23. The Past Unworthy to Bury

152 29 24
                                    

"If you're good at something, never do it for free."

Chapter Twenty-Three:THE PAST UNWORTHY TO BURYDedicated to Queen_jashine

Hoppsan! Denna bild följer inte våra riktliner för innehåll. Försök att ta bort den eller ladda upp en annan bild för att fortsätta.

Chapter Twenty-Three:
THE PAST UNWORTHY TO BURY
Dedicated to Queen_jashine

Heather's Point Of View

"Ms. Heather, tama na yan." Hindi ko pinansin ang effort ni Kris na pigilan ako.

Tulala lang ako habang nagsasalin ng alak sa baso tapos diretsong linalagok, saka magsasalin ulit at iinom ulit... paulit-ulit lang.  Tatlong bote na ang naubos ko. Dumiretso ako pinagtatrabahuang restobar ni Kris matapos ang nangyari kanina. Isang itong restaurant na nag-seserve din ng alak kaya naging restobar. Simple as that.

Sa mismong harapan ng counter ako nakaupo. Reserved na sa akin ang pwestong ito. Hindi lang dahil kay Kris kundi dahil suki ako rito.

"Ms. Heather, please." Muli nya akong pinigil. Sa pagkakataong 'to ay nagawa nya ng hawakan ang pulso ko na may hawak na baso. "Hindi mabuti sa 'yo iyang gingawa mo."

Nang tingalain ko sya, hindi ko na sya masyadong maaninag... nahihilo na 'ko.

"May problema ako at natural na ito ang ginagawa ko, kaya wag kang mangi-alam." Mataray kong piniksi ang hawak nya sa akin.

"Then sabihin mo, Ms. Heather. Ilabas mo kung ano'ng problema. Dahil sa 'yo ba't nandito ako at may mabuti ng buhay ngayon. Utang na loob ko sayo lahat kaya gagawin ko ang dapat para lang makatulong. Hindi ako titigil kakapilit sa 'yo at hindi ako aalis dito."

Sandali ko syang tinitigan, tapos natawa ako ng malakas kasi ang seryoso nya masyado. Anyare sa lalaking 'to? Ba't parang ang concerned masyado? Gusto ko pang tumawa ng tumawa... kaya pinilit ko ang sarili na matawa kahit walang nakakatawa.

Nagmukha akong baliw sa loob. Wala naman masyadong nakapansin sa akin dahil maingay ang paligid. Lumipas na ang ilang minuto, at unti-unti nang napalitan ang mga tawa ko ng hikbi.

"Letseng lalaki yun! Ang kapal ng mukha nyang gawin yun! Sino ba sya sa tingin nya? Baguhan pa lang sya tapos ganun na ang inaasta?! Tss. Walang modo. Ayoko ko sa kaniya, ayoko ng bumalik sa letchugas na prisintong yun."

Tinunga ko ang mismong bote ng alak saka ako napatingin kay Kris dahil nawalan sya ng imik. Sa iisang direksiyon lang sya nakatingin at napansin kong napaka-talim ng mga mata nya... na para bang may mali syang narinig. Para bang may galit syang kinikimkim sa isang bagay.

"Kris?"

Nqpabaling sya sa akin saka biglang ngumiti. Wala na ang matalim nyang awra kanina. Kinabahan nga ako bigla dahil dun. Mas temperamental pa ata sya kesa sa kapatid ko. Kaya bagay sila!

"Ayos ka lang?"

"Ako ang dapat nagtatanong n'yan sa 'yo. Ayos ka lang ba, Ms. Heather?"

The Man In Black ✔️Där berättelser lever. Upptäck nu