17

1.6K 76 0
                                    

Libro na naglaho.
Susi sa ating laro.
Rosas na pula.
Kwintas mo'y akin na.
Larawan nating dalawa.

Kahit pagbali-baligtarin ko, hindi ko pa rin malaman kung ano ang nais ipahiwatig ng bawat salita.

Patay na si Sab... Napailing ako. Tumatayo ang mga balahibo ko sa katawan kapag naalala kong nakausap ko siya kanina.

Sino ba ang may pakana ng lahat ng ito? Si Sienna? Nawala na lang siya ng parang bula dati.

Kinuha ko ang larawan na nakuha ko sa museum. Inalis ko na ito sa pagkakaframe. Nagtataka man ako kung sino ang kumuha, hindi ko maiwasang titigan ang bawat detalye ng larawan.

Napakaganda. Kitang kita ang kagwapuhan ni Eduardo. Takot na takot pa ako sa kanya nang mga panahong iyon. Ngayon, gustong gusto ko siyang makita. Alam ng mundo kung gaano ko pinagsisihan ang pagkulong ko sa kanya sa pinto.

"Miss, may nakaupo dito?" Naitago ko ang larawan ng wala sa oras. Tinignan ko ang lalaking nagtanong sa akin, 15-17 years old na siguro siya at may hindi katabaang katawan.

Napatingin ako sa paligid. Punong puno pala ang fast food chain na tinakbuhan ko pagkatapos ng nangyari sa museum. At ako lang ang walang kasama. Four seater pa naman ang table na naupuan ko.

"Wala."

"Paupo ha?" Ngumiti siya sa akin. Ginantihan ko din siya ng matipid na ngiti.

Pinatong niya ang tray na dala niya. May laman itong Coke Float, burger, fries at chicken with spaghetti. Tumaas ang kilay ko. Hindi halata sa kanyang malakas siyang kumain.

Tahimik ko na lang ininom ang kape ko at binasa ang dyaryong binili ko sa labas.

'53 dead, 30 missing'

Iyan ang headline sa dyaryo. Simula ng misteryong nawala ang pinto, madami ng namamatay. Walang magawa ang gobyerno sa misteryong pagkamatay ng mga tao. Basta nakikita na lang nilang may kagat sa leeg ang mga biktima at wala ng buhay. Ayon din sa mga pagsusuri sa mga bangkay, halos ga-patak na lang ang natirang dugo sa mga bangkay.

"So creepy noh?" Saad ng lalaki. Napatingin ako sa kanya. Punong puno ang bibig niya ng fries. Nginuya niya muna iyon bago magsalita ulit." Do you think vampires really exists?"

Hindi ko na lang siya pinansin at nagbasa ulit ng mga balita. Simula nung mapahamak kami ni Eduardo dati dahil sa pakikisalamuha ko sa mga estranghero, hindi na ako nakikipag-usap sa mga hindi kakilala.

Kung hindi namin siguro nakilala si Sienna, magkasama pa siguro kami ngayon at may masayang pamilya.

"Once ko lang nakita yung Cervantes Door pero tandang tanda ko pa rin ang itsura. It is so beautiful. Kaya imposibleng may vampire talaga sa loob non." Sabi pa niya.Nagfocus lang ako sa binabasa ko at hindi na lang siya pinansin. Feeling close?

Hindi ba siya nakakahalatang ayaw kong makipag-usap? Nagsalita pa siya ng kung ano ano. Tungkol sa ganon,sa ganire.

Napatigil ako ng banggitin niya ang salitang susi.

"Ano ulit?" Wika ko. Ngumiti siya.

"Sabi ko ang ganda mo." Umirap ako sa hangin.

"Yung tungkol sa susi?"

"That! May Grandma keeps one creepy key like yours." Napatingin ako sa dibdib ko. Nakalitaw pala ang susi na nakasabit sa kwintas ko.

Napalulon ako at hinawakan ang kamay niya. Kinayag ko siya sa labas. Sinigurado ko munang walang tao bago ko siya hinarap.

Ang Stalker kong Bampira (Rebooting)Where stories live. Discover now