11. When Conscience Strikes

279 50 67
                                    

"Don't bring people very close to your heart. Because the problem with close people is they know exactly where to hit."

CHAPTER ELEVEN: When Conscience StrikesDedicated to MsConnected101Lunaticisfckinme

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

CHAPTER ELEVEN:
When Conscience Strikes
Dedicated to MsConnected101
Lunaticisfckinme

Laura's Point Of View

"Hindi ko 'yun ginawa.."

Nang marinig ko ang mga katagang iyon pakiramdam ko'y naninagas ako sa aking kinauupuan. Nakatitig sya sa akin at nanatili rin akong nakatitig sa kaniya. Hindi ko maiwas ang aking paningin.

Hindi ko rin alam kung namamalikmata ako, pero nasaksihan ko ang pag-iiba ng kulay ng kaniyang mga mata. Mula sa nakakalulang itim ay bigla iyong naging pula!

"Narinig mo ba Laura? Hindi ko 'yun ginawa..."

Naramdaman ko ang pagtulo ng malamig na pawis sa aking pisngi nang makita ko ang ngisi sa kaniyang labi. Muli ko na namang narinig ang mga katagang iyon.. hindi ko alam kung paano nya nalaman, p-pero baka naman ay nagkataon lang? Hindi pwedeng alam nya ang tungkol do'n!

Nanlabo ang aking paningin at ilang beses akong napakurap.. ngunit pagdilat ko sa ika-anim na beses ay ibang tao na ang kaharap ko. Hindi makapaniwalang napatingin ako sa binatilyong naka-upo sa aking harapan..

P-pa'nong.. si Lawrence? Bakit nandito si Lawrence?! Patay na si Lawrence! Bakit nandito sya?!

Gusto kong lumayo, gusto kong tumakbo, gusto kong umalis rito.. ngunit mistulang nanigas ang aking katawan, na maski ang leeg ko ay hindi ko maigalaw! Hindi ko maibuka ang bibig ko para magsalita at humingi ng tulong kay Heather na nasa tabi ko.. gusto kong umiyak sa takot at kaba, pero maski iyon ay hindi ko rin magawa!

May pumipigil sa katawan ko at tila ako ay paralisado! Jusko, a-anong nangyayari?!

"Hindi ko 'hun ginawa.. ang sabi nya. Nakinig ka ba?"

Umalingawngaw ang mga katagang iyon sa isip ko. Pinagsisisihan ko ang lahat! Sana nakinig ako.. sana naniwala ako.

Ang mga mata ni Lawrence ay puno ng galit. Tumatagos sa aking kaluluwa ang matalim nyang tingin. Tila ba sinasabi nyang kasalanan ko ang lahat.. at sana mamatay din ako sa konsensiya.

Mas lalo akong nanginig. Ilang gabing sya ang laman ng mga bangungot ko. Ang mga katagang kaniyang sinasambit ay naninirahan pa rin sa isip ko.. at alam kong dadalhin ko ang bangungot na ito hanggang sa hukay.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at nagdasal sa isip.. ayoko ng makita 'to! Jusko, pakiusap.. ayoko na!

Nang muli akong dumilat ay naibuga ko lahat ng hangin na naipon ko sa aking lalamunan.. bumalik na sa normal ang lahat. Ang lalaking nakaitim na ang aking kaharap ngayon.

The Man In Black ✔️Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin