12

2K 81 0
                                    

Madaming puno at masukal. Madilim ang paligid ngunit alam na alam kong may nakahawak sa aking kamay. Tumatakbo kami ng mabilis.

Masakit na ang mga paa ko pero hindi pa rin kami tumitigil. Nakarating kami sa gitna ng kagubatan...

May liwanag doon dahil sa sinag ng buwan. Lumuwag ang hawak niya sa akin. Unti unti kong naaninag ang isang mukha... Marami siyang sugat... Tumitingkad ang kanyang balat dahil sa kaputian.. napatingin ako sa kanyang labi na nagdudugo.. may nakalawit na pangil dito.

Nagising ako na hinahabol ang hininga. Ininom ko ang tubig na nasa gilid ng aking kama at pinunasan ang pawis sa aking noo.

Napahawak ako sa aking dibdib. Ang bilis ng tibok ng aking puso.

Pilit kong tinandaan ang mukhang iyon pero lagi akong bigo. Nakikita ko sa aking panaginip ngunit sa tuwing aking paggising.. nawawala lahat ng detalye.

Kumakalam na naman ang sikmura ko kaya naisipan kong kumain muna ng midnight snack. Tiyak din naman kasi na hindi agad ako makakatulog.

Binuksan ko ang TV at hininaan ang volume para di magising si Van. Isang koreanovela ang palabas.

Sa kalagitnaan ng panonood ko ay may kumatok sa aming pintuan. Malakas ang kalabog ng kanyang mga katok. Kinuha ko muna ang walis tambo sa gilid ng pinto bago ito dahan dahang buksan.

"Ahh!" Isang malaking katawan ang bumulagta sa harapan ko pagkatapos kong buksan ang pintuan.

Nakaputing tshirt ito na punit punit. Umupo ako at pinulsuhan ang nakadapang lalaki. Tumitibok pa ang puso niya! Agad agad ko siyang hinarap at ganoon na lang ang gulat ko ng makita ko na siya si Eduardo.

Marami siyang sugat sa mukha at putok ang kanyang labi.

Hinawakan ko ang isa sa kanyang mga sugat dahilan upang mapapitlag siya.

"Eduardo!" Idinilat niya lang ng kaunti ang kanyang mata at napapikit ulit.

"EDUARDO!"

"There is no internal bleeding and stable lahat ng vital signs but we need to observe him for the next 24 hours." Umalis na ang doktor sa kwarto pagkatapos magbigay ng ilang bilin sa amin ni Van.

Umupo ako sa silya sa gilid ng kama ni Eduardo at tsaka hinawakan ang kanyang kamay. Ano ba ang nangyari? Bakit siya maraming sugat? Sino ang may gawa sa kanya nito?

Nag unahan ang mga luhang bumagsak mula sa mga mata ko. Ang tagal ko siyang di nakita tapos ganito pa ang kalagayan niya.

"Ate, hindi naman mamamatay si Edward. Wag kang OA." Tinapik ni Van ang balikat ko.

"Nabigla lang ako. Ang tagal ko siyang di nakita." Gumalaw ang kamay ni Eduardo at unti unti siyang dumilat.

Lumingon siya sa akin at bigla akong niyakap.

"Bibili lang ako ng makakain sa labas." Lumabas si Van sa kwarto at hindi man lang ako hinintay na sumagot.

"Eduardo.."

"Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba nila?"

Kumalas sa yakap niya at nagtatakang tumingin sa kanya.

"Ako dapat ang magtanong sa'yo niyan. Ba't ang dami mong sugat?Nasaan si Sienna at Lola Dolores?" Dumilim ang mga mata niya at tumuwid ang labi. Dapat sa mga oras na ito ay bampira na siya. Pero ngayon , ni isang pangil ay wala.

"Patay na si Lola Dolores.."Nanlaki ang mga mata ko. Inilagay niya ang hintuturo niya sa labi ko upang hindi agad ako makaimik." At si Sienna.. Siya lahat ang may kagagawan nito."

