20. Missions

164 30 23
                                    

"Sometimes you have to act like a fool to fool the fools who think they're fooling you."

Chapter Twenty:MISSIONSDedicated to akiliciousz

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter Twenty:
MISSIONS
Dedicated to akiliciousz

Heather's Point Of View

Napahikab ako at nag-unat kasi pakiramdam ko bibigay na mga ang mata ko ano mang oras. The sun's down and nagsimula na nga ang oplan anti-man in black. Pero gawa-gawa ko lang yun, wala kasing pangalan ni ang operation na'to. Kasama ko sila Rack, Riegan at dalawa pang member ng team. Nasa fieldwork sila Teeron at ang iba pa.

Inatasan sila ni Sir Lysandro na makipag-ugnayan sa ibang ahensiya upang makahukay ng impormasyon sa lalaking nakaitim, and quite possibly isa na don ang paghahanap ng witness. Ugh, hirap non.

Speaking of the head, nasa loob sya ng opisina nya. Iyon ang dating opisina ni ma'am Laura. Dahil salamin ang nagsisilbing pader ay kitang-kita ko mula dito na mayron syang ginagawa at nasa computer lang ang atensiyon kanina pa.

Pag tinitingnan ko si Sir Lysandro, may taong pumapasok sa isip ko. Parehong-pareho kasi sila.. strong personality and stern.

Mas malala nga lang si Sir Lysandro.

"Oh."

Nagtaas ako ng tingin sa taong naglapag bigla ng kape sa mesa ko saka ako napangiti...

"Salamat Riegan."

"Wag mo 'kong kunin sa ngiti Heather. Trenta 'y sinco pesos yan." Iritado nyang sabi.

Napa-irap ako saka kumuha ng pera sa pitaka at binato sa mukha nya. Naglapag din sya ng kape sa mesa ng iba at naningil na naman ng bayad.

Oportunista ang isang yan. Alam kong bente pesos lang 'to sa tapat, dinagdagan nya dahil kurakot din sya. O kaya sya lang nagtimpla neto, renecycle nya lang ang mga baso.

Nilibre nya na sana yung sa 'kin dahil bukod sa partner nya 'ko e ang ganda ko pa! San sya hahanap ng partner na mas gaganda pa sa'kin?

"Team Bravo detected movements!" Biglang sabi ni Rack kaya agad kaming napatakbo sa kaniya na nakaharap sa monitors. Pinindut ko ang speaker upang marinig namin ang pinagu-usapan nila.

"Ano na?" He spoke to the mic matapos ang ilang segudong paghihintay.

"Confirming... confi– negative, Alpha. Asong gala lang." Isang boses mula sa speaker. Himinga ako ng malalim at pinindot ang activator ng mic.

"Hang in there guys." I released the button at pinindot ko ulit.. "This is Alpha. Team Charlie, over?" Dalawang teams kasi ang assigned for surveillance ngayon. Bravo malapit sa tulay at Charlie malapit sa eskinita. Kanina pa sila ron, malamang inaantok na mga yun. This setup is important para pag may nakalusot sa Charlie, may Bravo na naghihintay sa loob.

The Man In Black ✔️Where stories live. Discover now