10

2K 88 0
                                    

Sumulong si Sienna sa tubig at lumapit sa amin. Hindi ako makahinga at hindi ko rin maigalaw ang katawan ko. Ngayon, sigurado na akong ako mismo ang kumukontrol sa sarili ko. 

Mas naaninag ko ang namamaga niyang mga mata. Galing sa iyak? Umakyat siya sa bato at tsaka nilapitan si Eduardo.

"Naalala ko na ang lahat , Eduardo, mahal ko." Hinawakan niya ang kamay ni Eduardo. Inaasahan kong bawiin niya ang kamay niya mula sa babaeng iyon pero hindi niya ginawa. Tinitigan niya si Sienna. Malalim ang kanyang mga titig at kinikilala ito. Maya maya'y kumislap ang kanyang mga mata.

Napalulon ako.

Ganoon din ba siya kapag tumitingin sa akin? Gusto kong maglupasay, magwala at tangayin siya paalis sa lugar na iyon pero ang tanging nagawa ko lang ay pagmasdan silang dalawa.

"Patawad dahil ikinulong kita. Patawad, mahal ko." Umiiyak na si Sienna sa kanyang harapan. Niyakap niya ito at hinalikan ang noo. 

Umalis na ako bago pa ko maksaksi ng di ka aya aya. Ang bigat bigat ng dibdib ko ng makalabas ako ng manggahan. Tanging ilaw lang poste ang nagliliwanag sa daanan. 

Huminga ako ng malalim. Tapos na ang misyon ko? Nagkasama na silang dalawa.

--

"Kilala ko si Edward, hija." Salubong sa akin ni Lola Dolores nang kalalabas ko lang ng kwarto. Napakunot ang noo ko at tinitigan ang matanda.

"Siya si Eduardo Cervantes di ba?" Saad niyang ikinabigla ko. Ngumiti siya ng hindi umaabot sa mata at hinawakan ang kwintas na suot suot ko."At ikaw ang naglabas sa kanya?"

"P-Paano niyo po nalaman?" Hindi ko inalis ang titig ko sa kanya. 

"Hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga ay magkasama na sila ni Veronica Rosso. Nagkalat ang mga bampira dito, hija simula ng lumaya si Eduardo." Kumunot ang noo ko. Hindi ba't si Eduardo lang ang bampirang nabubuhay.

"Hindi ko po kayo maintindihan."

"Tumigil sila sa mahabang panahon dahil nakakulong si Eduardo, ngayong nakalaya siya... Bumabalik na naman sila.May sasabihin akong sekreto ng aming pamilya, hija."Halos bulong na lamang ang lumabas sa kanyang bibig ang mga huling salita."Kami ang tagapangala ng pintuan at isa ka sa amin. "Ipinakita niya ang kanyang kwintas na may susi.

Parehas ito ng sa akin. Nanlaki ang mata ko at hinawakan ang kanyang kwintas. Parehas na parehas.

"Kailangan na niyang maalala ang lahat. Bago mahuli ang lahat. Kailangan ng maging tao ni Eduardo." Nakikiusap ang kanyang tinig. 

Niya? Noon ko napagtantong hindi ako ang reinkarnasyon ni Veronica at kahit kailangan ay hindi magiging.

"Sino po siya?" Mahinahong tanong ko kahit na nagwawala na ang aking sistema.

"Si Sienna."

--

Tahimik ang kubo ng makadating ako. Hindi ko rin alam na kaya kong lakarin ang ganoong kalayo. Lutang na lutang ako. Maraming sumasagi sa isip ko na hindi dapat.

Pumasok agad ako sa kwarto na inilaan sa amin ni Eduardo ni Lola Dolores. Inayos ko ang aking mga gamit at tsaka lumabas ulit. Nakasalubong ko si Lola Dolores na may hawak na tasa.

"Aalis na po ako." Sabi ko sa kanya at pilit ngumiti. Dapat ay matuwa ako dahil nakakilala ako ng isang malayong kamag-anak. Lumapit siya sa akin.

"Salamat, Nica." Ngumiti siya.Ibinigay niya sa akin ang isang itim na libro. Wala sa loob na kinuha ko iyon. Halatang luma na ito.

