7

2.5K 89 1
                                    

Magulo. Maingay. Madilim. Paulit-ulit na pangyayaring gumugulo sa isipan ko mula sa aking pagkabata.

Lagi kong napapaginipan ang isang lugar. Maraming puno at madamo. Bangungot na naging ordinaryong panaginip na lang sa pag lipas ng panahon. Malabo ang mukha ng mga tao at parang nasa sinaunang panahon ang mga tahanan. 

Reinkarnasyon. Totoo ba ito? Hindi ko din alam. Basta ang alam ko lang ay binibigyan ako ni Eduardo ng mga pakiramdam na hindi ko pa nararansan kailan man. Masaya ako kapag kasama ko siya kahit noong una ay takot na takot ako sa kanya. 

"Hindi ka ba nagugutom."Saad ko sa kanya. Hinigpitan niya lang ang yakap niya sa akin at tsaka pumikit na tila nagpipigil na naman ng sakit.Nandito kami ngayon sa kwarto ko at magkayakap. Ang tanging naalala ko lang bago kami napunta sa ganitong posisyon ay nakita ko siyang namamalipit sa sakit sa sala habang lumulubog ang araw.

Hindi ko kayang makita siyang nasasaktan. Kung pwede lang ibigay niya sa akin lahat ng sakit.

"Kumain naman na tayo kanina." Malalim at garalgal ang kanyang boses. Inamoy amoy niya ang aking buhok at tsaka ngumiti. Pero halata pa rin ang hirap niya.

"Hindi. Hindi sa pagkain. Gutom ka ba sa dugo?"Hindi siya sumagot. Simula nung umalis kami sa building, hindi na siya umaalis ng bahay tuwing nagiging bampira siya. Sa kwarto na lang siya nagmumukmok habang nakatingin sa langit.

Kumalas ako sa pagkakayakap niya at inilihis ang ko ang aking buhok upang malitaw ang aking leeg. "Gusto mo,dugo ko na lang?Alam kong nahihirapan ka na." Umiling siya.

"Hindi. Kaya ko pa namang kontrolin at ipinangako kong hindi na kita gagalawin." 

"Pero--"

"At baka mamatay ka."

Hindi na ako umimik at hinaplos ko na lamang ang kanyang napakaputing mukha. Kung ako nga ang reinkarnasyon ni Veronica Rosso, paano ko maalala ang lahat?

At kung nagkataon lang na kamukha ko si Veronica , mananatili kaya siya sa tabi ko? Hindi ko maisip ang gagawin ko kapag nawala siya sa akin.

"Ate?" Napabalikwas ako ng tayo ng marinig ang boses ng kapatid ko. Nilingon ko si Eduardo na mahimbing ang tulog sa kama.

"VAN!Akala ko sa isang linggo ka pa dadating." Gumalaw si Eduardo at unti unting idinilat ang mga mata.

Nang makita niya si Van ay agad siyang napatayo at kinuwelyuhan ang kapatid ko.

"Eduardo,kapatid ko siya!" Pigil ko sa kanya. Kumalma naman siya at binitiwan si Van.

Ang kapatid ko naman ay ang laki ng ngisi. Parang nanalo sa lotto!

"Mag-uusap lang kami,Eduardo." Iniwan namin si Eduardo at pumunta sa sala.

"Isang buwan lang ako nawala, may asawa ka na?" Hinawi ko ang bag niya na nakalagay sa yantok naming silya at tsaka umupo.

Paano ko ba sasabihin sa kanya,sa pinaka hindi nakakatakot na paraan,na may bampira kaming kasama sa bahay?

"Hindi ko siya asawa."

"Live in partner?" Umiling ako.

"Boyfriend?" Iling ulit.

"Friends with benefits?" Todo todo ang iling ko at hindi na napigilang pingutin ang tainga ng magaling kong kapatid.

"Eh ano?"

"Siya si Eduardo Cervantes. Yung karakter ni Alessandro Rosso."

Humagalpak siya ng tawa. Sapu sapo pa niya ang kanyang tiyan.

"Bampira yon di ba? Paano magkakaron ng bampira sa Pilipinas? Eh ang init init dito."

Pinagpatuloy niya lang ang pagtawa. Tumigil lang siya nang makita ang seryoso kong mukha.

"Seriously?"

Umiling na lang ako at ngumiti. Niyakap ko siya ng napaka higpit at hinalikan sa pisngi. Ang tagal ko din siyang hindi nakita at nakokonsensya ako dahil hindi ko siya masyadong natatawagan sa mga nagdaang araw.

"Sabi ko na eh. Nanlalambing ka lang. Baka magselos yung bampira na katabi mong natutulog kanina. Ang samang makatingin sa akin."

Kumalas ako sa yakap niya at hinarap si Eduardo na ang sama ng tingin kay Van.

"Bro! Kapatid ako, hindi karibal." Itinaas pa ng kapatid ko ang dalawa niyang kamay. "Tsaka na lang kita iinterrogate, may pasok pa ako eh."

"Pasok? Hindi ba pwedeng kumain ka muna?"

"Naku! Malelate na ako,Ate. Sa school na ko kakain." Hinalikan muna niya ako sa pisngi at tinapik ang balikat ni Eduardo bago dali daling umalis sa loob ng apartment.

Huminga ako ng malalim at tsaka hinarap ulit si Eduardo.

"Kamukha niya si Alessandro." Diresto niyang saad. Tumikhim ang kanyang bagang. Ako nama'y napalunok. Iyon ba yung Alessandro Rosso na manunulat?

"Kamukha lang. Kapatid ko siya." Hindi siya umimik ng ilang sandali. Tinitigan niya lang ako.

"Siya ang dahilan kung bakit ako bampira ngayon, Veronica." Napalunok ulit ako. Nawalan ako ng mga sasabihing salita.

"Sinasabi mo bang reinkarnasyon ni Alessandro si Van?" Nanginginig ang katawan ko.

Hindi siya nagsalita. Hindi rin ako nangahas na magbanggit pa ng kahit ano. Umalis na lamang ako sa harapan niya.

Pero sinundan niya ako hanggang sa kwarto ko.

Hinawakan niya ang braso ko at tsaka ako hinarap sa kanya.

"Hindi ko sinabing reinkarnasyon siya ni Alessandro. Mabait ang kapatid mo, malayong malayo ang ugali nilang dalawa."

"Eh kami? Malayong malayo din ba ang ugali naming dalawa?" Naguluhan siya nung una ngunit maya maya'y naunawaan na rin niya ang nais kong sabihin.

"Nagseselos ka ba?" Nagseselos? Hindi. Wala sa bokabularyo ko yan. Pwede ay naiinis sa sarili ko. May mga bagay kasi akong hindi maintindihan.

Umiling ako.

"Ikaw lang ang babaeng minamahal ko."

"Ako nga ba? O yung babaeng nakikita mo sa akin?" Siya na rin ang nagsabi di ba? Na si Veronica lang ang mahal niya. Yung babaeng nagkulong sa kanya sa pinto.

"Hindi mo lang maalala pero ikaw pa rin yung babaeng minahal,minamahal, at mamahalin ko."

"Paano mo ba nasisiguro na ako ang reinkarnasyon ni Veronica?"

Ngumiti siya at idinikit niya ang kanyang noo sa akin.

"Dahil sinabi mo." Teka, kelan ko sinabi. Wala namang pinapatunguhan itong usapan namin. "Alam mo kung saan ang Nueva Ecija?" Tumango ako. "Mabuti. Dahil, pupunta tayo don bukas."

Ang Stalker kong Bampira (Rebooting)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن