habang punong puno ng luha ang aking mga mata.

Tumayo siya at lumakad palayo. Sinubukan ko siyang sundan ngunit ayaw gumalaw ng aking mga paa.

Nang bahagya na siyang nakakalayo sa akin ay humarap ulit siya. Nalaglag ang panga ko sa aking nasaksihan.Iisang salita na lang ang lumabas sa aking bibig.

"VERONICA!"

"Veronica! Gumising ka! " Idinilat ko ulit ang aking mabibigat na mata at nakita ang nag-aalalang mukha ni Eduardo. Nakahospital gown pa siya at may suwero pa siyang hawak hawak na kanina pa niya suot. Agad agad kong hinawakan ang aking nakaumbok na tiyan at nakapagpawala ng malakas na hininga. Salamat naman...

Nakasuwero na rin ako at may malaking unan sa aking likod, sa bandang tiyan. Sinubukan ko iyong alisin ngunit pinigilan ni Eduardo ang kamay ko. Luminga ako sa paligid at nakitang wala si Van.

Gusto ko ng umalis sa lugar na ito dahil alam kong lalaki na naman ag gastusin namin. Iniisip ko palang ang mga salaping nawawala habang nandito ako ay gusto ko ng bumangon at magtrabaho agad.

"Hindi ito pwedeng alisin sabi ng doktor."Hindi ako makatingin sa mga mata ni Eduardo dahil alam kong magtatanong siya at hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Dinaanan na naman kami ng katahimikan...Nakatitig lang ako sa kanya habang siya ay nakatingin sa kamay kong nakahawak sa aking tiyan.

"Maayos ang lagay mo at ng bata." Lumipat ang tingin niya sa mga mata ko."Tapatin mo ako,Nica. Anak ba natin ang dinadala mo?" Puno ng pangamba ang kanyang mata. May sumagi ditong galit at lungkot. Bakit siya galit at malungkot? Magagalit kaya siya sa akin dahil nabuntis ako o malulungkot kaya siya dahil hindi ako ang inaasahan niyang magdadala ng magiging anak niya?

Alinlangan akong tumango. Napapikit ako habang naghihintay ng kanyang sagot.

"Hindi pwede."Matigas at mahina niyang saad pero narinig ko pa rin. Inaamin kong nasaktan ako sa sinabi niya. Inaasahan ko rin kasing tatalon siya sa tuwa o kaya nama'y yayakapin man lang ako at sasabihing magiging maayos din ang lahat.

Akala ko ri'y mag-iisip na agad siya ng maipapangalan at makikipagkulitan sa akin kung babae ba o lalaki ang magiging anak namin. Hinihiling ko ring makita sa kanya ang reaksyon ng ibang lalaki kapag nalaman na magkaka-anak na sila. Ngunit nabigo na naman niya ako dahil sa sinabi niya at sa palagay ko, hindi ko kailan man matatanggap mula sa kanya ang mga ganoong bagay. 

Naghintay pa ako sa mga maari pa niyang gawin at sabihin baka magbago ang isip niya ngunit hanggang sa dumating si Van na may dalang makakain ay nakatitig lang siya sa akin. Ayaw niya ba sa baby ko? Bumigat ang paghinga ko at napahawak sa aking dibdib.

Isipin ko pa lang na ayaw niya ay sumasakit na ang puso ko. Kahit ang bata lang kahit wag na ako. Sana matanggap niya ang baby namin kahit hindi na niya ako mahalin.

"Makakalabas na si Eduardo bukas pero ikaw Ate.." Lumipat ang tingin sa akin ni Van at hinawakan niya ang tiyan ko at tsaka ngumiti. "Dito muna kayo ni baby sa ospital. Complete bed rest ka muna ngayon. Ayan kasi, ayaw lumubay sa kakatrabaho."

"Sabi naman ng OB ko okay lang naman daw magtrabaho."Ngumuso siya at inalis ang mabigat niyang kamay sa aking tiyan.

"Lilipat na tayo sa mas magaling na Obegyne. Hindi ka muna magtatrabaho hangga't hindi pa stable ang lahat. Maliwanag?" Tumango ako. Kung makapagsalita ang kapatid ko parang mas matanda pa siya sa akin."At higit sa lahat, bawal ang stress."

Tumingin siya kay Eduardo at napawi bigla ang kanyang ngiti. Nag-iba bigla ang kanyang aurang masiyahin. Damang dama ko ang hindi nakikitang kuryente sa pagitan nilang dalawa.

"Ikaw naman , Edward. Sasama ka sa amin sa bahay."Umigting ang panga ni Van.

"Magtatrabaho ako."Direstong sabi ni Eduardo.

"Natural. Magkaka-anak ka na at hindi ko kayang ipaubaya ang kapatid ko sa hindi responsableng lalaki." Napailing na lang ako at pumikit.

Napuno na naman ng katahimikan ng kwarto. Masama ang titig nila sa isa't isa. Kung wala siguro ako dito ay nagsuntukan na ang dalawang to!

"Tss." Saad ko at tumagilid na lamang ng higa. Sinubukan kong papayapain ang aking diwa ng may malakas na kalabog ang narinig namin mula sa labas ng silid.

Napatayo agad si Eduardo at nilapitan ang pinto.

"Nandito na sila." Tatlong salita lang iyon pero alam ko na agad kung ano ang ipinaparating niya.

----

Salamat sa lahat ng nagbabasa at bumoboto!

Ang Stalker kong Bampira (Rebooting)Where stories live. Discover now