Wakas

2.7K 73 2
                                    

Malamig ang simoy ng hangin. Sa halos limang taon, ngayon lang ako nakahinga ng maluwag. Hindi ko namalayang, marami pa lang nakabaong tinik sa puso ko. Si Eduardo Cervantes. Takot na takot talaga ako sa kanya nung una. Hindi ko akalaing mamahalin ko siya ng ganito.

Ako yung taong duwag. Lalo akong naduduwag kapag nakikita kong nahihirapan ang ibang tao para sa akin. Noong ikinulong ko ulit si Eduardo at namatay ang anak namin, bumabangon na lang ako dahil kailangan , hindi dahil sa gusto ko. Doon ko napatunayang duwag talaga ako. Kaya madali akong nagtiwala kay Angelo. Kasi hinahanap ko yung butas sa puso ko. Ang totoo, wala namang butas. Ako lang gumawa ng butas na iyon.

"Malalim na naman ang iniisip mo." Niyakap ako ni Eduardo mula sa likod. Ang halimuyak niya na hindi ko pinagsasawaan ay nanunuot sa akin ilong.

"Kaya pala madaling madali kang makabalik dito sa Manila ha?" Humalakhak ako ng halikan niya ako sa aking leeg.

"Kailan tayo magpapakasal?" Tanong niya. Natigilan ako. Hindi ko pa naiisip ang pagpapakasal pero alam kong doon kami patungo.

"Kung kailan mo gusto." Simpleng saad ko na lang.

"Bukas kaya?"

"Pwede din." Hinalikan ko siya sa labi. Hindi ko pagsasawaan ang mga labing iyon.

"Nica, may hindi pa ako nasasabi sa iyo." Napatigil ako.

"Ano iyon?"

"Sunog na talaga ang orihinal na itim na libro." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ano?!" Bumilis ang tibok ng puso ko.

"May kaibigan akong nakilala dati. Siya ang tumulong sa akin upang mapaikli ang talab ng pagiging bampira ko." Bumuntong hininga siya."Bukod kay Veronica Rosso, siya lang ang may kopya ng susi ng pinto. Napakatalino niya. At sa palagay ko siya ang gumawa ng librong iyon."

"Sino siya Eduardo?"

"Siya si Emelita Trinidad." Nag-iwas siya ng tingin. May hindi pa siya sinasabi sa akin."Matagal na iyon ngunit alam kong ginawa niya ang librong iyon dahil sa akin. Hindi man niya inamin...Nabasa ko sa isip niya na mahal niya ako."

"Bakit mo sinasabi sa akin to?"

"Umm. Dahil nais kong makilala mo ang mga babaeng dumaan sa buhay ko." Hinalikan niya ulit ako. Masaya ako. Hindi ko alam kung bakit. Basta masaya lang ako.

"May sasabihin din ako sa iyo Eduardo..Lola ng lola ko si Emelita Trinidad. Laging siyang bukambibig ng lola ko dati nung nabubuhay pa siya."

"Ano sa tingin mo ang ibig sabihin non?"

"Wala na akong pakialam." Hinalikan ko siya. Mahal na mahal ko ang lalaking to. Mahal na mahal na kahit ano kaya kong gawin. Patawad..Veronica Rosso. Nasa akin na ang mahal mo.


"Kailangan ko ng tulong mo." Inayos ko ang aking mga gamit at pinagmasdang mabuti ang babaeng naligaw sa aking tindahan. Naka baro't saya siya at nakabalabal ang ulo. Tanging mata niya lamang ang aking nakikita.

"Ano iyon?" Bago niya alisin ang kanyang balabal ay luminga linga muna siya sa paligid. Nang mapagtantong walang ibang tao ay tsaka pa lamang siya nagsalita.

"Nabalitaan kong manggagamot ka raw. Kailangan ko ng isang gamot."

"Anong gamot ba ang kailangan mo? Mayroon akong pangontra sa lagnat, ubo, sipon, tigdas."nilapit ko ang mukha ko sa kanya at ngumisi." Mayroon din akong panggayuma at pangontra kulam."

Nanginginig ang kanyang mga mata at kagat kagat ang labi. Inayos ko ang aking upo at itinuro sa kanya lahat ng aking mga gamot.

"Sa tingin ko'y hindi mo pa nagagawa ang kailangan ko." Ibinagsak ko ang aking mga kamay sa lamesa at tumawa.

Ang Stalker kong Bampira (Rebooting)Where stories live. Discover now