36. Death Saved Us

404 25 31
                                    

"Success is like being pregnant. Everybody says congratulations but nobody knows how many times you were fucked."

Chapter Thirty-Six:DEAHT SAVED US

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter Thirty-Six:
DEAHT SAVED US

3RD PERSON's Point Of View

"Please evacuate the hospital immediately, this is an emergency situation."

"Please evacuate the hospital immediately, this is an emergency situation."

"Please evacuate the hospital immediately, this is an emergency situation."

Sa gitna ng kaguluhan at pagkataranta, tumatakbo si Heather hanggang sa kaniyang makakaya upang mabilis na marating ang kwarto ni Riegan.

Pagdating nya ay agad nyang nakita ang nakaratay nyang kaibigan. Walang doctor o nurse ang naka-isip na ilabas ito. Gusto nyang magalit pero wala syang panahon, at mas dapat nyang pagtuunan ang kaniyang misyon.

Inilibot nya ang tingin sa paligid. Nang makita nya ang isang paper bag na nakalagay sa isang sulok ay maingat nya itong kinuha at sinilip ang laman...

Hindi sya nagkamali, iyon ang bomba!

Nakaisip sya ng plano. At sana lang ay gumana ito. Nagtungo sya sa elevator ngunit punong-puno ito sakay ang mga nurse at pasyente. Wala syang ibang pagpipilian kundi gamitin ang emergency exit ng hospital. Mahaba-haba pa ang aakyatin nya. Pero hindi ito ang panahon na atupagin nya ang pagod. Maraming buhay ang nakasalalay.

At dapat syang kumilos!

Sa kabilang dako ay matagumpay na nahanap ni Lysandro at ng kaniyang team ang abandonadong warehouse na tinutukoy ni Heather.

Nagtataka sya kung paano nito nalaman ang mga impormasyon na ibinigay nito. Ngunit wala syang ibang mapagpipilian kundi pagkatiwalaan ang dalaga kahit sa naging desisyon nito sa kaso ng lalaking naka-itim. Hindi nya maintindihan ang naging katayuan ng dalaga. Totoong wala ng ibang finger print na nakita sa kutsilyo kundi kay Dallia Gomez lamang. Hindi nila alam kung bakit iyon nangyari gayong nakita nilang hawak ng lalaki ang kutsilyo nang dumating sila. Ngunit bilang isang witness, si Heather lamang ang makakapagsabi ng totoo dahil si Teeron na isa pang witness ay nasa isang kritikal pang kalagayan.

Sisiguruhin nyang makaka-usap muli ang dalaga tungkol sa mga bagay na ito.

"Men move!" Sigaw nya sa mga kasamahan nya na ngayon ay papasok na sa abandonadong gusali.

"Look closely!"

Patuloy nilang binabaybay ang hagdan tungo sa ikalawang palapag habang nananatiling mapagmatyag sa paligid. Isa-isa nilang binubuksan ang bawat kwartong nadadaanan.

Hindi alam ni Lysandro kung anong naghihitay sa kanila o kung ano ang makikita sa pagpasok nila sa kwartong tinutukoy ni Heather. Ngunit alam nyang may basehan ang mga sinabi nito kaya pinuntahan nila ang building habang ay iba nilang kasama ay hinaharap ang sitwasyon sa ospital.

The Man In Black ✔️Where stories live. Discover now