Lalong nanlaki ang nanlalaki kong mga mata. Sumagi sa isip ko ang maamong mukha si Sienna.

Inalis ang daliri niya at sinubukang magsalita.

"Bakit? Paano kang nauwi dito?" Napahawak ako sa aking puson ng makaramdam ng bahagyang kirot. Malaki laki na ang umbok non pero hindi masyadong halata dahil sa damit ko.

"Hindi si Veronica Rosso si Sienna. Bampira din ang  babaeng iyon at siya ang may gawa sa akin nito. " Itinuro niya ang isang sugat niya sa kanyang mukha.

"Nakatakas ako sa kanya at agad agad pumunta sa iyo upang masigurong nasa ayos kang kalagayan. Malaki ang posibilidad na matunton niya tayo Nica. Napakadami niyang mga galamay. "  Bumilis lalo ang tibok ng aking puso.

Hindi ako lalong makapagsalita. Nawala lahat sa aking sistema.

"Masama siya. Napakasama.Kayang kaya niyang pumatay ng walang pag aalinlangan. Nalinlang niya tayo. Hindi ko alam kung bakit niya alam lahat ng nangyari dati. Hindi siya si--"

"Shhh."Tinakpan ko ang bibig niya. Napapikit ako ng kumirot na naman ang aking puson pero hindi ko na muna iyon ininda." Kung hindi siya ang Veronicang hinahanap mo, sino? Sino ang reinkarnasyon ng babaeng iyon?"

Umiling siya at hinawakan ang kamay ko. "Wala na akong pakialam." Tumingin siya ng diresto sa aking mata." Bakit ka umalis nung gabing 'yon? Hindi mo ba alam na labis ang pag aalala ko sa iyo?"

Naalala ko na naman lahat ng sakit at panghihinayang ko. Umiwas ako ng tingin at inilihis na lang ang usapan.

"Patay na si Lola Dolores? "Tumango siya. Nanggilid ang luha ko. Sandali ko lang siya nakasama pero ramdam na ramdam ko ang kabaitan niya.Hindi kaya alam na niya na ganito ang mangyayari? At akala ko ba apo niya si Sienna.

"Pinatay siya ni Sienna dahil naiwala nito ang itim na libro ni Veronica Rosso..." Ang libro. Wala akong sapat na lakas ng loob para buksan iyon. Masyadong iyong mahiwaga at nakakatakot.

Hinawakan niya ang pisngi ko at iniharap ako sa kanya. "Mahal kita, Nica. Hindi ko kayang mawala ka sa tabi ko." Halos bulong niyang saad.Ganoon din ang nararamdaman ko Eduardo pero....

Dinikit niya ang kanyang noo sa akin.

"Mahal na mahal na mahal kita at halos mamatay ako sa pag aalala na baka mahanap at patayin ka ni Sienna. " Ulit niya. Napahikbi ako. Hindi. Hindi niya ako mahal. Ang mahal niya ay ang nakikita niya. Ngayong napatunayan niyang hindi si Sienna si Veronica Rosso kaya nabaling na naman sa akin ang atensyon niya. "Sana, bampira na lang ulit ako ng sa gayon ay mabasa ko ang nasa isip mo."

"Susundan ko lang si Van sa baba." Tumayo ako at umalis sa loob ng kwarto. Nakasandal lang ako sa pintuan ng may naaninag akong pigura.

Makaluma ang suot. Madilim ang mukha pero kitang kita ko pa rin ang detalye. Para akong nakatingin sa salamin ngunit imposible dahil sa ganitong distansya. Diresto ang tingin niya sa akin.

Sinubukan ko itong lapitan ngunit agad ding nawala.

"V-eronica Rosso?"

Ang Stalker kong Bampira (Rebooting)Where stories live. Discover now