"Nakasaad dito lahat. Masyado na akong matanda para pangalagaan ito." Inilagay ko ang libro sa aking bag at tsaka binaling ang pansin kay Lola Dolores.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at pilit pinipigilan ang aking mga luha. Mahirap pakawalan si Eduardo pero kung sa kanila ko naman siya ipapaubaya, makakahinga ako ng maluwag.

"Mahal mo na ba siya hija?" Tanong ng matanda. Dahan dahan akong umiling. Nagbagsakan na ang mga luha ko. Pinunasan niya ito ng kanyang panyo.

"Salamat po sa  lahat. Alagaan niyo po siya." Tumango siya at sapat ng sagot iyon para mapanatag ako.

Hating gabi na ng makarating ako sa apartment namin. Tahimik sa loob pero may ilaw. Nandyan na kaya ang kapatid ko? 

Hindi na babalik sa dati ang tahanan namin. Mag-isa na naman pala ako kapag naghihintay kay Van na umuwi.

Wala na pala akong ipagluluto ng adobo at matatahimik na ulit ang TV.

Napabuntong hininga ako. Pinihit ko ang door knob at laking gulat ko ng sumalubong sa aking ang napakaraming puting rosas. Sakop na sakop nito ang buong sala ng apartment katulad din nung napakawalan ko si Eduardo.

Napaupo ako sa sahig. Nakita ko ang sarili kong umiiyak na naman. Para lang sa kabutihan ng nakararami ang ginawa ko kahit ayaw ko siyang mawala sa tabi ko..

Hinawakan ko ang isang petal ng rosa at inamoy ito. 

"Ate?" Narinig ko ang tinig ni Van mula sa likod ko. Kauuwi niya lang? Nilingon ko siya.  Nagtataka ang kanyang ekspresyon. Lumuhod siya sa tapat ko at pinunasan ang mga luhang kanina pa tumutulo.

"Nasaan si Edward?" Umiling ako at tinakpan ang aking mukha. Ayaw ko ng maalala lahat ng nangyari. Ayaw ko na siyang maalala.

"Saan galing ang mga ito?" Mahinahong tanong niya. Umiling ako. Hindi ko din alam. Tiyak na hindi ito galing kay Eduardo. Nahanap na niya si Veronica Rosso-ang minahal,minamahal, at mamahalin niya. Wala na siyang pakialam sa akin. Siguro ay nagsasaya na sila ngayon at hindi man lang napansin ang pag-alis ko.

"Ate naman... Magsalita ka." Gusto kong magsalita. Ilabas ang lahat ng nasa loob ko ngunit may kung anong nakaharang sa lalamunan ko. Niyakap na lamang ako ni Van at pilit pinatahan.

Nagising ako na nasa kwarto na ako. Masakit ang ulo ko at ayaw ko pang bumangon. Nakatulog ako sa kakaiyak kagabi. Nabuhay ako ng mas mahaba ng wala siya sa tabi ko kaya kakayanin ko pa rin mabuhay kahit wala na siya sa akin.

Bumangon ako at dinungaw ang orasan. Late na ako sa trabaho at hindi ko pa din alam ang pwedeng maidahilan kung bakit hindi na babalik si Eduardo sa museum. 

Tumayo ako at nagtungo sa kusina. Nakita doon si Van na nagluluto. Nakasando lang siya at nakajersey shorts. Siya ang mayroon ako na alam kong hindi mawawala.

"Ano ang niluluto mo?" Dinungaw ko ang niluluto niya.

"Adobo." Smpleng sagot niya. Natigilan ako at napatitig sa kawalan. Umiling ako at niyakap na lang mula sa likod ang kapatid ko.

"Malaki ka na talaga. Sanay ka nang magluto."

"Ate, hindi ako makahinga." Tumawa ako ng bahagya. Napabitiw ako sa pagkakayakap ko sa kanya ng bumaliktad ang sikmura ko. Nagdiretso ako sa lababo at doon sumuka ng wala. 

Naramdaman ko ang kamay ni Van sa likod ko. "Okay ka lang?"

Hindi ako nakasagot dahil patuloy ang pagduwal ko. 

"Ate,pansin kong tumataba ka.." Humarap ako sa kanya." Lumalaki din ang balakang mo." Napakunot ako ng noo." At late ka ng nagigising ngayon."

Napalulon ako. Mukhang alam ko na kung saan pupunta ang usapan na 'to.

"Buntis ka ba?"

Ang Stalker kong Bampira (Rebooting)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora